Chapter 55

1.7K 56 3
                                    

Mabilis akong umikot at isinaksak sa dibdib ng huling lalaking kalaban ko ang hawak na matalim na kutsilyo.

"Done." Nakangising sabi ko.

Pinaikot ko ang hawak na baril sa daliri ko at pinunasan ang dugong tumalsik sa mukha ko bago naglakad palabas ng gusali.

Sa araw na ito, mahigit isang daang katao ang napatay ko. Napailing na lang ako. Siguradong sa impyerno ang magiging bagsak ko. Ang sama ko kasing tao. Ni hindi man lang ako makaramdam ng ni katiting na awa habang winawakasan ang buhay nila.

Nang tuluyan akong makalabas ay dumiretso ako patungong sasakyan ko. Pagbukas ko niyon ay agad din akong pumasok at mabilis na minaneho ang sasakyan paalis sa lugar. Kung dati ay kalmado akong magmaneho, ngayon ay sobrang bilis na para bang may kakompetensya ako sa kalsada.

Sa nakalipas na mahigit isang linggo, hindi na ako pumasok. Lahat ng utos ni lolo na para sana sa iba ay inaako ko at tinatrabaho nang mag-isa na hindi man lang iyon ipinapaalam sa mga kaibigan ko.

At sa nakalipas na mahigit isang linggong iyon ay kahit papaano, nakakalimutan ko ang sakit ngunit kapag mag-isa ako at walang ginagawa ay doon ko naman nararmdan ang matinding kirot kaya kinabukasan ay masakit ang ulo ko dahil sa matinding kalasingan. Naglalasing para kahit paano ay maiwasan ko ang sakit dahil puro siya na lamang ang laman ng isipan ko.

Pagkaparke ko ng sasakyan sa ground floor ng condominium ay agad din akong lumabas mula sa sasakyan saka iyon isinara at ni-lock gamit ang lock button sa susi ng sasakyan ko.

Nagbuntong hininga ako't tinungo ang elevator. Pinindot ko ang button sa gilid at hinintay na magbukas iyon. Pagkabukas ng elevator ay agad akong pumasok at nagpahatid sa 7th floor ngunit hindi pa man tuluyang nagsasara ang elevator ay may kamay na pumigil doon saka walang ingay na pumasok ang may-ari ng kamay na iyon.

"Musta ka na?" Tanong ni Finn tapos ay umayos ng tayo nang magsimulang umakyat ang elevator.

"Heto, buhay pa rin naman kahit papaano."

Mahina siyang natawa dahil sa itinugon. "You smell blood." Pansin niya.

"Marami kasi akong pintay sa araw na ito." Parang wala lang na sabi ko.

Napatingin siya sa akin tapos ay agad ding nag-iwas ng tingin. "Kung ibang tao lamang siguro ako ay matatakot na ako sa 'yo."

"Kahit naman hindi ka ibang tao, matakot ka pa rin sa akin. Mamatay tao ako Finn."

"I know. Pero hindi ko pa rin magawang matakot sa 'yo." Kalmadong sabi niya.

Hinugot ko ang baril sa bulsa ng suot na leather jacket saka iyon itinutok sa noo niya. Ikinasa ko rin 'yon at walang emosyon ang mukhang sinalubong ang kaniyang tingin pero ni katiting na takot ay hindi ko makita sa mga mata niya. Mga mata niyang titig na titig sa akin.

"You're sad." Komento niya na ikinaiwas ko ng tingin saka ibinaba ang baril. "I can see it in your eyes, you're sad." Dagdag niya. Nagbuntong hininga ako. "Kumakalat sa University na nagbreak daw kayo ni Logan. Naging kayo pala?"

Agad na nabalik sa kaniya ang tingin ko. "Sinong nagkalat ng balitang 'yan?" Nanlilisik ang mga matang tanong ko. Doon ko pa siya nakitaan ng kaba.

"K-kalimutan mo na lang ang sinabi ko." Kinakabahang sabi niya.

Muli kong itinutok ang baril sa kaniya habang masamang masama ang aking mukha. Kung sino mang ang nagkalat no'n ay pagbibigyan ko sa ngayon pero sa susunod, makakatikim na talaga sa akin.

"Sino?" Malamig na tanong ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan. "1..." bilang ko. "2..." pagpapatuloy ko. Sinusubukan siyang sindakin. At bago ko pa mabigkas ang three ay ay nagsalita rin siya na lihim kong ikinangisi.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon