"Ate, bakit tayo hinahabol nung mga bad guy?" Tanong ko sa ate ko.
"Shh... 'wag kang maingay." Bulong niya. "Kahit anong mangyari, 'wag na 'wag kang aalis dito okay?" Takot man at nanginginig ay tumango pa rin ako. "Good. Dito ka lang. Hahanap lang si ate ng paraan para makatakas tayo sa kanila."
Mahigpit akong kumapit sa laylayan ng damit niya. "S-saan ka pupunta? A-ate, w-wag mo 'kong i-iwan." Mangiyak ngiyak kong sabi.
"Sav, listen to ate. Please listen to me. Hahanap lang ng paraan si ate para makatakas tayo sa kanila."
Nanginginig ang boses niya. Nag-aalala, natatakot din kagaya ko ngunit pilit pa rin niyang pinapatatag ang sarili.
Malakas niyang inalis ang mahigpit kong pagkakapit sa laylayan ng damit niya at ilang sandali lang ay wala na siya sa tabi ko.
Gusto kong sumigaw sa takot. Gusto kong sumigaw na balikan niya ako dahil mababaliw yata ako sa matinding takot pero hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili kong kapag sumigaw ako ay mapapahamak kaming dalawa.
Natigilan ako nang makarinig ako ng malakas na kalabog. Napatakip ako ng tainga habang mariing pinipikit ang mga mata.
Ngunit. Dinig na rinig ko pa rin ang pagdaing ng ilang kalalakihan sa labas ng kinatataguan ko. Tumulo ang luha ko nang makarinig ako ng malakas at sunod sunod na putok ng baril.
MALAKAS akong napasinghap nang magising ako. Pinagpapawisan ang noo ko habang naghahabol ng hininga. Mabilis akong bumaba sa kama at lumabas ng kuwarto saka nagtungong kusina ngunit nakakaisang hakbang pa lang ako pababa ng hagdanan ay natigilan ako nang may malamig na bagay na dumikit sa sentido ko.
"Isang maling galaw Ms.Hernandez ay pasasabugin ko 'yang bungo mo." Serysosong banta ng babae base sa boses nito. Gaya ng sinabi niya ay hindi ako kumilos ngunit ang mukha ko ay walang emosyon at kalmado. "Lakad." Utos nito sa akin. Hindi ako nakinig kaya mas idiniin pa niya ang dulo ng baril sa sentido ko. Mabilis na nag-init ang ulo ko. Sino ito para utusan ako ng parang tanga? "Sabi nang lakad!" Bakas na ang iritasyon sa boses nito pero hindi pa rin ako kumilos.
Nilingon ko siya na bahagyang ikinagulat niya. Mabilis ang aking galaw at sa isang iglap lang ay nagkapalit na kami ng posisyon. Ako na ngayon ang may hawak ng baril at nakatutok ang dulo niyon sa sentido niya.
"You're barking up the wrong tree stupid." Malamig kong sabi. "Anong kailangan mo?" Hindi nagsalita ang babae. "1..." bilang ko. Hinihintay na magsalita siya. "2..." ngunit hindi pa rin ito nagsalita. "3..." walang pag-aalinlangan kong kinalabit ang gatilyo ng baril nang akmang aatakihin ako nito.
Sinipa ko siya sa tagiliran nang hindi man lang ito natumba kahit naghihingalo na.
Walang gana ko siyang pinagmasdan habang habol habol nito ang kanyang hininga. Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa akin. She want to say something but she can't speak.
Itinutok ko ang baril sa puso niya at walang pag-aalinlangan siyang binaril doon kaya tuluyan na itong nawalan ng hininga.
Ibinato ko ang baril na hawak sa wala nang buhay na katawan ng babaeng mulat ang mga mata na sa akin pa rin nakatingin.
Kalmado akong pumasok ng kuwarto para hanapin ang cellphone ko. Natagpuan ko 'yon sa round table sa munting salas ng kuwarto ko.
Binuhay ko ang cellphone at dinial ang numero ng taong makakatulong sa akin para malinis ang kalat na nasa labas ng kuwarto ko.
"Hey Sav, miss me?" Mapang-asar nitong bungad sa akin.
"Pakilinis ang kalat na nasa labas ng kuwarto ko." Sa halip ay sabi ko.
"Tsk, wala man lang hello o kumusta ka na Jett? Magtatampo na talaga ako sa 'yo, kinakausap mo lang ako kapag kailangan mo ako." Pagdadrama niya.
"Oh, eh 'di hello Jett, kumusta ka na?" sarkastiko kong bati sa kaniya.
Tinawanan lang niya ako. "Hindi ka dapat ganiyan makipag-usap sa isang napakaguwapong katulad ko."
Napairap na lang ako sa hangin dahil sa kahanginan niya. "How much."
Narinig ko ang malakas nitong halakhak. Tsk. Basta pera talaga, mapapahalakhak sa tuwa. Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigang kagaya niya na mukhang pera?
"How many Body?" Tanong niya.
"One." I answered. Narinig ko ang pagtsk niya.
"Dahil magbestfriend naman tayo ay mumurahan ko na lang. 500,000 para sa isang katawan." Hindi na ako nagtaka sa itinugon niya. Hindi siya si Jett Jackson kung hindi siya mukhang pera.
"Tsk. Fine. I'll send the check."
Sa pagkakataong ito ay mas malakas siyang tumawa. "Kaya tayo nagkakasundo eh. Madali kang kausap."
"Yeah yeah Jett, whatever."
Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at binabaan na siya ng tawag dahil baka kung saan pa mapunta ang walang kuwenta naming usapan.
Tinungo ko ang kama ko saka ipinatong ang cellphone sa bedside table bago pabagsak na nahiga sa malambot na kama. Tumitig ako kawalan. Muling pumasok sa isipan ko ang napanaginipan kanina.
Ilang taon na ang nakakalipas. Ngayon ko lang uli napanaginipan ang kaganapang iyon na nagsilbing bangungot sa akin. Kumunot ang noo ko nang mamasa ang mata ko. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa pandinig ko ang malakas na sigawan ng mga lalaking namimilipit sa sakit at ang tunog ng putok ng mga baril.
Ate...
Kinusot ko ang mga mata nang manlabo ang paningin ko dahil sa luha. Nagbuntong hininga ako't tumitig muli sa kawalan. Nang makaramdam ako ng antok ay pinikit ko ang mga mata. Hindi nagtagal ay nilamon na rin ng antok ang buong kamalayan ko.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficción GeneralEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
