NHYL'S POV
Mabilis ang aking pagmamaneho habang hinahabol ang isang van kung saan nakasakay ang maraming droga. Kanina habang nasa checkpoint ang mga kasamahan ko ay bigla nila akong ipinatawag dahil may nahuli silang Van na naglalaman ng napakaraming shabu at saktong pagdating ko ay bigla na lang ang mga itong tumakas.
Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng motor ko. Sandaling bumitaw para ikasa ang baril. Gamit ang kanang kamay ay binaril ko ang isang gulong ng sasakyan pero hindi man lang 'yon tinamaan dahil bigla itong umiwas. Kalmadong iniliko ko ang motor sa kabilang daan. Balak kong salubungin ang sasakiyan nila. Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho. Hindi sila puwedeng makatakas.
Ilang minuto ang lumipas ay narating ko na rin ang dulo ng daang tinatahak ko. Tinanaw ko ang itim na Van. Salamat sa mga poste ng ilaw at nakikita ko ito nang maayos kahit na medyo malayo pa sila.
Habang papalapit ay pansin ko ang sobrang bilis ng pagpapatakbo ng kung sino mang driver ng van na 'yon at mukhang balak pa akong sagasahan. Iginilid ko ang motor ko saka mabilis na pumuwesto sa gitna ng kalsada. Iniangat ang kamay, ikinasa ang baril at maayos na inasinta ang gulong ng sasakyan.
Nang ilang metro na lang ang layo nila sa akin ay walang pag-aalinlangan kong kinalabit ang gatilyo ng baril. Sakto namang bumaon ang bala sa kanang gulong. Mabilis ko ulit na ikinasa ang baril at binaril ang kaliwang gulong sa harapan.
Nang huminto ang sasakyan ay sakto lang iyong dalawang metro ang layo mula sa akin. Mabilis na nagbukas ang magkabilang pinto sa harap at nagsipaglabas ang mga kriminal na mukhang balak pa yatang magsipagtakas kaya mabilis na ikinasa ko ang baril at binaril ang mga binti nila. Hinawakan ko ang leeg ng damit ng lalaking lumabas sa passenger seat at hinila ito patungo sa kasamahan niya. Inilabas ko ang apat na posas at parehong pinosasan ang kamay at paa nila.
"Tignan natin kung makakatakas pa kayo." Nakangising sabi ko at inilabas ang cellphone ko't tumawag sa prisinto para ipaalam na nahuli ko na ang dalawang kriminal at para na rin malaman nila kung nasaan ako.
Bumalik ako sa motor ko't naupo roon habang hinihintay ang mga kapwa ko pulis. Halos sampung minuto rin ang lumipas bago sila nakarating.
"Ang galing mo talaga partner." Puri sa akin ni Vens at nakipag fistbump pa sa akin.
"Naman." Sabi ko't ngumiti. "Siya uuwi na ako. Napagod ako kakahabol sa kanila eh." Nakangiting sabi ko.
"Mmm. Ingat sa daan." Paalala niya. Kinindatan ko lang siya saka pinaandar ang motor ko't minaneho 'yon pauwing bahay.
Nang marating ko ang bahay ay natigilan ako nang may makita akong sasakyan na nakaparada sa harap ng hindi naman kalakihang bahay ko. Sa hood niyon ay nakaupo si Wyatt ba mukhang may hinihintay. Ipinarada ko ang motor malapit sa kaniya at nagtatakang tinignan siya. Paano niya nalaman kung nasaan ang bahay ko?
"Bakit narito ka?" Tanong ko. Ngumiti siya at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng ngiti niya. Kahit ang puso ko ay nag-react.
"Kanina pa kita hinihintay. Gusto kasi kitang makita eh."
"Umuwi ka na."
"Di mo man lang ba ako papasukin muna?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya at iniba ang usapan. "Ilang araw ka nang nangungulit simula nang makilala mo ako. Ano ba ang trip mo?"
"Hindi ba halata? I like you Nhyl. Can't you feel it?"
Nagbuntong hininga ako. Wala pa akong oras sa mga love love na 'yan. Kakagaling ko lang sa heart break at hindi pa handa ang puso ko sa nga bagay na 'yon. Gusto ko pa munang pagtuunan ng pansin ang sarili ko bago ang ibang tao.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficção GeralEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
