"I'll fetch you tomorrow." Nakangiting sabi ni Logan paglabas ko ng sasakyan niya. Nakadungaw siya sa bintana ng sasakyan at may malaking ngiti sa mga labi.
"'Okay. Ingat sa daan. May mga white lady pa namang lumalabas sa ganitong oras ng gabi." Sabi ko ng nakangiti ngunit ang balak ko ay takutin siya dahil malapit nang maghating gabi.
Sinamaan niya ako ng tingin na ikinahalakhak ko. "Stop scaring me Savannah, you're not funny."
Tumigil ako sa pagtawa saka inosente siyang tinignan."What? Pinaalalahanan ka lang, alam mo namang sa ganitong mga oras lumalabas ang mga multo." Gusto kong humalagapak na naman ng tawa nang bumalatay ang takot sa kaniyang mukha. Tang*na! Hahahahahahaha!
"Tsk. Diyan ka na nga." Inis niyang sabi saka inayos ang pagkakaupo at isinara ang bintana ng sasakyan bago pinaharurot iyon paalis.
"HAHAHAHAHA!" Malakas kong tawa nang mawala na siya sa paningin ko. "Lalaking 'yon, ang tanda tanda na nga nagpapaniwala pa rin sa multo eh hindi naman totoo 'yon." Naiiling kong sabi.
Saktong pagharap ko sa direksiyon ng elevator ay isang babae ang bumungad sa akin. Nakatutok sa noo ko ang hawak nitong baril. She looks pamilyar. Ah, siya yung babaeng kasama nila Logan na kamukha ni Ate.
"Hey." Nakangising bati ko sa kaniya pero nanatiling seryoso ang kaniyang mukha.
"Stay away from Logan. An order from his father."
Nakakalokong ngumisi ako sa kaniya nang ikasa niya ang baril. "Tell Mr.Griffin I won't do what he want." Mabilis na yumuko ako nang walang pag-aalinlangan niyang kinalabit ang gatilyo ng baril at tumama ang bala niyon sa isang poste na malapit lamang sa amin.
Umayos ako ng tayo na parang walang nangyari. Nanatili ang ngisi sa mga labi ko. Siya naman ay nanatili ang kaseryosohan sa mukha. Namulsa ako at sinalubong ang kaniyang tingin.
"Kung hindi mo susundin ang nais niya ay kamatayan ang kapalit." Malamig niyang sabi.
"Don't worry, since I was young, death is already chasing me but look at me. Still alive and feel healthy." Kibit balikat kong sabi. Hindi alintana ang baril na nakatutok sa noo ko.
"Don't try my boss. He doesn't lie."
"Tell him I don't care." Walang pakialam na sabi ko't nilampasan siya ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang ikasa niya ang baril at pinaputok iyon sa direksiyon ko na mabilis ko namang nailagan at tumama iyon sa pader ilang metro ang layo sa elevator.
"That's just a warning Miss Hernandez." pagkasabi niya niyon ay narinig ko na ang paglakad niya papalayo.
Nagpaltuloy ako sa paglalakad na para bang walang nangyari. Pagpasok ko ng elevator at nang magsara iyon ay pinindot ko ang 7th floor at umayos ng tayo.
Nang bumukas ang elevator ay agad din akong lumabas saka tinungo ang bahay ko. Pagpasok ay agad akong naalerto nang makaramdam ng mga presensya sa loob. Bumaling ang tingin ko sa balkonahe. Nakabukas iyon gayong ni-lock ko naman iyon bago ako umalis. Nagdire-diretso ako sa sala at naupo sa pang-isahang sofa.
"Anong kailangan niyo?" Tanong ko.
"We're here to kill you." Malamig na boses na sabi ng isang lalaki tapos ay may kung ano itong ibinato sa direksiyon ko. Mabilis ko namang hinugot ang baril sa ilalim ng jacket at walang lingon na binril ang bagay na iyon saka tumayo. Naglikha ng malakas na ingay ang bagay na iyon nang tumama iyon sa pader bago nahulog sa tile. Base sa tunog niyon ay isa iyong kutsilyo.
Umalis ako sa puwesto ko nang magsipaglabasan sila. Tsk. Ayokong masira kahit alin man sa mga gamit ako ano. Mas importante pa ang mga 'yan kaysa sa buhay nila.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
