WYATT's POV
Lumipas ang dalawang araw at tapos na rin ang aming bakasyon kaya lahat kami ay pare pareho nang nag-iimpake.
"Bakit ganiyan ka makangiti?" Tanong ko kay Ryder na mula kahapon ay ganito na. Ang weird lang. Siya pa naman ang tipo ng taong minsan mo lang makikitang ngumiti. Madalas ay seryoso ang mukha. At kapag tumawa ay ibig sabihin niyon ay nagkaroon ng himala.
Liningon niya ako. Kibit balikat lang ang isinagot niya sa tanong ko. Kung hindi ko lang siguro siya kilala ay iisipin kong pipi siya dahil once in a blue moon mo lang maririnig ang boses niya.
Ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi mapaisip sa kakaibang inaakto niya. Nahihiwagaan talaga ako sa mga bigla-biglang pagngiti niya na para bang may naisip na nakakatuwa. Minsan naman ay ngingisi siya habang iiling-iling na para bang may napagtanto. Ano kaya ang nangyari rito at mukhang kailangan nang ipamental dahil nagiging wirdo na siya sa paningin ko?
Ipinilig ko ang ulo. Baka nag-iimahinasyon lang ako? Tsk. Hindi ko puwedeng pairalin 'tong curiosity na nararamdaman ko. Ayokong magaya sa kakambal kong tsismosa 'no. Pero hindi ko nga talaga maiwasang hindi ma-curious. "Hayst." Inis na ginulo ko ang buhok ko at puno ng katanungan ang isip na lumabas ako ng kuwarto.
Umaga pa lang ay sira na ang araw ko nang makita ang ang mukha ng pangit kong kakambal na ipinaglihi sa mga duwende. Pareho kaming nagsukatan ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Sinusukat kung sino ang mas lamang tapos ay sabay ding nag-iwasan ng tingin.
Nabaling ang tingin ko kay Ryder na nakikipag-usap kay Katherine na namumula ang mukha. Kumunot ang noo ko. Ano ba ang mayroon sa dalawang 'to at palagi ko na lang napapansin ang lihim nilang sulyapan? May itinatago ba ang mga nilalang na ito sa amin? Agad na tumigil sila sa pag-uusap nang mapansin ang nagtatanong na mga titig na ipinupukol namin sa kanila.
Nawala lang ang atensyon namin sa kanila nang magbukas ang pinto ng kuwarto nina Logan at Savannah. Naunang lumabas si Logan na may buhat na backpack at sa isang kamay niya ay ang maliit nitong maleta. Nabaling ang tingin ko kay Savannah nang pabagsak nitong isara ang pinto at binigyan kami ni Wren ng may pagbabantang tingin.
"Kapag ang sasakyan kong 'yon magkaroon lang ng konting gasgas, patay kayong dalawa sa akin."
Sumaludo ako. Kita ko naman sa peripheral vision ko ang siya ring pagsaludo ni Wren.
"Yes boss." Sabay naming sabi. Hindi maipinta ang mga mukhang nagkatinginan kami.
"Ginagaya mo ba ako?" Salubong ang kilay na tanong sa akin ng assumera kong kakambal.
Mapang-insulto akong humalakhak. "Ikaw? Gagayahin ko? Com'on, hinding hindi 'yon mangyayari. Nagkataon lang na pareho tayo ng iniisip at wala sa bukabularyo kong gayahin ka ano. Ang pangit mo na nga, tsismosa pa."
Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang pinto na inaakupa nila Wren at lumabas doon si Gianna na sobrang sama ng tingin sa amin ni Wren. Napalunok kaming pareho at sabay na naunang umalis sa kanila para iwasan ang nakakatakot na mukha ni Gianna.
Habang naglalakad sa hallway ay hindi ko maiwasang hindi lingunin si Wren na siyang kasabay ko sa paglalakad. Nang magtama ang mga mata namin ay pareho kaming nagsamaan ng tingin.
Parehong hindi maipinta ang mga mukhang sumakay kami sa magkaibang elevator.
Ihinarang ko ang paa sa elevatir nang akmang magsasara ito para hintayin ang mga kaibigan ko. Ang sumabay sa akin ay sina Katherine at Ryder. Sa kabila naman sina Gianna at ang love birds.
Nang maayos na ang pagsakay nila ay pinindot ko ang ang first floor. Walang umimik ni isa hanggang sa magbukas ang elevator ay nanatili kaming mga pipi.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
