GIANNA's POV
"Kumusta si Zahra Damien?" Tanong ko kay Wyatt habang tinatanaw namin sa parking lot ng bar sina Savannah at Logan na nag-iiyakan. Napailing na lang ako. Nagagawa nga naman ng pag-ibig.
Nasa loob kaming apat ng sasakyan kasama si Jett na kanina ko pa kinapipikunan dahil sa kakulitan nito. Balak sana naming mag-inuman ngayon kaso, pagpunta namin dito ay natanaw namin sa madilim na parte ng lugar ang ginawa ni Savannah sa kaklase ni Logan kaya hindi na kami natuloy.
"Hayun. Mukhang hindi pa yata makakalakad." Natatawang tugon ni Wyatt.
"Hindi talaga magandang idea ang pagselosin siya. Hay... kung ako lang talaga ang pipiliin mo Gianna my loves, pinapangako kong kailan man ay hinding hindi ka makakaramdam ng selos dahil makakaasa kang hinding hindi ako titingin sa iba at pinapangako ko rin na--" natigil si Jett sa pagsasalita nang itinutok ko sa kaniya ang baril ko. Gumilid naman si Wren na siyang katabi nito ng upuan.
"Manahimik ka. Kanina pa ako naiirita sa 'yo." Napipikong sabi ko sa kaniya at muling ibinaling ang tingin sa harap nang makitang nasindak naman ito sa ginawa ko.
"Nakakatakot si Savannah 'pag nagseselos. Nakakamatay." Singit ni Wren at tumawa ito ng malakas. "Hay... kung ako talaga ang magugustuhan ni Brandon, lahat ng babaeng lalapit sa kaniya ay aalisan ko ng buhok." Naiiling nitong dagdag.
Sinilip ko sila sa rear view mirror. Walang ganang nakatingin si Wyatt sa kakambal. May idea na ako kung saan patungo ang mga ganoong tingin ni Wyatt.
"'Wag kang ilusyunada. Paano ka kakalbo ng mga babaeng lalapit kay Brandon gayong ikaw nga ay hindi niya magustuhan?" Pang-aasar ni Wyatt sa kakambal na katabi lang ng upuan.
Si Ryder naman na nakaupo sa may passenger seat ay abala sa pakikinig ng kanta sa cellphone nito na para bang hindi kami nag eexist sa paligid niya.
Sa inis ay malakas na sinuntok ni Wren si Wyatt sa braso na ikinangiwi ng huli. "Anong ilusyunada? Intindihin mo kasi nang mabuti ang sinabi ko. May kung 'di ba? May kung. Ibig sabihin niyon ay hindi ako ilusyunada."
"Hindi raw ilusyunada. Kaya pala sa last page ng diary mo ay sinabi mong may crush din sa 'yo si Bandon at nahihiya lang itong umamin sa 'yo? Tsk. Kung nakakapagsalita lamang siguro ang diary mo ay matagal na nitong sinabi sa 'yong hiyang hiya na siya sa mga isinusulat mo sa kaniya." Walang ganang sabi ni Wyatt kay Wren na hindi maipinta ang mukha.
Malakas na piningot ni Wren ang kakambal sa tainga na ikinasigaw ni Wyatt sa sakit. "Gago ka! Palagi mo na lamang pinapakialaman ang diary ko!"
Si Wyatt na kanina'y nasasaktan ngayon ay malakas na ang tawa. "Kasalanan mo dahil hindi mo itinatago."
"Gago ka talaga. Gago gago gago!"
Naiiling na muli kong ibinalik ang pansin kina Savannah na ngayo'y nagyayakapan na.
"Anong gagawin natin kay Ms.Damien? Paniguradong hindi magandang idea ang makita siya ni Savannah." Ani Jett na nakila Savannah at Logan na ang tingin.
"Ilipat ng paaralan." Tugon ko't pinaandar na ang makina ng sasakyan.
"Uuwi na tayo?" Tanong iyon ni Wren na mukhang tapos nang makipagbangayan sa kakambal.
"Hindi." Sagot ko.
"Eh saan tayo pupunta?" Tanong niya.
"Sa bahay niya. She needs to explain everything." Sagot ko saka marahang pinausad ang sasakyan.
SAVANNAH's POV
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Logan nang pakawalan niya ako mula sa pagkakayakap niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficción GeneralEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
