SAVANNAH's POV
Kanina pa ako paikot-ikot sa salas mula nang makarating ako. Ang mga kaibigan ko ay nasa taas at malalim na ang pagtulog samantalang ako ay hindi mapakali at habang lumilipas ang mga sandali ay mas nadadagdagan ang kabang nararamdaman ko dahil sa sobrang pag-aalala para kay Logan.
Gusto ko sana siyang tawagan ngunit wala naman akong number niya. Bakit ba hindi kami nagbigayan ng number?
Ramdam ko ang napakaraming presensiya kanina unang tapak pa lamang ng paa ko sa semento ng ground floor ngunit nagpanggap akong walang nararamdaman para hindi sila makahalata.
Kikilos din sana ako ngunit ramdam ko ang pagpigil ni Logan sa akin. Nakita ko rin kung paano niya sinalo ang balang tatama sana sa sentido ko.
Muli na naman akong naguluhan na may kasamang pag-aalala. Pakiramdam ko ay kilala niya rin ang mga nasa paligid. Ugh!
Dumapa ako sa malamig na tile ng salas at hinanap sa ilalim ng sofa ang baril na madalas kong itago roon. Nang makita ang baril ay kinuha ko iyon saka bumangon. Lalabas na sana ako nang maalala ang suot ko at ang likod kong ayaw niyang makita ng iba. Dumako ang tingin ko sa itim niyang jacket. Hinablot ko iyon at isinuot saka lumabas ng unit ko.
Tahimik na hallway ang bumungad sa akin pagkalabas na pagkalabas ko at para bang nakakabingi ang katahimikan sa paligid.
Nang makarating akong elevator at magbukas iyon ay agad din akong pumasok at pinindot ang ground floor. Sa unang pagkakataon ng pagsakay ko rito ay pakiramdam ko, parang ang bagal ng pagbaba nito at naiirita na ako dahil hindi ako mapakali sa sobrang tindi ng pag-aalalang nararamdaman ko.
"Bilisan mo naman please." Sabi ko habang pinipindot nang paulit-ulit ang button na para sa ground floor. Ang paa ko ay hindi rin mapakali dahil paulit-ulit ko iyong ipinapadyak nang mahina sa floor ng elevator. "Ano ba... dalian mo naman." Naatat nang dagdag ko.
Nang sa wakas ay bumukas na ang elevator ay agad din akong lumabas at mabilis na ihinanda ang sarili ngunit natigilan ako nang makitang napakatahimik ng paligid. Pinakiramdaman ko ang kabuuan ng ground floor. Naghahanap ng presensiya ngunit wala akong naramdaman ni isa.
Ipinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng lugar. Wala roon ang sasakyan ni Logan. Kahit ang ilang mga sasakyang nakita ko kanina ay wala na rin. Lumabas pa ako ng ground floor ng gusali para hanapin sila ngunit wala na rin akong makita ni isa oh kahit na anong bakas nila. Muli akong bumalik sa ground floor ng gusali at hinanap ang napatay ni Logan kanina pero wala na iyon doon sa kaninang kinapupuwestuhan nito. Ni bakas ng dugo ay wala na rin akong makita.
Naguguluhan man ay mas lamang ang pag-aalalang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung nasaan siya at paano siya hahanapin!
Muli akong pumasok sa elevator para bumalik sa unit ko. Naroon pa rin ang matinding pag-aalala ko para sa kaniya. Paano kung may nangyari nang masama sa kaniya? Hayst! Bakit ko ba naman kasi siya iniwan!
Nang bumukas ang elevator ay dali-dali akong naglakad palabas. Halos takbuhin ko na ang pagitan ng unit ko at ng elevator. Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis at palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.
Nang makapasok ay walang ingay kong tinakbo ang hagdanan patungong kuwarto ko. Pagpasok ko ng kuwarto ko ay hinanap ko ang susi ng sasakyan ko. Namataan ko 'yon sa bedside table. Dali-dali ko 'yong nilapitan at mabilis na kinuha saka dali-dali rin akong lumabas ng kuwarto. Walang ingay na isinara ang pinto at walang ingay ding bumaba ng hagdanan.
Paglabas ko ng unit ko ay walang ingay kong tinakbo ang pagitan ng pinto ng bahay ko at ang elevator. Sa nangyayari ngayon ay bumbalik sa isipan ko ang nangyari noon na naghatid ng bangungot sa akin. Ang mga panahong wala pa akong kakayahan.

BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...