Chapter 70

1.5K 57 2
                                    

"'Wag mong binibilog ang ulo ko Dalton Quinnel." Walang ganang sabi ko sa bisita ko.

"Hindi mo man lang ba muna ako papapasukin?" Tanong niya imbis na pansinin ang sinabi ko.

"Hindi ka welcome rito."

Sinapo niya ang dibdib na para bang nasasaktan. "You're hurting me. Ilang buwan lang akong nawala ay ganiyan mo na ako itrato?"

"Matagal nang ganito ang trato ko sa 'yo engot. Tsaka sabihin mo na nga lang kung ano ang kailangan mo at nang makaalis ka na." 

He tsk. "Kahit kailan ay ang sungit mo pa rin talaga." Naiiling niyang sabi saka tumawa nang parang timang. "Hindi ko sasabihin ang pakay ko hangga't hindi mo ako pinapapasok diyan sa buhay mo." Aniya sabay kindat.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang niya ako. "Umayos ka Dalton, hindi ka nakakatuwa."

"Pikonin ka talaga. Pero hindi ko pa rin sasabihin ang kailangan ko hangga't hindi ako nakakapasok."

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga para pakalmahin ang sarili. Baka kasi hindi ko matantya ang lalaking ito ay mapatay ko nang wala sa oras.

Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto para papasukin siya. Nakangiti naman siyang pumasok kasama ang nasa apat na tauhan niyang seryoso ang mga mukha ngunit gusto kong matawa nang makita ang mga sapatos ng mga itong spongebob. Tsk. Baliw ka talaga Dalton.

Nang tuluyan silang makapasok ay isinara ko ang pinto at iminuwestra ang salas. Walang imik siyang dumiretso roon. Pinulot niya ang remote na nasa ibabaw ng table bago naupo sa mahabang sofa. Ang mga tauhan naman niya ay nanatiling nakatayo sa may bandang likuran niya.

Ilang sandaling nakaupo si Dalton at nang pakiramdam niya ay hindi siya komportable ay humiga siya sa sofa na para bang siya ang may-ari ng condo ko tapos ay inilipat sa ibang channel ang TV. I tsk nang tumigil siya sa kakalipat ng channel nang makitang ang palabas ay SpongeBob.

Tinungo ko ang salas at nang marating 'yon ay naupo ako sa pang-isahang sofa.

Tinapunan niya ako sandali ng tingin bago ibalik ang tingin sa TV. "Hindi mo man lang ba ako gagawaan ng miryenda?"

"Hindi ako si Gianna." Sa halip ay sabi ko na para bang iyon na ang sagot sa tanong niya.

Mahina siyang natawa. "Ang tagal mo nang naninirahan dito pero wala ka pa ring alam kahit ang maghanda lang ng miryenda? You're hopeless but if you'll accept me in your life, I swear, I'll treat you like a Queen." Ito ang ayaw ko kay Dalton. Ang hilig niyang bumanat na puro ang co-corny lang naman.

"Matagl na akong reyna." Sarkastikong sabi ko.

Muli siyang tumingin sa akin tapos ay ibinalik din kaagad ang tingin sa pinapanood. "Ibang reyna ang tinutukoy ko."

"Wala akong pake. Ano ba ang kailangan mo't naparito ka?" 

"May ipapapatay akong malaking isda."

"Hindi ako tumatanggap ng trabaho nang walang pagsang-ayon ng lolo ko."

"Tsk. Hanggang ngayon ay para ka pa ring tuta na sumusunod sa utos ng gurang na 'yon."

Binato ko siya ng unan na ikinatawa niya. "Iparinig mo 'yan sa kaniya nang maaga mong makikita ang ama mo." 

Tumawa lang siya. "Nagpaalam na ako sa lolo mo at pumayag naman siya pero nasa sa 'yo pa rin daw ang desisyon." Ani Dalton. Ngumiti nang hindi kita ang mga ngipin kaya mas lalong lumitaw ang napakalalim na dimple niya sa magkabilang pisngi.

"Ano namang mapapala ko kapag tinanggap ko 'yang alok mo?"

Tinapunan niya ako ng tingin at mapang-akit siyang ngumiti na ikinawala ng lahat ng emosyon sa mukha ko. "I'm all yours."

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon