LOGAN's POVMahigit isang buwan na ang lumipas. Mahigit dalawang linggo namang kakaiba ang mga ikinikilos ni Savannah.
"Lumayo ka nga, ang baho baho mo." Sabi niya sa akin habang nakatakip ng ilong.
Inamoy ko ang damit ko. Wala naman akong maamoy na mabaho."Puwede ba Savannah, tigilan mo nga ako sa kakaganiyan mo."
Kapag nasa bahay ay halos oras-oras na akong maligo maging mabango lang ang pag-amoy niya sa akin pero mabaho pa rin daw ako.
"Eh totoo naman ah, mabaho ka na nga ang pangit pangit mo pa."
Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "Noong una, mabaho ako. Ngayon naman ay pangit ako? Ano ba ang nangyayari sa 'yo?"
"Ewan, napapangitan lang ako sa 'yo." Tugon niya at tumayo mula sa pagkakaupo bermuda grass. "At 'wag ka ngang lumalapit sa akin, ayaw kong makita ka, maka mamaya kumapit pa sa amoy mo ang amoy ng mga babae mo. Argh naiinis ako sa 'yo!" Naiiritang sabi niya at nag walk out.
"Huh! Ibang klase! At kailan pa ako nambabae?" Hindi makapaniwalang nasabi ko.
"Frustrated ka yata?" Nabaling ang tingin ko sa likuran ko. Si Katherine 'yon na nakatanaw kay Savannah na papalayo na.
"Ewan ko ba sa babaeng 'yon, mahigit dalawang lingo na siyang ganiyan. Naiirita na nga ako."
Tumawa siya. "Baka buntis."
Napatingin ako sa kaniya at kay Savannah. "Hindi ko rin alam, maliban sa pagiging selosa niya na wala namang kuwenta at sa katotohanang ayaw niya akong makita ay wala na akong iba pang alam tungkol sa kalagayan niya."
Tumangu-tango siya. "Kausapin mo kaya?" Suhestyon niya.
Hindi ko maiwasang matawa. "Lapitan nga hindi ko magawa. Ang kausapin pa kaya siya?"
Nagtsk lang siya.
Magsasalita pa lang sana ako nang biglang magring ang cellphone ko kaya dali-dali ko 'yong hinugot mula sa bulsa ko at nakunot ang noo ko nang makita kung sino ang tumatawag. Sinagot ko 'yon at hindi pa man ako nakakapagsalita ay kung anu-ano na ang pinagsasabi niya.
"Siya ba ang bagong babae mo ha? Ano? Iiwan mo na ako? Mahal mo na ba siya? Ako hindi mo na ako mahal?"
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa cellphone ko at sa kaniya na malapit na sa entrance ng department nila.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Salubong ang mga kilay na tanong ko.
"'Yang pinsan ko. Babae mo ba siya huh? Ang sama sama mo sana hindi mo na lang ako pinakasalan kung gagaguhin mo lang ako." Sabi niya at humikbi.
Puno ng pagkasiphayong naisuklay ko ang mga daliri sa buhok ko. "Savannah naman, pati ba naman pinsan mo?"
Inis na pinatay ko ang tawag at agad na ibinulsa ang cellphone ko saka tumayo para puntahan siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya at palagi na lang siyang moody.
"Aalis ka?" Tanong ni Katherine.
"Susundan ko lang siya, tinotopak na naman." Tugon ko at mabilis na isinukbit ang bag sa balikat ko saka mabilis na sinundan si Savannah na tumatakbo patungong likod laboratory.
F*ck! Ano bang nangyayari sa kaniya!
Nang marating ko ang likod ng laboratory ay hinanap ko siya. Nakita ko siyang nakayuko at nakadikit ang likod sa pader. Yakap yakap ang mga binti habang umiiyak. Para namang pinipilipit ang puso ko sa sakit dahil sa nakikita.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficción GeneralEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...