Nang lumabas ako sa kuwarto ay tapos na akong mag-ayos at mag-agahan. Papaalis na ako para pumasok.
Isinukbit ko sa balikat ang bag ko at patakbong bumaba ng hagdanan.
Halos takbuhin ko rin ang pagitan ng pinto ng condo ko at ng elevator. Damn! Kasalanan 'to ng Jett na 'yon! Kaya naman niyang pumasok sa bahay ko ng walang paalam, ginising at inistorbo pa ako!
Nang makasakay sa elevator ay agad ko ring pinindot ang ground floor. Pagbukas ng elevator sa ground floor ay dali-dali akong lumabas at tumakbo patungong sasakyan ko. Agad na sumakay ako sasasakyan saka pinaandar ang makina at agad na nagmaneho paalis.
Wala pa masyadong dumadaan na sasakyan. Marahil ay maaga pa. Maaga pa? Binagalan ko ang pagmamaneho at tinignan ang oras sa wristwatch ko at gusto kong sapakin ang sarili nang makitang 6:10 AM pa lang gayong 9:00 AM pa magsisimula ang klase namin sa umaga.
Tsk. You're so stupid Savannah.
Nilingon ko ang nasa kabilang bahagi ng kalsada nang mag-beep ang sasakyan na sumasabay sa bagal ng pagmamaneho ko.
Ibinaba ko ang bintana ng kotse ko. Ganoon din ang ginawa ng may-ari ng sasakyan at bumungad sa akin ang isang mestisong lalaki. Nakasuot ito ng sunglass at aaminin kong may itsura naman siya. Ihininto ko ang sasakyan ko sa gitna ng kalsada. Ganoon din naman ginawa niya.
"Let's race?" Pasigaw nitong tanong ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay. "Takot ka bang baka hindi ka manalo? Well hindi na iyon nakakapagtaka! Mukha naman kasing ang bagal--"
"Sure." Putol ko sa iba pa niyang sasabihin.
Ibinaba nito ang suot na sunglass. "Are you sure? Mukhang wala ka namang kaalam-alam sa ganoong mga gawain. Look at you, ang bagal ng pagpapatakbo mo ng sasakyan. 20 lang ang spee--"
"Let's start?" Putol ko ulit sa iba pa niyang sasabihin. Tsk, ang yabang.
"You know what, ayaw na ayaw kong pinuputol ang mga sinasabi ko pero dahil maganda ka naman, sige na lang iintindihin ko na lang na mahilig kang mamutol ng sinasabi ng iba." Ngumisi siya sa akin. "If I will win, you'll be my girlfriend."
Sarkastiko akong tumawa. "And if you'll lose?"
Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya. "I'll be your slave for a month but I know that won't be happen." Malakas itong tumawa na para bang nakakatawa ang sinabi niya.
"Paano kung takasan mo ako?" May pagdududang tanong ko.
"You know I can't, we're study in the same University, remember?" May pagdududa pa rin talaga ako sa mga sinasabi niya. He's the team captain of our basketball team. The cunning team captain. "Nakalimutan kong ikaw pala ang babaeng palaging walang pakialam sa paligid kagaya nung Ryder." Humalakhak ito ng malakas na ikina-poker face ko. What an arrogant guy. "At dahil alam kong hindi mo naman ako kilala, ay magpapakilala ako. I'm Finn Nicolas. Your future boy--"
"Deal." Muli ko na namang putol sa kayabangan niya.
Nalukot ang mukha niya dahil sa ginawa ko pero agad din naman siyang ngumiti. "Okay." Isinara nito ang bintana ng kaniyang sasakyan. Ganoon din ang ginawa ko.
Pareho kaming nagbeep sa isa't isa para ipahiwatig ang go. Ngunit imbis na sumabay sa bilis ng kaniyang pagmamaneho ay nanatili lang ako sa puwesto ko. Tinanaw ko kung gaano na siya kalayo. Iniistamina kung kaya kong humabol kapag binilisan ko ang pagmamaneho.
Nang medyo malayo na siya ay bigla niyang binagalan ang pagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Dumungaw siya sa bintana at nagtatakang tinignan ako. Kinuha ko iyong pagkakataon at bigla na lang pinaharurot ang sasakyan ko. Mabilis akong umiiwas sa sasakyang nakakasalubong ko. Maingat ang aking galaw at kalmado. Nagising siya sa kahibangan at bigla na lang din humarurot ang sasakyan niya sa takot na maabutan ko siya.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
