Chapter 48

2.2K 74 2
                                        

"Bakit Lumabas ka?" Tanong ko kay Logan nang tuluyan na akong makalabas ng sinehan.

Imbis na sagutin ay sinamaan niya ako ng tingin tapos ay naglakad palayo. Natatawang hinabol ko siya at nang maabutan ay inilingkis ko ang kanang braso sa kaliwang braso niya.

"Galit ka?" Tanong ko ulit pero tinapunan lang niya ako ng tingin tapos ay itinuon din sa daan ang pansin. "Logan?" Tawag ko sa pangalan niya pero nagbingibingihan ito. "My Logan?" Tawag ko ulit sa pangalan niya na may kasamamg paglalambing.

Walang emosyon ang mukhang tumigil siya sa paglalakad tapos ay bigla akong sinamaan ng tingin.

"Ano? Tapos ka nang tumawa?" Pagalit niyang tanong. Mataman ko siyang tinitigan. Hindi ko napigil ang sarili't malakas na humalagapak ng tawa. Kaya pala nag-walk out kasi pikon? "Tsk, diyan ka na nga." Naiinis niyang binaklas ang braso kong nakalingkis sa braso niya at naunang maglakad.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero patuloy pa rin ako sa pagtawa. Hindi ako maka-move on sa reaction niya sa loob sinehan! Hahahaha!

Tatawa-tawang hinabol ko siya at sinabayan sa paglalakad. Salubong na ang mga kilay niya. Pumwesto ako sa harap niya na ikinatigil niya.

"Nagtatampo ka?" Tanong ko kunwari ay seryoso.

"Tawa ka kasi nang tawa. Halata namang takot ako sa pinapanood ko tinawanan mo pa ako."

Hindi ko napigil ang sarili't muling natawa. Tang*na ang sakit na ng tyan ko! Sa inis ay muli niya akong nilampasan at pumasok sa shoe area.

Natatawang sinundan ko siya. Pagpasok ko sa area ay ipinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng lugar at namataan ko siya sa set ng mga couple shoes. Ano na naman kayang trip 'to? Napangisi ako ng may maisip na kalokohan.

Walang ingay akong lumapit sa kaniya dahil nakatutok lang ang pansin niya sa pamimili ng sapatos. Hindi ko pa man nagagawa ang nasa isipan ko ay natatawa na ako.

"Logan." Bigkas ko sa pangalan niya sabay sundot ng tagiliran niya.

Sa gulat ay nabitawan nito ang hawak na sapatos na muli kong ikinatawa. Madilim ang mukhang binalingan niya ako ng tingin na ikinatigil ko sa pagtawa. Sandali pa niya akong sinamaan ng tingin bago ituon ang pansin sa pamimili ng couple shoes. Ako nama'y walang imik na sumusunod sa kaniya pero lihim namang tumatawa.

Habang namimili ay bigla niya akong binalingan ng tingin. Matalim iyon at nakakatakot kaya kinagat ko ang ilalim ng bibig ko para supilin ang tawang gustong gusto nang kumawala sa bibig ko.

Matalim ang mga matang muling itinuon ang sarili sa pamimili ng sapatos. Lihim ko namang pinapakawalan ang walang ingay kong pagtawa.

Natigil ako sa lihim na pagtawa nang walang lingon niyang ibinato sa akin ang isang pares ng sapatos. Tumuon doon ang pansin ko. Kulay puti iyon na rubber shoes at may nakasulat sa gilid niyon na Nike tapos ay mahabang check.

Nang tumoon ang tingin ko sa kasama ko ay sinusuot na nito ang kapareha ng sapatos na ibinigay sa akin. Nagkibit balikat ako't sinuot din ang ibinato niya sa aking sapatos.

Napatingin ako sa kaniya nang sumakto sa paa ko ang sapatos. Paano niya kaya nalaman ang size ng paa ko gayong hindi naman siya nagtanong?

Nang matapos siya sa ginagawa ay binalingan niya ako ng tingin tapos ay tumuon ang kaniyang tingin sa sapatos ko. Napangiti siya nang makitang sumakto iyon sa paa ko tapos ay yumuko siya't pinulot ang sapatos na hinubad ko kanina.

"Teka," Pigil ko sa kaniya. "Paano 'to?" Tanong ko sabay turo ng sapatos na suot ko.

"'Wag mo nang hubarin para pareho tayo ng suot na sapatos." Nakangiting ani Logan saka ako nilampasan at nagtungong cashier.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon