"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ni Ryder na nagliligpit na ng gamit dahil uwian na. Ang mga kasama namin ay nauna nang magsipag-uwi."Maya maya ng konti." Sabi ko na hindi man lang nagalaw sa kinauupuan ko mula kanina. Nangalumbaba akong tumitig sa blangkong white board. Kita ko sa sulok ng mata ko ang pag-upo niya sa upuan ni Gianna then he tapped my head.
"You look bothered. What's bothering you? Any problem?"
Bumuntong hininga ako. "Is thinking of only one person in a whole day is abnormality?" Tanong ko saka seryoso ang mukhang bumaling sa kaniya.
Sandali siyang tumitig sa akin. Nagpipigil ng tawa."Who's the lucky guy?" Instead he asked.
Sinamaan ko siya ng tangin. "Ryder?" Mariin kong pagbigkas sa pangalan niya.
Mahina itong tumawa. This side of Ryder, he just show it to me. That's how close we are. "Fine, it's not abnormality. It means you are obsessed about that person or you have a crush on him or her." Natatawang paliwanag niya.
Inis ko siyang kinuwelyuhan na ikinagulat niya. "Obsessed? You're lying! I'm not obsessed with him! Crush? No way! That won't be happen!" I almost shouted. Malakas siyang tumawa na ikinakunot ng noo ko. "Why are you laughing?"
"So, it's a guy? Tsk. Sav, prepare your heart there's a possibility that you may fall in love with that guy."
Malakas kong sinuntok ang braso niya. Napangiwi ito sa sakit. "Kalimutan mo na nga lang. Sige na, mauna ka nang umuwi. Tatambay lang ako rito ng kaunti at uuwi na rin."
"Sigurado ka? Pwede naman kitang samahan dito kung gusto mo."
"Okay lang ako. Mauna ka nang umuwi. Panigurado, marami ka pang gagawin."
He sighed. "Okay I'll go then, see ya." Nakangiting paalam niya at lumabas na rin ng room.
Ihinilig ko ang likod ko sa sandalan ng upuan ko. Naglabas ako ng dalawang bubble gum saka binalatan iyon at nginuyanguya.
Nasa ganoon akong senaryo nang magsipagdatingan ang mga diyanitor na maglilinis sa bawat sulok ng gusaling ito. Ang iba ay agad na nagwalis sa hallway. Ang iba naman ay pumasok sa mga classroom para simulan na ang trabaho.
Nabaling ang tingin ko da isang janitor na pumasok sa room namin. Nakasuot ito ng blue cap gaya ng ibang diyanitor at nakatalikod sa akin.
Ipinatong ko ang siko ko sa arm chair ng upuan ko at nangalumbabang pinanood siya. Base sa likod ng lalaki ay may kabataan pa ito. Matikas ang pangangatawan at sa tingin ko ay hindi bagay sa kaniya ang trabahong Janitor.
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla na lang itong lumingon at sinalubong ang aking tingin. Napakurap kurap ako nang mapagsino ang lalaki.
"A-anong ginagawa mo rito?" Kinakabahang tanong ko.
Tumingin siya sa suot at hawak na walis na para bang iyon ang sagot sa tanong ko tapos ay muli siyang bumalik sa paglilinis.
"Bakit ka naglilinis dito eh may mga janitors naman?" Maya maya ay tanong ko ngunit kahit lingon ay hindi niya ginawa. Nakaramdam tuloy ako ng pagka awkward. "Uhmm... I'm asking you why are you cleaning though this school have lots of janotors." Malumanay kong sabi. Nakamot ko ang ulo nang wala pa rin siyang tugon. "Hey, are you deaf?" Naitikom ko ang bibig nang balingan niya ako ng tingin at masama na ang kaniyang mukha.
Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang ganoong klase ng reaksiyon ng mukha niya. Bigla tuloy akong natakot sa sama ng tingin niya sa akin.
"Shut up. You're so noisy." Malamig nitong sabi na ikinanindig ng mga balahibo ko. He's cold as an ice. Pairap niyang iniwas ang tingin at muling nag-focus sa gingawa. "Hör auf mich anzustarren, schöne dame. Ich fühle mich unwohl" (Stop staring at me, beautiful lady. You make me feel uncomfortable.) Mahinang sabi niya pero narinig ko pa rin. Hindi ko nga lang maintindihan kung ano ang ibig sabihin niyon.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Fiction généraleEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...