Chapter 22

2.4K 70 2
                                        


"May nahuli kayong buhay?" Tanong ko kay Jett. Nasa hallway kaming magkakaibigan dahil inaayos ang salas ng condo ko pati balkonahe nito.

"Wala. Inubos niyo." Natatawang tugon ni Jett tapos ay bumaling ang tingin nito kay Gianna na nakikipag-usap sa kambal. Si Ryder, nasa loob; natutulog pa rin. "Gianna my loves!" Magiliw niyang sabi at yayakapin na sana si Gianna ngunit tinutukan siya nito ng baril.

"Subukan mong idikit sa akin ni dulo ng daliri mo, mapapatay talaga kita Jett." Masama ang mukhang banta ni Gianna.

"Ang brutal mo talaga kahit kailan. Parang yakap lang eh." Nakasimangot na sabi ni Jett.

Malakas na hinampas ni Wren ang likod niya na ikinaubo niya ng paulit-ulit. "What's up Jett." Magiliw na bati ni Wren kay Jett.

Sinamaan siya nito ng tingin. "Hindi ka na ba talaga magbabago ha?" Naiinis na tanong ni Jett kay Wren na ngumisi lang.

"Hindi. Bakit naman ako magbabago? Mahal ko ang ganitong pag-uugali ko." Mayabang na sabi ni Wren saka malakas na humalakhak ngunit agad ding natigil nang batukan siya ni Wyatt.

"Umayos ka nga, nakakahiya ka. Pinagtitinginan tayo ng mga tao oh."

Napalingon ako sa ibang kapitbay ko. Nasa labas ang mga ito. Nanonood sa amin. Muling nabaling ang atensyon ko sa magkambal.

"Nakakahiya? Bakit? Nakakahiya bang humalakhak nang malakas ha!" Sigaw nitong tanong sa kakambal.

Malakas na ihinilamos ni Wyatt sa mukha ang mga palad. "'Wag ka ngang sumigaw."

Namaywang ang kakambal habang nakataas ang kaliwang kilay. "Mukha ba akong sumisigaw ha?" Malakas nitong tanong. Mahinang nagsipagtawanan ang mga nasa paligid. Liningon kami isa isa ni Wren. Nagtatanong ang kislap ng kaniyang mga mata. We all looked at her flatly. "Hindi naman ako sumisigaw ah." Bulong nito. Napatsk na lang ako. Hindi nga siya sumisigaw.

"Jett, tawagan mo nga si Ryder. Sabihin mong pumunta na siya rito pa sabay-sabay na tayong makapananghalian. Hindi ko kasi dala ang cellphone ko." Utos ko kay Jett.

Kumunot ang noo niya. "Ano? Bakit ako ang inuutusan mo niyan? Ang trabaho ko lang ay linisin ang mga kalat niyo. Hindi na kasama roon ang pagtawag pa kay Ryder para lang mananghalian."

"Ayaw mong sumunod?" Malumanay kong tanong ngunit ang mga mata ay naniningkit.

"Ayaw." Parang batang tanggi niya.

"Susunod ka oh gusto mong masali sa mga inililigpit ng mga tauhan mo?" Pananakot ko na hindi naman seryoso.

Mabilis itong bumaling kay Gianna na ang tingin ay nakay Finn na nakasilip sa maliit na siwang ng pinto. Ngumiti ito nang magtama ang mga mata namin. Iniiwas ko sa kaniya ang tingin at hindi siya pinansin.

"Gianna, baby, inaapi na nama--" hindi nito natapos ang iba pang sasabihin nang mabilis siyang lingunin ni Gianna at tutukan ulit ng baril.

"'Wag mo akong kausapin." Naiinis nitong sabi.

Bumagsak ang balikat ni Jett saka naiinis na nilingon ako.

"Don't look at me like that Jett." May pagbabantang sabi ko.

Naiinis na naglabas ito ng cellphone at bahagyang lumayo sa amin dahil hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin ang magkambal at ang iingay ng mga ito.

"Mabuti na lang at ang condo mo lang ang nakaharap sa gusaling iyon." Wika ni Gianna na sa akin nakatingin. Isinandal ko ang likod sa pader.

"Mmm. Pero may mga nadamay ding mga inosente at kailangan kong maglabas ng malaking halaga para sa pinsalang natamo nila."

"Inosente, pero 'yong mga inosente sa paaralan mo mala demonyo ang pag-uugali. Parang tumanda lang ang edad pero ang utak, pang high school." Natatawang sabi niya.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon