Chapter 86

1.5K 46 0
                                    


"Entering here is your biggest mistake." Malamig na bulong ni Logan saka ako mabilis na hinila paalis sa puwesto namin. Sakto namang siyang pagbaon doon ng dalawang kumikinang sa talim na kutsilyo.

"Give her to us your highness. She needs to be punish because of what she've done to your father."

Agad na nabaling ang tingin ko sa taas nang marinig kong doon nagmumula ang boses. Nasa isang sanga ng puno ang isang lalaking kahit hindi ko makita ang mga mata niya ay alam kong masama ang tingin na ipinupukol nito sa akin.

Umangat ang isang kamay nito at babarilin na sana kami nang maunahan siya ni Logan. Mabilis niya itong binaril sa ulo. Bumagsak sa lupa ang walang buhay na katawan ng lalaki at dahil tahimik sa buong kagubatan ay malakas ang ingay na inilikha niyon.

Lihim kong naikuyom ang mga kamao ko. Paniguradong maririnig iyon ng mga taong malapit lang sa amin. Bumaling ang tingin ko kay Logan. Noon ko lang napansing nakatitig na pala siya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit mababakasan pa rin ng pag-aalala ang mga mata niya sa kabila ng ginawa ko sa ama niya.

Naging alerto ako nang makaramdam ako ng maraming presensya sa paligid. Ihahanda ko na sana ang sarili nang hilahin ni Logan ang leeg ng damit ko palapit sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin. Nginisian lang niya ako saka siya naglabas ng dalawang baril at mabilis na pinaputok 'yon sa mga kalaban na agad nagtago sa mga puno.

Aatake na sana ako nang muli na naman akong hilahin ni Logan at ipinuwesto sa harap niya na para bang gusto akong gawing pananga.

"Kapag ako namatay, mumultuhin talaga kita hanggang sa mapatay kita sa takot." Banta ko.

"Eh di maganda. Till death my forever pa rin tayo."

Kinurot ko siya sa braso dahil sa sinabi niya. Mahina siyang natawa at mabilis na pinaputok ang baril na halos ikabingi ko. Mabils na yumuko ako nang makaramdam ako ng bagay na paparating at muntik na niyong tamaan ang sentido ko. Nasapo ko ang dibdib ko dahil sa gulat. Matinding gulat ang maaaring makapatay sa akin sa lugar na ito.

Akmang aayos na sana ako ng tayo nang tamaan ng bala ang kaliwang binti ko. Napaupo ako sa sakit. Ramdam ko ang pagsulyap niya ng tingin sa akin pero agad din siyang nagpatuloy sa ginagawa.

"Don't move." Pigil niya sa akin nang mapansin ang akmang pagtayo ko.

Hindi naman na ako nakipag-argumento pa at hinayaan na lang siya. Kitang kita ko ang mga nahuhulog na bala sa harap ko at hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa pinaghalong kaba at takot. Kung kalaban ko siguro si Logan ay matagal na akong patay.

Maraming minuto pa ang lumipas at sa wakas ay naging tahimik na rin ang paligid. Rinig ko ang pagtapon niya ng baril na mukhang naubusan na ng bala.

Pumwesto siya sa harap ko. Pinunit ang laylayan ng damit niya at itinali iyon sa binti kong tinamaan ng bala na ngayon ay dumudugo. Nagbuntong hininga siya saka inalalayan akong makatayo at mabilis na tumakbo patungong gate ngunit bago pa kami makarating doon ay hinarang na kami ng napakaraming tauhan ng ama ni Logan.

"Ibigay mo siya sa amin." Sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay ang siyang namumuno sa mga kalalakihang nasa harap namin ngayon. Malalim at malamig ang boses nito na nakapaghatid ng kilabot sa buong pagkatao ko. He... he's scary and dangerous.

Hindi ko maiwasang mabahala nang may sumulpot ring mga kalaban sa likod at ngayon ay napapalibutan na kami ng napakaraming kalaban.

"Ayoko." Tanggi ni Logan sa malamig na boses at ipinuwesto na naman ako sa harap niya't mahigpit na niyakap.

"Then you leave us no choice."

With that, sabay-sabay na sumugod ang mga kalaban. Hindi nila ginagamit ang mga armas nila ngunit sobrang bibilis naman nila. Nakakamangha pero mas lamang ang paghanga ko kay Logan. Sobrang bilis ng bawat galaw ng paa't kamay niya at halos hindi ko na 'yon makita. Sinusubukan kong kumawala sa pagkakakayakap niya para tumulong ngunit hindi ko 'yon magawa dahil sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon