Matapos mag-agahan ay agad din kaming nagtungong University. Si Logan ay naunang pumasok dahil maaga ang klase nito.
Sina Wyatt, Ryder at Gianna kasama ang ilang mga classmate namin sa Business Ad ay nasa classroom na. Naghahanda dahil ang grupo nila ang magre-report sa umagang ito. At kami ni Wren, dahil tapos na kaming mag-report noong biyerness at wala nang aasikasuhin ay tumambay na muna kami sa garden.
Pansin ko ang kanina pang pananahimik ni Wren na para bang kanina pa may gustong sabihin pero hindi lang niya masabi.
Nakaupo ako sa ugat ng malaking puno samantalang siya ay nakaupo sa bermuda grass. Nakatagilid ito sa akin habang nakatingala sa kalangitang napakaaliwalas. Minsan ay haharap sa akin na para bang may gustong sabihin tapos ay tatalikuran akong muli at pasimpleng binabatukan ang sarili. At sa ginagawa niyang iyon, nagmumukha siyang may saltik sa paningin ko. Sarap niyang ipamental.
Humarap na naman siya sa akin. Bumuka ang bibig tapos ay tatalikod at mahinang mumurahin ang sarili.
"Sabihin mo na kasi Wren."
"Ano ba! Si Savannah naman 'yan eh."
"Hayst, bakit ba hindi mo magawang itanong?"
"Kailangan mong malaman ang totoo nang sa gayon ay matahimik ka na."
"F*ck you ka talaga Wren. Magtatnong ka lang hindi mo pa magawa?"
"Ano na? Tanungin ma na! Magta-time na!"
"Bakit ba kasi naiilang ka eh makapal naman ang mukha mo."
"Nasaan na ang kakapalan ng mukha mo? Palabasin mo na."
Mahihinang mga bulong niya ngunit naririnig ko pa rin dahil hindi yata uso sa babaeng ito yung bulong na siya lang ang makakarinig. Kung hindi lang siguro ako sanay sa ugali niya ay iisipin kong nababaliw na siya.
Sinipa ko ang paa niyang malapit sa paa ko at kung nakatayo lamang siguro siya sa mga pagkakataong ito ay napatalon na siya sa sobrang gulat.
Masama ang mukhang bumaling siya sa akin ng tingin. "Bakit ka ba nanggugulat?"
"Kanina ka pa kasi bulong nang bulong. Kung hindi ka siguro tao ay iisipin kong bubuyog ka." Nag-iwas siya ng tingin. "Magtanong ka kung may gusto kang itanong. Hindi iyong para ka na ngang may saltik, para ka pang bubuyog."
"A-ano kase. Y-yong a-ano m-may n-n-nangyari ba... sa inyo n-ni ano?" Tanong niya na ikinasalubong ng kilay ko dahil ang hina na nga, hindi ko pa maintindihan.
"Anong sabi mo?"
"May nangyari ba sa inyo ni Logan!" Malakas niyang tanong na ikinagulat ko.
Ipinalibot ko ang tingin sa paligid. Mabuti na lang at nagsisimula na ang klase ng halos lahat ng courses kaya wala nang tao rito sa garden. Nasa mga benches, feild at cafeteria ang ibang mga student na hindi pa nag-uumpisa ang klase.
"Ano naman ang pumasok diyan sa kokote mo at naitanong mo 'yan?" Nagtatakang tanong ko.
Nakatungo na siya ngayon at nilalaro ang hintuturo. "A-ano kase. N-narinig ko y-yong a-ano, a-ahm a-ano. N-na m-may you k-know. A-ahm p-parang a-ano. M-may g-ginagawa kayo n-ni ano. N-ni L-Logan."
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Художественная прозаEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
