LOGAN's POV
Nang maramdaman kong malalim na ang paghinga ng kasama ko ay tumigil ako sa pagkanta ng panibagong kantang kinakanta ko at ihininto ko rin ang pagtugtog ng gitara saka siya nilingon. Mukhang nakatulog siya.
Itinabi ko ang hawak na gitara at dahan-dahan siyang pinahiga at pinaunan sa kaliwang hita ko.
Ang amo ng mukha niya 'pag natutulog pero 'pag gising ay palaging salubong ang kilay. Mahina akong natawa sa naisip. Napaka-highblood talaga niya at madali pang mapikon kaya gustong gusto ko siyang asarin.
Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Ang mukha niyang tititigan ko lang ay gumagaan na ang loob ko. Sa tanang buhay ko ay hindi ko pa naranasang magkagusto ng ganito sa isang tao. Wala rin akong hinahayaang makapasok sa buhay ko lalo na sa puso ko dahil kapahamakan lamang ang maiidudulot ko sa iba.
Pero kay Savannah, kahit alam kong mapapahamak siya dahil sa akin ay gusto ko pa rin sumugal. Kahit na magugulo lang ang buhay niya dahil sa akin ay susugal pa rin ako. Maaaring pagiging selfish ito pero hindi ko yata kayang pakawalan siya't makitang masaya sa piling ng iba. Mababaliw yata ako ng wala sa oras kapag nangyari iyon.
Sinuklay ko ang mahaba niyang buhok gamit ang daliri ko't iniangat iyon para amuyin. Ang bango. Naglakbay ang kamay ko't dumapo iyon sa malambot niyang pisngi. Hinaplos haplos ko ang pisngi niya habang may masayang ngiti sa mga labi.
"My beautiful sonnenschein." Nakangiting ani ko at hinalikan siya sa noo. Inayos ko rin pagkakapatong ng jacket ko sa katawan niya para hindi siya lamigin.
Tinanaw ko ang karagatan habang patuloy na hinahaplos ang buhok niya. Damn... hindi ko na yata maiaalis ang ngiti sa mga labi ko habang kasama siya.
Pinapangako kong kahit na anong mangyari, hinding hindi kita susukuan Savannah hanggang sa maging akin ka. Wala akong pakialam sa kahit na anumang panganib na maaari kong suungin dahil lamang sa ama ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng kasiyahan at wala akong balak na itigil ito.
"du scheinst so glücklich zu sein." (You seems so happy.) Komento ni kuya Levi na pumukaw sa malalim kong pag-iisip.
Nilingon ko siya at nginitian. "Ich bin." (I am.)
Mataman siyang tumitig sa akin at ngumiti. "Ich bin froh, dich nach dem Tod unserer Großmutter wieder lächeln zu sehen." (I am glad to see yiu smile again after the death of our grandmother.)
"Wie kann ich nicht lächeln, wenn sie mich immer glücklich macht?" (How can I not smile if she always makes me happy?) Natatawang sabi ko.
Dumako ang kaniyang tingin kay Savannah. "Hast du keine Angst, dass sie wie alle anderen sein könnte? Unser Vater muss davon gewusst haben." (Aren't you afraid that he might be like everyone else? our father must have known about it.)
"Ich fürchte. Wer wird nicht? Unser Vater ist ein Dämon. Trotzdem werde ich alles tun, um sie zu beschützen. Wenn sie es erlaubt." (Ich fürchte. Wer wird nicht? Unser Vater ist ein Dämon. Trotzdem werde ich alles tun, um sie zu beschützen. Wenn sie es erlaubt.)
"Tsk, ist nicht leicht, sie zu beschützen. Noch mehr, wenn es um unseren Vater geht." (Tsk, it's not easy to protect her. Even more when it comes to our father.) Naiiling niyang sabi.
"Es ist mir egal." (I don't care.) Walang pakialam na sabi ko.
"You really like her that much huh?" Natatawang sabi niya.
"Higit pa sa simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko para sa kanya kuya."
Tumingala siya sa langit. "Hindi kita hahadlangan sa bagay na iyan dahil alam mong ang kasiyahan mo ay ang kasiyahan ko pero gusto ko lang ipaalala sa iyo na isang gulo ang pinasok mo."
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Fiction généraleEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
