Chapter 97

1.7K 42 2
                                        

Kinabukasan ay agad din kaming umuwi para pumasok at sa araw na ito ay wala nang ibang ginawa si Logan kung hindi ang hindi ako pansinin.

"Bakit hindi ka pinapansin ni Logan?" Tanong ni Wren na siyang kasabay ko sa pagbaba ng hagdanan.

Mahina akong natawa nang maalala ang dahilan kung bakit hindi siya namamansin. Tinakot ko siya nang tinakot kaya ngayon ay hindi na siya namamansin.

"Nagtatampo lang 'yon at bibigyan ko lang l ng kaunting space 'pag 'di pa rin mamamansin makikita mo kung anong mangyayari sa tukmol na 'yon." Sabi ko at mala demonyong ngumisi.

"Kawawa si Logan sa 'yo, napaka bitch mo." Naiiling na sabi niya.

"Kawawa rin ako sa kaniya dahil napaka demanding niya. I can't drink alcohol, I can't wear shorts, I can't wear sleeveless shirts, I can't wear sexy dress, well, I don't like wearing them but damn him, I can't even wear swimsuits if I'm in a beach. See? Ako ang kawawa rito." Nauumay na sabi ko.

Bahagya akong natigilan nang may pumalibot na mga braso sa balikat ko.

"Ipinagdadamot lang kita kaya ako gano'n." Sabi niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Si Wren naman ay nagpahuli pero rinig na rinig ko ang impit nitong tili. Tsk, OA.

Nang tuluyang makababa ay nabaling ang tingin ko kay Ryder na natutulog sa sofa. I shook my head. Napaka antukin niya talaga.

"Tara na?" Anyaya ko sa kanila. Mabilis na nagsipagtayo ang mga ito at halos sabay-sabay lang na lumabas. Si Kath naman ay agad na ginising ang nobyo na agad ding nagising.

Magkakasunod na lumabas kami ng bahay bakasyunan. Nang makalabas ang lahat ay isinara ni Logan ang pinto saka iyon ni-lock. Bumaling siya sa akin at iginaya ako patungo sa sasakyan niya.

"Akala ko ba hindi ka na mamamansin?" Tanong ko habang naglalakad kami.

Nilingon niya ako at muli ring ibinalik ang tingin sa daan. "Kung kaya ko lang na hindi ka pansinin sa isang araw ginawa ko na."

Nang makarating sa sasakyan niya ay pinagbuksan niya pa ako ng pinto saka isinara iyon bago niya inilagay ang mga gamit namin sa compartment ng sasakyan. Nang makasakay siya ay agad na binuhay niya ang engine at nagmaneho paalis.

Mahaba rin ang binyahe namin bago namin narating ang bahay niya. Nagpalit lang kami ng damit at agad ding umalis. Pagakarating sa University ay baba na sana ako nang pigilan niya ako. Mabilis na hinalikan niya ako sa pisngi.

"Mauna ka na, may pupuntahan lang ako." Sabi niya. Gusto kong magtanong pero pinili ko na lang na itikom ang bibig.

"Mag-iingat ka." .

"Sige." Agad na lumabas ako ng sasakyan niya at maglalakad na sana palayo nang tawagin niya ako. "Savannah!"

Nilingon ko siya. "Bakit?"

"Lapit ka." Utos niya.

Tumaas ang kilay ko. "Bakit?"

"Basta." Tugon lang niya.

Nagtsk ako ngunit sa huli ay lumapit na rin ako. "Ano 'yon?"

Lumabas siya ng sasakyan at sa isang iglap lang ay nasa harap ko na siya at ilang dangkal na lang ang pagitan ng mukha namin. Napakurap kurap ako. Ramdam ko rin ang mga titig na nagmumula sa paligid.

Hindi siya sumagot at mabilis na sinapo ang mukha ko saka mariin akong hinalikan. Nang lumayo siya ay malapad na siyang nakangiti sa akin.

"Goodbye kiss." Sabi niya at bahagyang lumayo saka iniipit ang ilang hibla na ng buhok sa tainga ko.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon