LOGAN's POV"Okay, I will let you court me then."
Para akong lumilipad sa tuwa nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa bibig niya.
Akmang yuyuko na sana ako para halikan siya sa noo nang maglabas siya ng kutsilyo at itinutok iyon sa mukha ko.
"Tigil tigilan mo ang panananching sa akin." Seryoso niyang sabi.
Umayos ako ng tayo. Imbis na matakot ay mas lalo ko lamang siyang nagugustuhan. Hinablot ko ang kutsilyong hawak niya at itinapon iyon sa kabilang parte ng rooftop na mukhang hindi niya nagustuhan dahil bigla na lang nagdilim ang mukha niya.
Mabilis akong tumalon paatras nang maramdaman ko ang paa niyang papalapit sa paa ko para patirin ako. Patalon siyang tumayo at ihinanda ang sarili. Mukhang mapapalaban ako nito. Pero sa tingin ko ay masisiyahan naman ako. Lalo pa't siya ang makakalaban ko.
Kung kanina ay nakasimangot siya, ngayon, seryoso na ang kaniyang mukha. Ihinanda niyang muli ang sarili habang nasa tapat ng dibdib ang kamao niyang kuyom na kuyom.
"Ano ang karapatan mong itapon ang kutsilyo ko ng gano'n ha? Alam mo bang mas mahal ko pa 'yon kaysa sa 'yo?" Galit na galit niyang sabi.
Ngumisi ako. "So, mahal mo na pala ako?"
Mabilis siyang nagreact dahil sa sinabi ko. "Ano? Nagkamali ka lang ng pang-intindi. Hindi kita mahal 'no. I mean mahal ko 'yong kutsilyong 'yon. Ah basta, 'yon na 'yon" Pagkasabi niyon ay bigla na lang niya akong sinugod ng magkakasunod na suntok. Mabilis ko namang naiilagan ang mga mga suntok niya.
Patalon akong umatras nang bigla niyang itaas ang paa niya't mukhang ipapatama iyon sa akin. Nagkaroon ng hindi naman kalalimang butas ang semento nang bumagsak ang mga paa niya roon at panigurado akong kung isang simpleng tao lang ang nabagsakan ng paa niya ay siguradong malulumpo agad.
Mabilis siyang kumilos at inisahang hakbang ang pagitan namin saka ako muling pinaulanan ng magkakasunod na suntok. Mabilis ko namang sinasalag at iniiwasan ang kaniyang bawat pag-atake.
Mabilis akong yumuko nang umikot siya at iangat ang paa niya para sipain ako. Ang sunod niyang ginawa ay ipinaikot sa baba ang paa niya para patirin ulit ako ngunit gaya kanina ay mabilis akong tumalon palayo sa kaniya.
Habang tumatagal ang aming paglalaban ay mas bumibilis pa ang ang mga suntok at sipang pinapakawalan niya. Mas bumibilis din ang pagsalag at pag-ilag ko sa bawat pag-atake niya.
"Hey, bakit galit na galit ka?" Tanong ko saka mabilis na inilagan ang napakalakas at napakabilis na suntok niya.
"I'm not angry Mr.Griffin! Sinusubukan ko lang kung gaano ka kagaling!" Pasigaw niyang tugon at ngayon ay mas dumoble pa ang bilis ng bawat galaw niya.
F*ck! This woman is really a badass! Hindi na nakakapagtaka kung bakit isa siyang reyna ng mga asssassin. Sobrang bilis at suwabe ng bawat galaw niya.
Mabilis akong yumuko saka siya pinatid ngunit tumakbo siya sa railing ng rooftop saka tumalon at umikot sa ire tapos ay biglang ihinanda ang sarili at sisikuin sana ako sa ulo ngunit mabilis ko lamang iyong naiwasan.
Binilisan ko ang pagkilos. Umikot ako saka siya muling pinatid at sa pagkakataong iyon ay nagawa ko naman. Muli pa akong umikot para saluhin ang kaniyang ulo bago pa iyon mauntog sa semento.
"Such an amazing fight mein sonnenschein." Nakangiting sabi ko habang titig na titig kami sa mata ng isa't isa. Parehong naghahabol ng hininga.
Nakaunan siya sa kamay ko habang nakahiga sa semento. Habang ako naman ay nakapaibabaw sa kaniya. Ginamit kong panuporta ang kamay ko para hindi magdikit ang mga katawan namin.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficción GeneralEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...