Chapter 59

1.9K 57 1
                                    


Nagising ako dahil may paulit-ulit na yumuyugyog sa balikat ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata't tinignan kung sino ang kutong lupang iyon. Napabalikwas ako ng bangon nang ang mukha ni Logan ang bumungad sa akin.

"Kanina pa kita tinatawagan dahil hinihintay kita sa ground floor pero hindi ka sumasagot. Ngayon namang pinuntahan kita ay ayaw mong gumising." Napipikon nitong sabi.

Kinusot kusot ko ang mga mata. Gusto kong batukan ang sarili nang maalalang may lakad pala kami ngayon. "Sorry, sumobra yung tulog ko eh."

Bahagya siyang dumukwang at hinalikan ako sa noo. "It's okay, I understand. Anyway, maligo ka na. Lagpas eight na ng umaga."

Biglang nawala ang antok ko dahil sa sinabi niya kaya dali-dali akong tumayo at patalong bumaba ng kama.

"Dahan-dahan lang. Baka madapa ka." Saway niya sa akin ngunit hindi ako nakinig.

Hayst, bakit ba nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na iyon? Dali-dali akong pumasok sa banyo saka dali-dali ring naligo.

Matapos maligo ay malalaki ang hakbang na lumabas ako ng banyo at pabagsak na isinara ang pinto. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ni Logan na ngayo'y nakaupo sa kama pero hindi ko siya pinansin dahil nakatuon ang pansin ko sa pagmamadali.

Matapos magpalit ay agad din akong lumabas ng walk in closet dala ang tuwalya at Roba saka idiniposito iyon sa basket kung nasaan ang iba ko pang damit na hindi ko pa naipapa-laundry.

Tinungo ko ang mga gamit ko at kinuha roon ang hair dryer ko. Binuhay ko ang hair dryer at patutuyuin ko na sana ang buhok ko gamit iyon nang may humablot niyon mula sa kamay ko.

Tumingin ako sa salamin para tignan ang salarin. It was Logan. Seryoso ang mukha nito ngunit nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti siya saka ako kinindatan. Nangingiting inirapan ko siya.

"Akin na nga 'yang hair dryer." Sabi ko nang nakatitig sa mga mata niya gamit ang salamin.

Muli siyang kumindat sa akin na muling ikinaikot ng mga mata ko. "Ako na." Nakangiting sabi niya at siya na ang nagpatuyo ng buhok ko.

Hinayaan ko na lang siya at pinanood siya gamit ang salamin. Sa una ay nakangiti pa siya pero habang tumatagal ay unti-unting nagsasalubong ang mga kilay niya na para bang seryosong seryoso siya sa ginagawa. Hindi ko maiwasang matawa na ikinatingin niya sa akin at gamit ang salamin ay hinuli niya ang tingin ko.

"Bakit?" Tanong niya.

Nakangiti akong umiling. Sanadali pa niya akong tinitigan sa salamin bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Nang matapos ay hinablot niya ang suklay sa kamay ko na akmang isusuklay ko sana sa buhok ko at siya na rin ang nagsuklay ng buhok ko. My Logan... I'm so stupid for hurting you. Unti-unting nawala ang ngiti ko't napalitan iyon ng kalungkutan.

Natigil siya sa gianagawa at nagtatakang sinalubong niya ang aking tingin gamit pa rin ang salamin.

"Are you sad?"

I shook my head. "No."

"Eh bakit mukhang malungkot ka?" Nagtatakang tanong niya.

"Masaya lang ako."

Nakangiti siyang umiling iling at muling ipinagpatuloy ang gianagawa.
Nang matapos ay napaigtad ako nang bigla na lang niya akong niyakap tapos ay hinalikan sa pisngi saka ako kinindatan.

"Good morning kiss." Nakangiting sabi niya bago niya ilapag ang suklay sa harap ko't bumalik sa pagkakaupo sa kama't inabala ang sarili sa pagpipindot ng cellphone. Nakangiti ko siyang pinanood sa salamin bago ipinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili. Makalipas ang ilang sandali sa wakas ay tapos na rin ako.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon