Chapter 25

2.2K 83 3
                                    



Sumisimsim ako ng kape habang tinatanaw sa bintana ng cafeteria ang kumpulan ng mga estudyante. Nagtataka kung anong nangyayari't nagkukumpulan ang mga ito sa field.

Dala ang kape ko ay tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumabas ng cafeteria. Tiningnan ko ang wristwatch ko at nagsisimula na ang klase ng halos lahat ng courses pero bakit napakaraming mga estudyante pa ang nasa labas? At anong pinagkukumpulan nila?

Muli akong sumimsim ng kape habang naglalakad patungong kumpulan.

"Wala kang karapatang ganunin ang may-ari ng University na ito!"

"Wala kang galang!"

"Sino ka para ganunin ang may-ari?"

"Hahayaan niyo na lang bang ganunin niya ang namumuno sa paaralan natin?"

"Hindi!"

"Paalisin 'yan sa University!"

Sigawan ng mga estudyante. Napa-poker face na lang ako. Ano na namang kalokohan 'to? Itinapon ko sa nakitang basurahan ang lalagyan ng kape ko't muling nagpatuloy sa paglalakad.

Nang nasa kumupulan na ako ay kinalabit ko ang babaeng nasa unahan ko. Tinapik lang niya ang kamay ko. Nagtaka ako nang umugong ang tawanan at bulungan ng lahat. Mas lalo tuloy akong na-curious. Muli kong kinalabit ang babae pero gaya kanina ay tinapik lang nito ang kamay ko.

"Anong nangyayari?" Tanong ko na ikinalingon ng babaeng kinalabit ko.

Gulat na gulat ito nang makita ako at paulit-ulit na humingi ng tawad habang paulit-ulit ring yumuyuko. Hinawakan ko siya sa buhok para matigil ito sa paulit-ulit na pagyuko. Nakita ko kung paano ito manginig sa takot. Iniangat ko ang ulo niya para magtama ang mga mata namin.

"Lumayas ka sa harap ko." Malamig kong sabi saka binitawan ang buhok niya. Nagmamadaling umalis ito sa harap ko.

Bumaling ang tingin ko sa mga estudyanteng nasa harap ko. Halos lahat ng mga ito ay nasa akin na ang mga mata. Bakas ang takot sa mukha ng ilan. Ang iba naman ay kinakabahan.

"Anong nangyayari rito?" Muling malamig kong tanong.

Bigla bigla ay nahawi ang mga estudyante. At sa gitna ng kumpulan, naroon si Logan. Pinagbabato ng papel. I tsked. Ang ibang nakakita sa akin ay natahimik ang iba naman ay patuloy lang sa pagbato ng mga papel kay Logan.

Mabilis kong tinakbo ang pagitan namin ni Logan nang may mapansin akong mala kamao ang laki ng batong ibinato ng kung sinuman mula sa mga estudyante. Nasalo ko ang batong 'yon ngunit ang sunod na bato ay hindi na dahil na-focus ang pansin ko sa isang batong hawak ko.

Tumama ang bato sa noo ko malapit sa sentido ko. Bahagya akong nahilo dahil sa lakas ng pagkakatama ng batong iyon sa noo ko. Ipinilig ko ang ulo nang baghagyang umikot ang paningin ko.

Nang sa tingin ko ay okay na ako, nag-angat ako ng tingin sa lahat. Nanlilisik ang mga mata dahil sa pinaghalong inis at galit. Walang nakapagsalita. Lahat ay natahimik.

"Ipagpatuloy niyo lang ang mga ginagawa niyo hanggang sa maubos ang pasensya ko." Malamig kong sabi. Tanging ang boses ko lang ang naririnig sa buong lugar. Lahat ng estudyante ay pawang mga nakatungo. Takot na salubungin ang nanlilisik kong tingin. "Ngayon, magsipasok na kayo bago maubos ang pasensya ko't mapatay ko kayong lahat." Seryosong dagdag ko.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon