SAVANNAH's POV
"'Yong pagkain mo, lumalamig na." Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang boses na 'yon ni Gianna. Napatingin ako sa pagkain ko. Malamig na nga.
"Simula nang magpunta ka sa principal's office, palagi nang malayo ang nilalakbay ng pag-iisip mo. May nangyari ba?" Tanong Wren. Umiling ako pero mapaglaro naman siyang ngumiti. "Nabalitaan ko pala ang encounter niyo ni Logan kanina. Ikaw ah. Pumapag-ibig ka na."
"Hindi na nakakapagtaka kung bakit alam mo 'yan." Wika ni Gianna.
"Naman... alam niyo kasi, alam niyo, alam niyo!" Isinigaw niya ang huling sinabi kaya lahat kami ay napatakip ng tainga dahil sa tinis ng kaniyang boses. "Talento ang pagiging tsismosa. Kung walang tsismosa, walang magbabalita sa inyo kung ano na ang nangyayari sa mundo. Kaya magpasalamat kayo at isa ako sa mga taong may talentong ganito."
Nagtsk ang kaniyang kakambal. Hindi kumbinsido sa kaniyang sinabi. "Hindi mo lang alam kung gaano kami kamalas dahil nagkaroon kami ng kasamahang tsismosa na nga, maingay at puro kahihiyan pa ng ginagawa."
Napailing ako. Alam ko na kung saan ang patutunguhan nito.
"Wow... sa tingin mo namang swerte rin kami dahil nagkaroon din kami ng kasamahang womanizer na nga, feeling perfect pa."
"At bakit sa akin na napunta ang usapan? Akala ko ba, ikaw topic dito?"
"Boy, ibinabalik ko lang sa 'yo ang ginawa mo. Sabi pa nga nila, 'wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa 'yo. Kaya 'wag mo akong kontrahin kung ayaw mong kontrahin din kita!" Napipikong sabi ni Wren sa kakambal habang masama ang tingin dito.
Bahagyang humarap si Wyatt sa kakambal saka ito itinulak sa noo gamit ang hintuturo.
"Pinagsasabihan ka lang. Puro ka na lang kasi kahihiyan!" Napipikon na ring sabi nito.
"Aba't! Anong karapatan mong pagsabihan ako? Sino ang mas nakakatanda sa atin ha?" Mapanghamong tanong ni Wren sa kakambal habang nanlalaki ang mga mata.
"Ha.ha.ha." Pekeng tawa ni Wyatt. "Talagang ipinanlalaban mo ang pagitan ng edad natin na ilang minuto lang naman? Eh paano ang height mo? Mas matanda pa rin ba kaysa sa height ko pandak kong ate?"
Galit na tumayo si Wren at susuntukin na sana ang kakambal nang magsalita si Gianna.
"Pikunin niyo ako dali." Sarkastikong sabi ni Gianna sa dalawa. Natahimik ang mga ito. "Oh? Bakit tumigil kayo?" Tanong niya pa. Pero walang sino mang umimik sa dalawa.
Bumalik sa pagkakaupo sa Wren pero sa ilalim ng lamesa, nagsisipaan naman sila dahil minsan ay nasasagi nila ang paa kong malapit sa mga paa nila.
"Sav, si Logan oh." Wika ni Gianna sabay nguso sa nasa likuran ko. Sinundan ko ng tingin ang kaniyang inginuso. Si Logan nga. Nakaupo siya sa pangalawang lamesa mula sa mesa namin. Nakatagiilid ito sa amin at mag-isa lang na kumkain.
Lihim kong nasapo ang dibdib ko nang magsimula na naman iyong tumibok ng mabilis. Iniiwas ko kay Logan ang tingin at ibinalik na lang ang pansin sa kinakain.
"Mag-isa lang siyang kumakain Sav." Mapunuksong sabi ni Gianna.
"Paki ko?" Walang pakialam na sabi ko.
"Bakit bigla yatang parang nanginginig 'yang kamay mo?" Mapanudyong tanong ni Ryder. Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa. Lokong 'to. Magsasalita lang kapag mang-aasar.
"Manahimik ka." Mariing bulong ko sa kaniya.
"Bakit 'di mo lapitan?"
Nakataas ang isang kilay na nilingon ko si Wren. "At bakit ko naman gagawin 'yon? Ano ako? Magpapapansin?"
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficción GeneralEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...