PAGKATAPOS naming mamingwit ay agad din kaming bumalik sa pampang. Siya nakangiti, ako salubong ang mga kilay at hindi maipinta ang mukha. Kailanman, hinding hindi na ako mamimingwit. Tang*na!Nang makadaong na ang bangka ay sinalubong kami ng mga nagbabantay sa lugar.
"Halika na." Anaya ni Logan sabay lahad ng kamay niya.
Inis man ay tinanggap ko pa rin iyon. Bitbit ang timba ay inalalayan niya akong maglakad sa bangka at inalalayan pang makababa tapos ay hinila niya ako patungo sa mga ginang na sa tingin ko ay ang siyang taga-ihaw ng mga nahuhuling isda ng mga namimingwit dahil sa kanila pumupunta ang mga namimingwit at inaabot ang mga nahuhuli sa mga ito.
"Sandali lang. Ipapaihaw ko lamang ito." Sabi niya sabay pakita sa akin ng timbang may lamang isda saka lumapit sa mga ginang.
Habang hinihintay siya ay humarap ako sa ilog. Marami pa rin ang naroon at mukhang nasisiyahan sa pamimingwit.
"Sav?" Nabaling ang tingin ko sa may likuran ko nang marinig ang baritonong boses na iyon. Natigilan ako nang makita ang taong hindi ko inaasahang makikita sa ganitong klase ng lugar. "Ikaw nga." Masayang sabi nito at akmang yayakapin na sana ako nang tapunan ko siya ng malamig na tingin kaya agad din itong natigilan.
"Evan." Banggit ko sa pangalan niya.
Ngumiti ito. "It's been years. Nice to see you again."
"Papa!" Nabaling ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses na iyon at isa iyong batang lalaki na kamukhang kamukha ni Evan.
"Hey kiddo." Nakangiting ani Evan nang makalapit ang bata sa kaniya saka ginulo ang buhok nito.
"A-anak mo?" Nagugulat kong tanong.
"Oo." Nakangiting tugon niya. "Sorry nga pala sa mga nagawa ko sa 'yo noon. I was arranged marriage by the daughter of my godfather that time. So I have no choice but to leave you." Malungkot na dagdag niya.
Ngumiti ako sa kaniya. Sa kabila ng ginawa niyang pang-iiwan ay hindi naman ako galit sa kaniya. Sa totoo lang pakiramdam ko ay nagiging masaya pa ako para sa kaniya.
"You should have told me ng sagayon ay malaman ko ang dahilan mo at para malinawan din ako." Nakangiting sabi ko. "Anyway, congrats. Nasaan pala ang asawa mo?" May itinuro siya kaya sinundan ko 'yon ng tingin. And a very beautiful woman smiled at us. Abala ito sa paghahain para siguro sa kanilang mag-anak. "She's beautiful." Nakangiting komento ko.
Mas lumapad ang kaniyang ngiti. "Yeah she is." Tugon niya saka kinawayan ang asawa na nakangiti namang kumaway sa kaniya pabalik. "I'm sorry again. Ayoko lang talagang mas masaktan ka pa noon kaya hindi ko na lang ipinaalam sa 'yo." Ani Evan nang bumaling ito sa akin.
Pinanatili ko ang ngiti sa mga labi ko. "Okay lang. Nakaraan naman na 'yon."
"Daddy, who is she?" Tanong ng cute niyang anak.
Nakangiting ginulo ni Evan ang buhok ng kaniyang anak. "A good friend of mine son." Kung titignan siya ngayon ay mukhang ang saya na niya sa buhay na mayroon siya. "Anyway, maiiwan ka muna namin. Hinihintay na kasi kami ng asawa ko." Nakangiting pamamaalam nito.
Tango lang ang isinagot ko at nag buntong hininga habang tinatanaw siya palayo. Nagulat ako nang makita siya sa lugar na 'to ngunit mas nagulat pa ako nang malamang ikinasal na pala siya at ngayo'y may anak na. Nagkibit bakikat ako. Well, that's life.
Humarap ako sa mga ginang na nilapitan ni Logan para tanawin sana siya roon nang makitang nasa harap ko lamang pala siya. Salubong na salubong ang mga kilay at matalim ang tingin. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...