Tamad akong naglalakad habang papasok sa malaking gate ng University. Inaantok pa ako at gusto ko pang matulog pero wala akong choice kung hindi ang pumasok.Kahit naman ako ang may-ari ng paaralan na ito ay magkakaroon pa rin ako ng absent kapag hindi ako pumasok. Nasa kontrata na kung paano tatratuhin ng ibang professors ang mga estudyante ay ganoon din dapat ang trato nila sa akin. Gayun pa man, hindi ko alam kung bakit pati guro rito ay takot sa akin. Akala mo namang sasaktan ko sila.
Hindi pa ako tuluyang nakakapasok nang may malakas na humampas sa likod ko tapos ay may umakbay sa akin.
"Good morning Queen." Nakangising bati sa akin ni Wren. Siniko ko naman si Ryder na nakaakbay sa akin.
"'Wag mo nga akong ma-queen queen diyan, hindi ako reyna."
Pabiro itong humalakhak. "But you are our queen."
Inirapan ko si Wren at itinuon na lang sa daan ang pansin.
"Bakit mukhang bagot ka?" Tanong nito.
Hindi ko siya pinansin. Kahit ang pagbati sa akin nina Ryder at Wyatt ay hindi ko rin pinansin.
Bagsak ang mga balikat ko habang nakatungong naglalakad. Sinundan ng mata ko ang mga paang nakasalubong ko hanggang sa may isang paang umangat dahilan para matumba ang kung sino mang may-ari ng paang sinisundan ko ng tingin.
Huminto ako. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko. Tinignan ko kung sino ang may-ari ng paang salarin sa nangyari. It's Wyatt. Nakapamulsa ito habang ngumunguya ng bubble gum tapos ay papaloboin gamit ang bibig.
Lumampas ang tingin ko sa lalaking pinagbubulungan ng lahat na may kasamang panlalait at tawang mapang-insulto. Tahimik itong tumayo na parang walang nangyari tapos ay muli niyang ipinagpatuloy ang paglalakad.
Bumalik ang tingin ko kay Wyatt at tinaasan siya ng kilay. "Bakit mo ginawa 'yon?"
Nagkibit balikat ito. "I don't like his cold stares." Parang wala lang na tugon niya.
Sinundan ko ng tingin si Logan na parang iika-ikang naglakad ngunit pinipilit pa rin ang sariling ayusin ang paglalakad. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip.
'Ito ba ang sinasabi ni lolo na dapat kong pangilagan dahil delikado itong tao? Na dapat kong ingatan ang sarili ko mula sa kaniya dahil isa itong malaking banta sa buhay ko? Bakit iba ang description ni lolo sa kaniya at sa nakikita ko ngayon? Bakit parang ang lampa ng lalaking tinutukoy ni lolo na delikado?'
Nagkibit balikat ako at muling ipinagpatuloy ang paglalakad.
NAKATULALA lamang ako sa guro naming nagtuturo. Wala akong naiitindihan sa idini-discuss niya dahil wala naman akong balak na intindihin ang mga sinasabi niya.
Nababagot na nagkamot ako ng sentido habang ang mga mata ay nakatingin lang sa pagbubukas sara ng bibig ng professor namin.
Nag-iwas ako ng tingin nang pakiramdam ko ay nangangalay ang mga mata ko kakatitig sa kaniya. Ibinaling ko ang tingin sa bintana at tinanaw ang field na wala nang ni isang tao dahil oras na nang klase.
![](https://img.wattpad.com/cover/200171053-288-k262082.jpg)
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficção GeralEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...