Capter 3

3.6K 114 4
                                    


Natapos ang buong maghapon na wala kaming ibang ginawa kung hindi ang tumambay kung saan man namin magustuhan. Wala pa kasing maayos na klase dahil ang lahat ng mga guro sa Hernandez University ay busy pa kakaasikaso sa mga mag-e-enroll pa lamang. Sa madaling salita, nagsayang lang kami ng panahon doon.

"Hahay... sobrang boring." Kahit sa condo ko ay boring pa rin.

Gumulong gulong ako sa kama at nang magsawa ay bumangon na rin para maghanda dahil may family dinner ang pamilya namin ngayon at ang pamilya ni Ryder na kararating lang galing New York. My father and Ryder's father are best friends, that's why, Ryder and I became friends. Sina Gianna at ang kambal ay naging kaibigan lang namin dahil nakasama namin sila sa training para maging ganap na assassin. At dahil napalapit na kami ni Ryder sa kanila ay di na namin namalayan na naging matalik na namin silang kaibigan.

Mabilisan kong tinapos ang paliligo at pag-aayos ng sarili. Saktong natapos ako ay tumunog ang doorbell. I'm sure si Ryder na 'yon. Sinuri ko pa muna ang sarili bago kinuha ang purse bag ko at nagmamadaling lumabas ako ng kuwarto ko.

"Hey. Good evening." Bati ko kay Ryder nang pagbuksan ko siya ng pinto.

"Good evening din." Bati niya pabalik. "Sakto lang pala ang dating ko't tapos ka na." Aniya." Let's go?"

Tumango ako saka lumabas. Pagkasara ko ng pinto ay sabay na kaming naglakad paalis.

"May pasalubong kaya ako kila tita?" Birong tanong ko sa kaniya nang makasakay na kami sa elevator.

"Alam mo namang mga kuripot ang mga 'yon. Asa ka namang may pasalubong kang makukuha sa kanila. Ako nga na sariling anak, ni isang piraso ng candy; wala." Sabi niya't natawa. Kahit ako ay natawa.

"Ibang klase talaga ang mga magulang mo." Naiiling kong sabi.

"Buti na lang hindi ako nagmana sa kanila."

"Yeah. Ampon ka kasi." Malakas akong natawa nang balingan niya ako ng masamang tingin. Pinaka kinaiinisan niya ay iyong tatawagin siyang ampon.

"Hindi ako ampon." May diin niyang tanggi.

"Paano ka nakaksiguro?" Tanong ko na may halong pang-aasar. Hindi na siya muling nagsalita pa na mas lalong ikinalakas ng pagtawa ko. Alam kong pikon na kaagad siya.

Hanggang sa makalabas kami ng elevator ay wala na siyang imik.

Nang marating ang sasakyan niya ay agad akong pumasok at naupo sa passenger seat. Sunod siyang sumakay at naupo sa may driver's seat at nagmaneho paalis.

Tahimik lang kaming dalawa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

Nang iparada niya ang sasakyan sa harap ng bahay ay agad din akong lumabas. Seryoso na ang mukha at wala na ang pilyang ngiti. Ipinalibot ko ang tingin sa bakuran nila. Naroon na ang sasakyan ng mga magulang ko.

Walang imik kaming naglakad papasok ng bahay. Sinalubong kami ng head maid nila saka iginaya sa garden kung saan magaganap ang family dinner.

Nang matanaw ko na ang pamilya ko at pamilya ni Ryder ay malapad akong ngumiti. After long time ago, they're back. Hmm... I miss them so much.

"This will be a long and boring night." Mahinang bulong ni Ryder.

"Yeah." I agreed. "It will be. Pero alam ko namang palagi kang bored kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit palagi kang unbothered at antukin." Natatawang sabi ko sa kaniya. "Good evening everyone." Magiliw kong bati sa lahat.

Nabaling ang tingin nilang lahat sa amin at ngumiti na mas ikinalapad pa ng ngiti ko. Lumapit ako sa mga magulang ko at humalik sa kanilang pisngi.

"After a week ngayon ka lang nagpakita." Nagtatampong sabi ni mommy.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon