Chapter 74

1.6K 51 4
                                        


"Ito ang magiging kuwarto natin." Hayag ni Logan nang makapasok kami sa isang kuwartong may katamtamang laki. Katapat namin ng kuwarto sina Wyatt at Ryder. Katabi naman namin ng kuwarto ay sina Gianna, Wren at Katherine. Gusto pa nga kaming bigyan isa isa ng tukmol na 'to ngunit umayaw na ang mga kaibigan ko.

Dala ang backpack at maliit niyang maleta ay hinila niya ako sa isa pang kuwarto. Pagpasok namin do'n ay itinabi niya ang mga gamit namin. Ako naman ay pabagsak na ihiniga ang katawan sa kama saka hinila ang isang unan at niyakap iyon at pumikit.

Habang nakapikit ang mga mata ko ay ramdam ko ang walang ingay niyang paglalakad palapit. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang malambot niyang labi na lumapat sa noo ko.

"Magpahinga ka muna. Babalik ako mamaya." Bulong niya.

Hindi ko na lang iminulat ang mga mata. Hinayaan ko na lang siyang umalis hanggang sa marinig ko ang pagbukas sara ng pinto.

Inayos ko ang pagkakahiga at tuluyang ipinahinga ang katawan. Pakiramdam ko ay matagal tagal akong hindi nakakapagpahinga kaya hinayaan ko na lang ang sariling lamunin ng antok.








KATHERINE's POV

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kina Wren at Gianna na parehong nagsusuot ng swimsuit tapos ay pinatungan iyon ng manipis na damit na hanggang tuhod. Ako naman ay nagsuot din ng swimsuit at pinarisan iyon ng kulay puting dress na hanggang gitnang hita.

"Ito-tour daw tayo ni Logan." Excited na tugon ni Wren saka nagmamadaling lumabas habang hila hila si Gianna.

Sinuklay ko ang may kahabaan kong buhok na kulay pula ang dulo bago nagsuot ng tsinelas at sumunod sa kanila. Saktong paglabas namin ay ang pagbukas ng pinto ng katapat na kuwarto nina Savannah. Unang lumabas ay si Wyatt na nakasuot puting t-shirt at short. Guwapong puwapo ito sa sariling nagsuot ng sunglass na talaga namang bumagay sa kaniya. He looks perfect today. Well, lagi naman. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit sa kaplayboyan niyang 'yan ay marami pa rin ang nahuhumaling sa kaniya.

Sunod na lumabas ay si Ryder na nakaheadphone. Wala itong suot na salamin kaya kitang kita ko ang kulay abo niyang mga mata. Mga matang nakakahipnotismo. Nakasuot siya ng short at pang summer na polo. Mukha tuloy siyang magmo-model sa itsura niya ngayon. Damn! Bakit ba sobrang guwapo niya?

Nakangiting lumapit ako sa kaniya. Hindi alintana ang nagwawala kong damdamin. Inakbayan ko siya na bahagya niyang ikinatigil pero bumalik din siya sa dating pagiging walang imik.

"Ang guwapo natin ngayon ah." Puri ko sa kaniya ngunit ni mmm, thank you, salamat ay hindi ko man lang narinig mula sa kaniya. Para siyang statue na diretso lang ang tingin. Seryoso ang mukha at walang pakialam sa presensya ko na para bang wala ako sa tabi niya at hindi ako nakaakbay sa kaniya. Kita ko sa sulok ng mata ko ang bahagyang pagtawa nina Wyatt at Wren.

"Hindi ka papansinin niyan." Natatawang sabi ni Wren.

Inalis ko ang kaliwang braso kong nakapatong sa balikat ni Ryder saka tumayo sa harap niya. Sinalubong ko ang kaniyang tingin. Itinaas ko ang kamay ko at ikinaway iyon sa harap mismo ng mukha niya.

"May buhay pa ba 'to?" Birong tanong ko sa mga kasama ko. Tumawa ang mga kaibigan ko maliban kay Gianna na ilang araw nang malalim ang iniisip.

"Robot 'yan." Ani Wren na ikinatawa ko.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang hulihin ni Ryder ang kamay ko't matalim akong tinignan. "Tumigil ka na sa paglapit sa akin dahil hindi mo alam kung ano ang nagiging ng presensya mo sa akin." Mahina lang ang pagkakasabi niya niyon. 'Yong tipong kami lang dalawa ang makakarinig.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon