Chapter 21

2.4K 63 1
                                        


"Here's the cake!" Magiliw na hayag ni Gianna.

Nabaling sa kaniya ang tingin naming dalawa ni Wren at si Ryder, hayun nagce-cellphone lang at as usual ay wala na naman itong pakialam sa paligid.

"Wow. Mukhang ang sarap niyan ah." Natatakam kong sabi nang ilapag niya sa lamesa ang cake sunod niyang inilapag ay ang mga pinggan, tinidor at cake slicer.

Nag-angat siya ng tingin sa akin saka ako kinindatan. "Naman. Made by Gianna 'yan eh." Pagkasabi niya niyon ay umalis na rin siya.

Sakto namang bumaba ng hagdanan sina Wyatt at ang babae nito. Umupo sila sa tapat ko. Si Wren naman ay sinimulan nang hiwain ang cake saka nilagyan ng tig-iisang piraso ang mga pinggan at binigyan kami isa isa.

Naglalaway ang bagang na sumubo ako ng maliit na piraso ng cake. Hindi ko maiwasang mapapikit sa sarap ng lasa niyon.

"Kahit kailan talaga ay ang sarap magbake ng cake ng babaeng iyon." Ani Wren na ngumunguya ng cake.

"'Yan ang totoong talento. Hindi ang pagiging tsismosa." Masungit na sabi ni Wyatt na sa kakambal nakatingin.

Pinaningkitan naman siya ni Wren ng mga mata. "Talento ang pagiging tsismosa gago."

Ngumisi si Wyatt. "Sa paniniwala mo lang 'yon Wren."

Agad na naging matalim ang mga mata ni Wren saka nagdada nang nagdada. Tsk.

Naiiling na iiwas ko na sana ang tingin kay Wyatt nang mapansin ko ang pulang tuldok na nasa kaliwang dibdib niya. Lumingon ako sa balkonahe kung saan nakakabukas ang sliding door. Lumampas ang mata ko sa lalaking nasa floor na katapat lang ng floor ng condo ko. A man. No, many mens with snipers are pointing their guns to us.

"Yuko!" Sigaw ko. Naguguluhan man ay sumunod pa rin sila sa akin. Kasunod ng pagyuko naming lahat ay ang sunod sunod na pagputok ng baril. Kinuha ko ang baril kong nakatago sa ilalim ng couch. Sina Ryder at ang kambal naman ay naglabas ng kani kaniyang baril.

Nang humupa ang pamamaril ay mabilis kaming kumilos. Ang kambal at ang kasama nilang babae ay pumwesto kung saan maaari silang makapagtago para makaiwas sa mga bala.

Binaril ko ang tiles kung saan malapit ang paa ng kasama ni Wyatt na babae dahil nakakapikon ang pagwawala nito. Natihimik ito sa ginawa ko. Mabuti naman.

Mabilis akong lumipat ng pwesto malapit sa blakonahe. Sumilip ako at mabilis ding nagtago sa pader nang paputukan ako ng nasa kabilang building nang magkakasunod sunod.

Nang tumigil ang nasa kabila ay tumayo ako sa mismong nakabukas na sliding door at sunod-sunod na binaril ang lalaking nasa rooftop, nasa katapat na floor ng condo ko at ang mga lalaking nasa third floor ng kabilang gusali.

Sunod-sunod akong napamura nang magsilabasan ang napakarami pang mga kasamahan ng mga armadong kalalakihan.

Sa kabilang bahagi ng Sliding door ay pumwesto roon si Ryder. Nakatinginan kami. Sumenyas akong sabay kaming aatake.

Nang makakuha ng magandang tyempo ay sabay kaming tumayo sa nakabukas na sliding door. Mabilis ang galawan at sunod-sunod na binaril ang mga kalaban namin. Minsan ay magtatago dahil sa wala na yatang katapusang pamamaril ng mga ito sa direksiyon namin.

"Wyatt! Pahiram ng baril!" Sigaw ko dahil naubusan na ng bala ang baril ko. Samantalang si Ryder ay naglabas ng isa pang baril. Kinindatan niya ako ng magtama ang mga mata namin. Inirapan ko siya saka walang lingon na sinalo ang baril na ibinato sa akin ni Wyatt.

Sabay ulit kaming pumwesto ni Ryder sa nakabukas na sliding door. Mabuti na lang at bullet proof ang glass wall kung saan kami nagtatago kaya hindi kami natatamaan ng bala.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon