LOGAN's POV
"Wala pa rin ba siya?" Tanong ko kay Wren na mag-isang nakatambay sa bench. Pang-apat na beses ko na siyang natanong mula nang makarating ako.
"Wala pa rin sabi nung mga security guard." Sagot niya. Napatingin ako sa relo ko. Late na ako sa first subject namin dahil sa kakahintay sa kaniya at malapit na ring magsimula ang klase nila ngunit hindi pa rin siya dumarating. "Wala ba talaga siya sa condo niya?" Tanong niya.
"Wala eh. Chineck ko na rin ang CCTV roon ngunit lumabas siya bago pa ako dumating."
Inilabas niya ang cellphone at mukhang may tinatawagan dahil naririnig ko ang pagriring ng kung sino mang tinatawagan niya.
"Manang Tesa. Magandang umaga rin po. Kayo ho talaga. Nga po pala, nariyan ba si Savannah? Ganoon po ba? Sige salamat po." Sabi niya sa kausap sa telepono saka pinatay ang tawag at nag-dial ng isa pang number.
Ipinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng University. Halos wala na masyadong mga estudyante dahil nagsisimula na ang klase ng halos lahat ng courses.
"Logan wala ring alam ang mga tinawagan ko eh." Sabi niya na para bang nalulungkot sa akin.
"Hayaan mo na. Baka may pinuntahan lang." Nakangiting sabi ko.
Bahagya siyang tumitig sa akin bago tumayo. "Sige, maiwan na muna kita. Babalitaan na lang kita kapag dumating na siya."
Nakangiting tumango ako. Muli pa siyang nagpaalam at tuluyan nang naglakad palayo. Ako nama'y pabagsak na napaupo sa bench. Naghahalo ang kaba, takot at pag-aalala. Paano kung may nangyari nang masama sa kaniya? Paano kung may ginawang hindi maganda ang ama ko sa kaniya? Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko 'pag nangyari iyon.
Hinugot ko sa bulsa ko ang cellphone ko saka muling idinial ang numero ng cellphone niya ngunit nagriring lamang iyon at wala namang sumasagot. Muli ko pang idinial ang numero niya ngunit gaya kanina ay hindi niya rin iyon sinasagot. Puno ng kabiguan kong naihilamos sa mukha ang mga palad ko.
"Nasaan ka na ba kasi..."
Nanatili pa ako sa kinauuupuan ko nang halos isang oras at tumayo na rin dahil mag-uumpisa na ang klase namin sa ikalawang subject.
Mabigat ang katawan na tinungo ko ang department namin. Naroon pa rin ang pangamba sa aking dibdib at paulit-ulit na nananalanging sana ay nasa maayos siyang kalagayan.
Pagpasok ko sa malaking gusali ay dumiretso na ako papasok sa elevator. Pagkasara ng pinto ay nagpahatid ako sa floor namin.
Agad na lumabas ako nang magbukas ang elevator. Malalaki ang aking mga hakbang patungo sa classroom namin dahil tatlong minuto na lamang ay magsisimula na ang klase.
Saktong pagpasok ko ay ang siya ring pagpasok ng pinakaistriktong guro namin. Mabuti naman at nakaabot ako.
Walang emosyon ang mukhang tinungo ko ang upuan ko sa pinaka gilid malapit sa bintana. Nginitian ako ni Ms.Damien nang magtama ang mga mata namin na siyang katabi ko sa upuan. Ngunit gaya ng palagi kong ginagawa ay malamig ko lamang itong tinatapunan ng tingin at hindi pinapansin.
Sa isang babae lang ako ngumingiti. Sa babaeng 'yon na hanggang ngayon ay sobra pa rin ang kaba ko at hindi ako mapakali sa loob loob ko.
Pag-upo ko sa upuan ko ay itinuon ko na sa guro namin ang buong attention ko ngunit kahit na ano yata ang gagawin ko ay hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman na okay lamang siya na walang nangyari sa kaniyang hindi maganda.
Muli kong itinuon ang pansin sa guro namin ngunit hindi pa rin maiwasan ng isip ko ang isipin ang kalagayan niya.
Natapos ang klase namin sa umaga na puro lamang si Savannah ang laman ng isipan ko. Mabigat ang katawan na naglakad ako patungong elevator ngunit hindi pa ako nakakapasok sa loob niyon ay tumunog na ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficción GeneralEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
