Halos kalahating oras din siya nagmaneho hanggang sa tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking mall. Mall? Nakita ko sa sulok ng mata ko ang mabilis na pagbaba niya sa driver's seat saka umikot at pinagbuksan ako ng pinto sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.
"Baba na." Sabi niya na walang emosyon ang mukha. Tsk.
Tinanggap ko ang kamay niya't hinayaan siyang alalayan ako. "Anong gagawin natin sa mall?" Nagtatakang tanong ko nang tuluyan na akong makababa. Alangan namang magsa-shopping eh hindi naman ako mahilig sa mga ganun tsaka, marami na akong damit sa condo pati sa mansyon ay tambak na rin ang mga damit ko.
"Gigibain natin ang mall." Sarkastikong tugon niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Walang gana naman niya akong tinignan. "Dito tayo magdi-date malamang." Pamimilosopo niya. Kumuyom ang kamao ko at kaunti na lang ay masasapak ko na siya dahil sa kakaibang pag-uugali niya. "Tara na."
Mabilisan niya akong hinawakan sa kamay at pinagsalikop ang mga daliri namin saka ako hinila papasok ng mall. Hinayaan ko na lang siya at tahimik na lang na sumunod sa kaniya.
Pagpasok pa lang namin sa loob ay sa mga nakahilerang T-shirt niya ako agad na dinala at nagtingin tingin. Lakad lang kami nang lakad hanggang sa tumigil kami sa nakahilerang mga couple T-shirt.
"Sa tingin mo maganda 'to?" Tanong niya. Tinutukoy ang couple T-shirt na kulay puti at ang dalawang tagiliran nito ay may kalahating puso.
Nagkibit balikat ako. "Ewan. Wala naman akong hilig sa mga ganiyan."
Lumipat siya sa isa pang bahagi ng lugar habang mahigpit na hawak ang kamay ko. "Eh ito? Maganda ba?" Tanong niya nang ipakita ang isa pang couple t-shirt na kulay sky blue. Ang isang t-shirt ay may arrow. Ang isa naman ay may puso. Tsk corny.
"Pangit."
Lumipat pa siya nang lumipat hanggang sa tumigil ang isang kamay niya sa isang couple shirt na kulay pula. Ang isang damit ay may nakasulat na I LO. Para naman sa babae ay VE YOU at kapag pinagdikit ay I LOVE YOU ang gusto niyong iparating. Parang may kung anong kiliti sa puso ko nang mabasa ko ang sulat. Para bang iyon ang sinasabi ng puso ko pero pilit ko iyong hindi iniintindi.
"Tara sa fitting room." Nagagalak niyang sabi sabay hila sa akin.
Nang marating sa fitting room ay itinulak niya ako sa isang fitting room sabay bato sa akin ng isang shirt.
Napabuntong hininga ako. Para kasi siyang bata na excited na excited. Hinubad ko ang pang-itaas na damit saka isinukat ang damit na ibinigay niya sa akin. Hmm.. sakto.
Dala ang hinubad kong damit ay lumabas akong fitting room. Saktong paglabas ko ay ang siya ring paglabas ni Logan sa isa pang fitting room.
Agad siyang ngumiti nang magtama ang mga mata namin. Ako nama'y bahagyang natulala sa kaniya dahil bagay na bagay sa kaniya ang suot.
"Ang guwapo mo." Komento ko.
Agad na naglaho ang kaniyang ngiti at sa isang iglap ay nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "I hate that complement." Nakasimangot niyang sabi pero ngumiti rin kaagad saka inilabas ang kaniyang cellphone. Lumapit siya sa akin saka ako inakbayan at ipinosisyon ang cellphone. "Smile my sonnenschein." Nakangiting sabi niya. Naiilang man ay ngumiti na rin ako.
Sunod-sunod ang pagpindot niya ng camera at sa panghuli ay hinalikan na niya ako sa pisngi. Mabilis ko naman siyang kinurot sa pisngi nang nanggigigil samantang siya ay tatawa tawa lang at kahit sa ganoong posisyon ay kinunan pa rin niya kaming dalawa ng litrato.
"Ang hilig mo talagang mananching." Sabi ko nang bitawan ko na ang pisngi niya. Namula iyon pero imbis na maawa ay natuwa pa ako.
"Hindi ko mapigilan eh." Kibit balikat niyang sabi sabay bulsa ng hawak na cellphone tapos ay inagaw niya sa kamay ko ang damit na hawak ko't hinila ako patungong cashier.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Narrativa generaleEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
