Halos kalahating oras din ang binyahe namin hanggang senyasan niya akong itigil ang sasakyan sa harap ng napakalaking gate.
"Narito na tayo." Anunsyo niya.
"Ipapasok ba natin 'tong sasakyan o hindi na?"
Nilingon niya ako."Ipapasok. Malawak naman ang bakuran ng mansyon at sa likod ng mansiyon magaganap ang kasiyahan."
Sinilip ko ang truck na tumigil malapit sa gate. Base sa itsura niyon ay galing iyon sa kumpanya ni kuya.
"Paano 'yon." Tanong ko sabay nguso ng truck na halos kasabay lang namin sa pagdating.
"Ano 'yan?"
"Sasakyan." Malakas niya akong pinalo sa braso na ikinatawa ko. "Eh sa nagtatanong ka kung ano 'yan. Malamang sasakyan."
"Umayos ka nga."
"Nasa sasakyan na 'yan ang regalo ng kapatid mo." Sabi ko.
Nagtatakang bumaba siya at nilapitan ang track. Agad naman akong sumunod sa kaniya. "What the... ano 'to?" Tanong niya nang makita ang nasa likod ng sasakyan.
"Nakikita mo naman. Ba't tinatanong mo pa?"
Bumaling siya sa akin ng tingin. Pikon at inis ang mababasa sa kaniyang mukha. "Ang ayos ng tanong ko walang kuwenta naman ang sagot mo." Aniya't muling ibinalik ang tingin sa motor na lulan ng truck.
Nakangiting lumapit ako sa kaniya saka siya inakbayan. "Ipapasok din ba natin 'yan sa loob oh saka na lang dito hanggang sa may pagkakataon na tayong ibigay 'yan sa kapatid mo?"
Bumaling siya sa akin ng tingin at dahil mas matangkad ako ay kailangan pa niya akong tingalain. "Ipapasok na lang."
Inalis ko ang pagkakaakbay sa kaniya at linapitan ang nasa driver na bahagi ng truck at kumatok sa bintana niyon. Agad namang ibinaba ng driver ang bintana at sinalubong ang tingin ko.
"Sumunod lang kayo sa amin." Utos ko.
"Opo sir." Magalang nitong tugon.
Umalis ako sa puwesto ko. Si Savannah naman ay nilapitan ang mga guard sa gate at kinausap ang mga ito. Base sa galawan ng mga guard nila ay hindi basta basta lamang na mga guard ang mga iyon.
Nauna akong maglakad patungong kotse saka pumasok at naupo sa driver's seat. Inayos ko ang pagkakaupo at ilang sandali lang ay pumasok na rin siya ng sasakyan.
"Okay na." Sabi niya.
Hindi naman na ako umimik at dahan-dahang minaneho papasok ng malaking gate ang sasakyan ko. Sumunod naman ang truck sa amin. Nang tuluyan akong makapasok ay pasimple kong tinatapunan ng tingin ang paligid. Maraming mamahaling sasakyan ang naroon at maayos ang pagkakaparke ng mga niyon. Akmang ipaparke ko na sana ang sasakyan ko nang magsalita siya.
"Diretso lang." Aniya na akin ding sinunod. "Iliko mo." Utos na niya. Iniliko ko naman ang sasakyan. "There. Iparke mo riyan." Utos niyang muli na tinutukoy ang garahe ng kanilang sasakyan.
Walang imik na sumunod ako saka ipinarke ang sasakyan at naunang lumabas. Umikot ako at nakangiti siyang pinagbuksan ng pinto. Inilahad ko ang kamay sa harap niya na nakangiti naman niyang tinanggap at hinayaan akong alalayan siya.
Isinara ko ang pinto ng sasakyan bago nilapitan ang driver ng truck at ang dalawa pang kasama nito.
"Ilagay niyo na lang diyan." Utos ko sa kanila tinutukoy ang space na nasa tabi lang ng sasakyan ko.
May inabot sa aking susi ang driver. "Susi po ng motor sir." Sabi nito sa magalang na paraan.
Kinuha ko naman iyon saka ibinato kay Savannah na agad din naman niyang nasalo. At ang mga staff ng kompanya ni kuya ay pinagtulungan na ibaba ang motor mula sa truck.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficción GeneralEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
