Chapter 81

1.3K 51 0
                                    

"Hack Gianna's acccount." Utos ko kay Wren na agad naman sumunod. Her fingers are so fast. Halos hindi ko na nga makita kung anong mga letra ang pinipindot niya.

Ilang saglit lang sa wakas ay na-hack na rin niya ang account ni Gianna. She open the message one by one until she stop in a email that send 8 hours ago.

"Kill Miss Hernandez or I'll kill your mother? What the f*ck!" Wren can't help but to exclaim. She scroll the message up and we read the previous message. Kaunti lang iyon kaya madali naming narating ang panghuling mensahe. It was a video.

Wren click it. Nang mag-play ang video ay napahawak ako sa labi sa sobrang gulat. Si Wren naman ay nahigit niya ang hininga. It was Gianna's mother. She's crying and begging to stop hurting her. Ang lalaking nasa video ay walang iba kung hindi ang isa sa mga tauhan ng ama ni Logan na minsan nang bumisita sa condo ko. Walang awa niyang ginuhitan ng X ang pisngi ng ina ni Gianna at napaka lalim niyon. I read the date when they send it and it was 3 months ago. Ang araw kung kailan nagkamabutihan ulit kami ni Logan.

Sinuri ko nang mabuti ang itsura ng ginang. Puno ng pasa ang mukha niya't bakas din ang pasa sa mga braso nito.

"Don't try us Miss Montessori, we are not just playing here." Sabi ng lalaking nasa video. Naghihintay kami ng iba pa nitong sasabihin ngunit hindi na nagsalita pang muli ang lalaki.

"So her mother was kidnapped and she didn't bother to tell us?" Hindi makapaniwalang naitanong ni Wren.

Nabaling ang tingin namin sa pinto ng kuwarto ko nang magbukas iyon at iniluwa niyon ang mga kaibigan kong nagkakatuwan at ang huli ay si Gianna na napakatahimik. Halatang ang lalim ng iniisip nito. Walang emosyon ang mukha hinarap ko siya. Noon ko lang napagtantong mukha lang siyang kalmado ngunit ang hinlalaki at hintuturo niya ay nagkikiskisan tanda na balisa siya.

"Nagpunta kami nang malaman naming may nakuhang bomba sa ilalim ng kama mo. Jett told us." Ani Wyatt.

Hindi ko siya pinansin dahil nakatuon lang ang tingin ko kay Gianna. Malamig ang tinging nilapitan ko siya at walang sabi-sabing malakas siyang sinampal na ikinagulat niya at ng mga kaibigan ko samantalang si Wren na madaldal ay biglang nawalan ng imik.

Nanlalaki ang mga matang ibinalik ni Gianna sa akin ang tingin. Ang pisngi niya ay sobrang namumula dahil sa lakas ng pagkakasampal ko sa kaniya.

"Kailan mo planong sabihin sa amin na ang iyong ina ay nakidnap?" Malamig kong tanong na ikinatigil niya. Nagtaka naman ang mga kaibigan ko sa mga salitang binitawan ko. Hindi nakaimik si Gianna kaya inis ko siyang kinuwelyuhan. Naghahalo ang galit, inis, sakit at pagkadismaya sa dibdib ko. "Seriously Gianna? You wanna kill me?" Mapait kong tanong. Natigilan siya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat marahil ay hindi niya inaasahang marinig ang mga salitang binitawan ko. "Bakit Gianna! Bakit ikaw pa!" Inis kong sigaw sa mukha niya.

Biglang tumulo ang kaniyang luha sa kanang pisngi. Alam kong nasasaktan siya pero mas nasasaktan ako. Nasasaktan ako na ganito na pala ang pinagdadaanan niya pero wala man lang siyang balak magsabi. At ang mas msakit pa, ang kaibigan ko rin pala ang maaaring papatay sa akin.

"I-I h-have no choice. Hawak nila ang m-mommy ko a-and all the th-thing I could do is to f-follow them." Nanginginig ang mga labing sabi niya.

Marahas ko siyang binitawan at mabilis na pumasok sa walk in closet ko't nagpalit. Paglabas ko ay agad na nabaling ang tingin nila sa akin.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Katherine.

Hindi ko siya sinagot. Basta dire-diretso lang ako sa paglalakad ngunit nang matapat ako kay Gianna ay hinawakan niya ako sa braso. Hindi ko naman siya pinagkaabalahang lingunin.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon