"I remember the times we spent together on those drives
We had a million questions all about our lives
And when we got to New York everything felt right
I wish you were here with me
Tonight"
Pagkanta ko habang pinapalo ang drums at nakapikit ang mga mata. Matapos ang klase sa hapon ay rito na ako dumiretso sa Music Hall para lang magdrums. Hindi ko alam kung bakit parang nag-uumapaw sa kasiyahan ang puso ko ngayon. Ang mga kaibigan ko ay nauna nang magsipag-uwi. Namiss ko ang gawaing ito. Matagal tagal na rin akong hindi nakakapag-drums.
"I remember the days we spent together were not enough
And it used to feel like dreamin' except we always woke up
Never thought not having you here now would hurt so much"
Ibinato ko sa taas ang drumstick. Mabilis na sinalo iyon at pinaikot sa daliri ko saka malakas na pinalo ang drums nang nasa chorus na ako.
"Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up
And know the stars are
Holdin' you, holdin' you, holdin' you tonight."
Habang nagpapatugtog ako ay ramdam ko ang pagpasok ng isang presensya sa entrance ng Music Hall. Pinakiramdaman ko ang bawat kilos nito habang patuloy pa rin ako sa pagda-drums at pagkanta ng Tonight ng FM Static.
"And the games we would play
All the times we spilled our coffees
And stayed out way too late
I remember the time you said and told me about your Jesus
And how not to look back even if no one believes us
When it hurt so bad sometimes
Not having you here..."
Muli kong ibinato sa taas ang drumstick na hawak habang ang isang stick ay pinapaikot ko sa mga daliri ko. Nang masalo ang drumstick ay pinaikot ko rin iyon sa mga daliri ko at mabilisang pinalo ang drums ng sunod-sunod nang muli kong marating ang chorus.
"I sing,
Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up
And know the stars are
Holdin' you, holdin' you, holdin' you tonight"
'Yon lang ang saknong ng kantang tinapos ko at iminulat ko na ang mga mata. "What are you doing here Finn?" Tanong ko sa may-ari ng presensya.
Bahagya siyang nagulat pero agad ding nakabawi. "Just watching you playing drums. Narinig ko kasing maingay dito nang mapadaan ako kaya pumasok ako tapos nakita kitang nagda-drums. And as expected, you're still cool and good with it."
Tumango tango ako tapos ay biglang iniba ang usapan. "Be lated Happy Birthday nga pala." Bati ko sa kaniya na ikinagulat niya. Hindi niya siguro inaasahan na babatiin ko siya ng maligayang kaarawan.
Nalaman ko kay Gianna na birthday niya pala kahapon. Kaya pala malungkot siya. Marahil ay wala man lang bumati sa kaniya o iniisip niyang wala man lang ni isang nakaalalang birthday niya kahapon.
Umalis ako sa pagkakaupo sa harap ng drums at tinungo ang bag kong nasa upuan sa pinaka unahan. Binuksan ko iyon saka inilabas ang kahong ipinabili ko pa sa security guard kanina.
"Paano mo nalaman?" Maya maya ay tanong niya.
Isinukbit ko ang bag ko sa balikat ko at naglakad palapit sa kaniya.
"Narinig ko lang sa tabi-tabi. Anyway, gift ko nga pala. Mauna na ako sa 'yo, ingat." Sabi ko't nilamapasan na siya.
"Salamat dito." Sabi niya sa mahinang boses.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
BeletrieEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
