SAVANNAH's POV
"Kain lang kayo nang kain. Marami pa silang iba't ibang uri ng putahe na maio-offer para sa inyo." Nakangitig ani Logan sabay lapag ng nasa apat na dami ng dish. Tataba kami nito sa ginagawa niya eh. Simula kanina ay ito na ang panglabing apat na dish na ihinanda niya para sa amin. Napahawak ako sa tyan ko. Busog na ako pero tang*na, gusto pang kumain ng bibig ko.
"Wow." Namamanghang sabi ni Wren at kukuha na sana ng prinitong hipon na nababalot ng harina nang tapikin ni Wyatt ang kamay niya at ito ang kumuha ng hipon at dahil hindi uso sa kanila ang magpatalo ay inilayo ni Wren ang souce na pagsasaw sawan sana ni Wyatt at bigla 'yong hinigop. Dinilaan pa niya ang lalagyan ng souce na ikinasama ng mukha ni Wyatt.
Naiinis na inisahang subo ni Wyatt ang hawak na hipon at gumanti ito. Mabilis niyang inilayo ang fish meat na akmang kukunin sana ni Wren. Sobrang ayos ng pagkakaluto niyon. At amoy pa lang ay nakakatakam.
Mabilis na kinain ni Wyatt ang karne ng isda habang masama ang tingin sa kakambal. At nang ilapag niya ang plato ay wala na 'yong laman. Kahit hiniwang sibuyas na nakapatong sa isda ay kinain din niya.
Nagsukatan sila ng tingin. Pinatunog ang kamao at ihinanda ang sarili para mag-agawan ng pagkain. Kami naman ay itinabi namin ang mga pagkain namin. Kahit ang pagkain ni Logan ay itinabi ko rin. Nagtaka siya pero hindi ko na pinansin ang pagtataka niya. Hindi pa niya alam kung anong mayroon sa magkambal na 'to. Kapag ganiyan na sila ay kakainin nila ang lahat ng pagkaing nasa lamesa para lang magsukatan kung sino ang mas malakas. Tsk. Mga baliw nga naman.
At gaya nga ng inaasahan namin ay nag-agawan sila ng pagkain. Kahit ang isusubo pa lang ni Wyatt na karne ay inagaw ni Wren at mabilis 'yong isinubo. Naiiling na tumayo ako.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Logan.
"Iihi." Sagot ko. "Gusto ko pala ng pandan shake. Mayroon ba no'n dito?" Dagdag ko.
"Mayroon naman. Sige magpapa-order ako." Tugon niya tapos ay tiningala niya ako. "Gusto mong samahan kita?" Tanong niya.
Umiling ako. "Kumain ka na lang diyan."
Nakapoker face akong naglakad palayo sa mga kasamahan ko at walang pakialam sa mga matang nakasunod sa akin. Nakuha ng pansin ko ang babaeng naglalakad sa daan na tinatahak ko. Nauuna lang siya sa akin ng kaunti.
Tsk. Ano bang pakialam ko sa kaniya? Ayoko na sana siyang pansinin ngunit nakuha naman ng pansin ko ang hawak niyang maliit na bote na kulay puti ang laman kaya hindi ko maiwasang hindi ma-curious. Para saan kaya 'yon?
Nang nasa daan na kami sa pagitan ng kusina at cr ay lumiko siya sa daan patungong kusina. Kung hindi ako nagkakamali, katulad ng lason ang hawak niyang maliit na bote.
Sino naman kaya ang lalasunin niya?
Ayaw ko sana siyang sundan ngunit namalayan ko na lang ang sarili na walang ingay siyang sinusundan. Wala naman akong pakialam sa kung sino man ang lalasunin niya ngunit hindi ko lang talaga maiwasang hindi kutuban.
Mabilis akong nagtago sa makapal na halaman nang bigla siyang lumingon sa direksiyon ko. Ilang sandali akong nagtago bago siya sinilip. Papasok na siya sa kusina. Nang tuluyan siyang makapasok ay isinara niya ang pinto. Mala hangin ko namang tinakbo ang hallway patungo sa kusina. Walang ingay na idinikit ko ang tainga sa pinto para pakinggan ang nangyayari sa loob.
"Ito ba ang pandan shake na in-order ni Logan?" Boses 'yon ng babaeng kausap ni Logan kaninang hapon.
Hindi ko maiwasang hindi magtaka. Paano niya nalamang may order si Logan na pandan shake eh malayo ang puwesto niya sa puwesto namin kanina?
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Tiểu Thuyết ChungEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...