Chapter 91

1.6K 51 1
                                        

SAVANNAH's POV

Maraming araw na ang lumipas at sa amin na tumutuloy si Gianna at ang ina niya para masigurado ang kanilang kaligtasan. Samantalang ako naman ay parang bata na kahit saan magpunta ay may bantay. Mga peste! Bakit ba sunod sila nang sunod sa akin!

Kahit sa University ay nakabuntot sila sa akin sinuman ang kasama ko. Umaalis lang sila sa paligid ko kapag nasa bahay ako. Kaya heto.. may klase na pero imbis na pumasok ay sa rooftop ako tumambay. Tinakasan ko sila. Nakakaumay na ang pagmumukha nila.

Nakapikit na nilanghap ko ang sariwang hangin. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag walang bantay. Nakakahinga ka nang maluwang.

Nasira ang panandaliang kapayapaan sa paligid ko nang marinig ko ang pabagsak na pagbukas ng pinto. Agad na nabaling ang tingin ko roon at magtatago na sana sa pag-aakalang ang mga bantay ko 'yon nang makita ko ang isang babaeng luhaan at mukhang stress na strees. Umiiyak ito habang naglalakad patungong dulo ng rooftop at dahil nasa sulok ako at halata pang wala ito sa sarili ay hindi niya napansin ang presensiya ko. Nang makarating ito sa dulo ay humugot siya ng panyo sa bulsa ng suot nitong uniporme.

Sinuri kong mabuti ang uniporme nito. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siyang accounting student. Ano naman kaya ang trip ng isang 'to? Nakamasid lang ako sa susunod niyang gagawin. Humawak siya sa railings ng rooftop at aakyat na sana roon nang magsalita ako.

"Anong trip 'yan?"

"Gusto ko ng mamatay." Halata ang lungkot sa boses niya.

"Bakit naman?" Curious na tanong ko.

"Ipinagpalit ako ng boyfriend ko sa malapit." Sagot niya at muling hinugot ang panyo at nagpunas ng luha saka sumingha.

Napangiwi ako. Kadiri. "Tapos?" Tanong kong nakocornihan sa rason niya.

"Palagi na rin akong pinapagalitan ng mga magulang ko. Konting mali lang ay galit na sila agad. Alam ba nilang nakakasakit sila?" Muli na naman itong nagpunas ng luha at sumingha. Grrrhhh. Kadiri. "Tapos kapag bumagsak lang ako ay pinapagalitan na nila ako eh binibigay ko naman ang makakaya ko kaso bumabagsak pa rin ako. Nakakasakal na sila. Bawat galaw ko nakikita nila. Nakakasawa na." Muli itong humagulhol na para bang sobrang nasasaktan.

Tumangu-tango ako na para bang nakikita ako nito.

"Hindi ka ba pinapakain ng mga magulang mo araw-araw?"

"Pinapakain." Sagot niya.

"Palagi ka bang walang pera at hindi binibilhan ng damit?"

"Palagi akong may pera. Madalas din nila akong bilhan ng mga damit."

"Pinapahirapan ka ba? Pinagtatrabaho?"

"Hindi naman kaso nasasakal lang ako sa ugali nila."

Tumangu-tango akong muli. Kung ikukumpara ko ang buhay ng babaeng ito sa buhay ko at kay Logan ay walang wala ang problema niya. Problema lang 'yon ng normal na taong wagas magdrama.

"'Yon lang ang problema mo gusto mo ng mamatay?"

"'Wag mo ngang niyoyon 'yon lang ang problema ko! Palibhasa hindi mo pa naranasang ipagpalit sa iba. Hindi mo rin naranasang magkaroon ng striktong magulang."

I tsk. "'Wag mo akong kinakausap nang ganiyan kung ayaw mong sipain kita riyan at nang sa gano'n ay matuluyan ka na nga talaga."

Mabilis na nilingon ako ng babae. Galit na galit ang mukha niya at nang mapagsino ako ay agad siyang natigilan. "M-Miss Hernandez."

Walang gana ko siyang tinignan. "Ipinagpalit ka lang, gusto mo ng mamatay. Ang daming taong mas malala pa sa dinadanas mo ang nararanasan pero pinipilit pa rin nilang mabuhay. At 'yang problema mo sa mga magulang mo, madali lang ang solusyon diyan. Kaya sila palaging galit kahit kaunting mali lang ay gusto ka lang nilang itama. Kaya gusto nilang palagi kang pumapasa ay ayaw ka nilang lumaking bobo at kaya sila strikto ay concern lang sila sa 'yo. Ayaw lang nilang masira ang buahy mo kaya nagagawa nilang lahat 'yan at kung hindi mo nauunawaan ang sinasabi ko ay 'wag kang mahiyang magtanong sa kanila. Itanong mo sa mga magulang mo ang mga bagay na 'yan. Itnanong mo kung bakit sila ganoon ganiyang sa 'yo." Tumayo ako at naglakad patungong pintuan para lisanin ang lugar ngunit bago 'yon ay nilingon ko pa muna siya. "Tsaka bago ka magpakamatay, isipin mo munang ang daming taong gusto pang mabuhay ngunit kaunti na lang ang oras nila sa mundo at bago mo isiping magpakamatay ay isipin mo muna ang mararamdaman ng mga taong maiiwan mo kasi minsan, iniisip natin na hindi tayo mahal ng mga taong nakapaligid sa atin pero akala lang natin 'yon. Mahal ka nila pero hindi lang nila pinapakita. Pinapahalagahan ka nila pero sinasarili lang nila 'yon." Nginitian ko siya. "Intindihin mo ang mga magulang mo. Ganiyan lang talaga magmahal ang isang magulang. Ayaw lang nilang mapariwara ka kaya ganiyan sila. Maglaan ka rin ng oras para sa mga taong nakapaligid sa'yo. Pahalagahan mo sila at iparamdam na mahalaga sila sa 'yo habang may oras ka pa kasi, maikli lang ang buhay." Ikinaway ko ang kamay tanda ng pamamaalam. "Alam mo, masarap mamatay nang walang pinagsisihan."

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon