Chapter 28

2.3K 77 2
                                        


"BUWISET! Para akong nireject!" Naiinis kong sabi at tinungga ang laman ng bote ng alak na hawak ko.

Ayaw ko sanang pumunta ng bar dahil hindi ko lang gusto. Pero heto ako ngayon. Umiinom. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nasasaktan ako.

"Bakit? Gusto mo na ba siya?" Tanong 'yon ni Wren.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi 'no!" Inis kong tanggi.

Nakakaloko siyang ngumisi. "Eh bakit umiinom ka? Bakit sabi mo para kang nireject?"

Inirapan ko siya. Nabaling ang tingin ko kay Wyatt. Nakikipag-make out sa bago na naman nitong babae. Nag-iwas ako ng tingin nang mas lalo lang uminit ang ulo ko.

"Sav, dahan-dahan. 'Yong sugat mo, kakatahi lang niyan eh." Nag-aalalang saway sa akin ni Gianna.

Bumuntong hininga ako. Isinandal ang likod sa sandalan ng upuan ng VIP room. "'Pag nag-aalala ba kayo sa isang tao ibig sabihin gusto niyo na?" Tanong ko na sa kisame nakatingin.

"Para sa akin, kapag nag-alala ka sa isang tao, lalo na kung hindi mo close, ibig sabihin niyon, concern ka sa kaniya." Wika ni Wren.

"Para naman sa akin, kapag nag-alala ka sa isang tao, ibig sabihin niyon, may pagpapahalaga ka sa kaniya." Wika naman ni Gianna.

"Para sa akin, kapag nag-alala ka kay Logan, ibig sabihin niyon, gusto mo na siya. In denial ka lang." Diretsahang sabi ni Ryder na katabi nina Wyatt na naghahalikan. Hindi man lang siya makaramdam ng pagkailang sa nasa tabi niyang halos walang humpay kung maghalikan. Tsk. Kung hindi lang ako sanay, baka nabugbog ko na 'tong tang*nang 'to.

"Wala akong gusto kay Logan Ryder. Period." Naiinis na sabi ko.

Umangat ang sulok ng kaniyang mga labi. "Eh bakit naglalasing ka?" Maprangkang tanong niya.

Hindi ako nakaimik. Bakit nga ba ako naglalasing? Parang daig ko pa ang nasawi sa pag-ibig. "H-hindi ko alam." Tanging nasabi ko.

Mahinang natawa ang mga kaibigan ko.

"Aminin mo na kasing in love ka na sa nerd na 'yon." Natatawang sabi ni Gianna. "He's really not your ideal man but look at you, drowning yourself in alcohol because he don't care about you." Dagdag niya pa.

Inirapan ko siya at itinuon na lang ang pansin sa pag-inom ng alak. Walang kuwenta ang makipagbangayan sa kanila.

"Pero seryoso Sav, bakit ganoon ka na lang mag-alala kay Logan?" Maya-maya ay usisa ni Wren.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko rin alam." Tugon ko.

"Sa ex mo, hindi ko nakita ang ganoon katinding pag-aalala sa mga mata mo kahit noong na-hospital siya. Pero kay Logan... yung pag-aalala mo, may kasama nang takot." Ani Wren.

"Hindi kaya abnormal ako?" Inosenteng tanong ko.

Walang gana nila akong tinignan na para bang ako na ang pinakabobong tao sa mundo. Sina Wyatt na kanina lang ay mainit na naghahalikan ay bigla na lang tumigil tapos ay malakas na humalakhak. Eh?

"Hindi ko alam na ang bobo mo pala pagdating sa ganiyang pakiramdam." Walang ganang sabi ni Gianna na ikinasimangot ko.

"'Wag niyo na nga lang pansinin ang tanong ko." Nakasimangot kong tinungga ang natitirang laman ng bote saka muli na namang nagbukas ng panibago.

Nang makailang bote na ako ay halos umikot na ang paningin ko. Ako lang yata ang may maraming nainom dahil ang ibang mga kasama ko ay hindi pa rin lasing.

Tumayo ako at hahakbang palang nang magtanong si Wren. "Saan ka pupunta?"

"CR lang." Tugon ko. Gusto kong mag-CR para maghilamos at sumuka dahil pakiramdam ko ay nasusuka ako.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon