Pagpasok ko ng bahay ay agad akong napatalon paatras nang may marandaman akong paparating na bagay. Sinundan ng tingin ko ang bagay na 'yon. Isa iyong bala. Ibinaling ko ang tingin sa salas. Naroon si Mommy na sobrang dilim ng mukha. Hawak ang katanang minsan lang niya gamitin ay mabilis siyang tumalon patungong direksiyon ko. Paulit-ulit akong napamura. She's our master for pete's sake! Paano ako mananalo sa kaniya!
Kinakabahang mabilis na ihinanda ko ang sarili at ipinosisyon ang katawan saka mabilis na sinangga ang unang pag-atake niya. Sobrang lakas niyon na halos ikatalon ko pabaliktad kung hindi ko lang nabalanse ang sarili.
"Ikaw bata ka! Gusto mo na bang mamatay!" Galit na galit na sigaw ni Mommy at sunod-sunod akong sinugod na mabilis kong sinasangga. Minsan ay mabilis na napapayuko ako kapag hindi ko kinakakaya ang pagsangga sa atake niya. Sobrang lakas kasi ng bawat paghampas niya ng hawak na katana kaya ang hirap hirap sanggain.
"Mommy sorry na. Ligtas naman na ako eh!" Sabi ko at malakas na napasigaw nang muntik na niyang tamaan ang ilong ko kung hindi lang ako nakaatras nang mabilis.
"Walang sorry sorry! Halos patayin mo na ako sa sobrang takot at pag-aalala!"
"Tulungan niyo ako!" Sigaw ko sa mga nasa salas ngunit nagkunwari ang mga itong busy sa ginagawa kahit ang personal doctor namin ay tumatawa lang habang pinapanood kami. Mga walang silbi!
Mahigpit ang hawak ko sa katana sa bawat pagsangga ko sa pag-atake ni Mom. Tang*na! Ang bilis niya! Lumipas ang mga minuto at nakakaramdam na rin ako ng pagod at pagkahingal kaya mabilis na lumabas ako ng mansyon at mala hangin na tinakbo ang pagitan namin ni Logan na ngayo'y nakatingala sa kalangitan.
"Tulungan mo 'ko! Papatayin ako ni Mommy!" Sigaw ko at mabilis na tumalon pasakay sa motor niya.
"'Wag kang makinig diyan kung ayaw mong idamay kita!" Sigaw ni Mommy na sobrang bilis ng takbo. Wahhhhh!!!
"Umalis na tayo bilis!" Sigaw ko kay Logan na mababakasan ng takot sa mukha habang nakatingin kay Mommy na sobrang bilis ng takbo at ilang metro na lang ay mahahabol na ako. Tang*na!
Mabilis na pinaandar ni Logan ang makina ng motor niya saka mabilis na nagmaneho paalis kahit na nalilito sa nangyayari. Nakahinga ako nang maluwang nang makalayo kami. Hindi naman na kami hinabol ni Mommy pero ang talim ng kaniyang tingin ay nanatiling nasa akin. Takot na nag-iwas ako sa kaniya ng tingin. Mabuti na lang at nakatakas ako dahil paniguradong sobrang hirap ng parusang matatanggap ko sa kaniya. Bukas na lang ako uuwi. Paniguradong bukas ay mainit man ang ulo niya, alam kong hindi na siya ganito kalala.
"Anong nangyari?" Tanong ni Logan.
"She's angry because of what I've done and if I won't leave, she will punish me." Paliwanag ko.
"'Yan kasi, ang tigas ng ulo mo."
Malakas na pinalo ko siya sa likod na ikinaubo niya. "Gago! Imbis na tulungan mo ako, ganiyan pa ang sinasabi mo?"
"Hindi naman kasi porket mahal kita ay susuportahan na kita sa kabaliwan mo." Aniya at mas binilisan pa ang pagmamaneho na muntik ko nang ikahulog kung hindi lang ako napakapit sa laylayan ng damit niya.
Ilang minuto lang ang lumipas ay narating na rin namin ang bahay niya. Binuksan niya ang gate ng bahay bago niya ipinasok ang motor sa loob.
Ipinarke niya ang motor sa harap ng bahay at agad na bumaba. Isinara ang pinto ng gate bago siya lumapit sa akin.
"Tara na?" Anyaya niya.
Napatitig ako sa bahay niya tapos ay sa kaniya. Wala man lang itong bantay ni isa. "Don't get me wrong. Pero magiging ligtas ba tayo rito?" Tanong ko na alam kong bakas ang pag-aalala sa mukha. "Puwede kong tawagin ang mga tauhan ko para magbantay rito kung gusto mo."
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
