"You look so happy."Nabaling ang tingin ko sa likuran ko nang marinig ko ang boses na iyon. Si lolo lang pala na nakatanaw kay Logan na mag-isang nakaupo sa gilid ng pool na para bang ang lalim ng iniisip nito. Tapos na ang party at lahat ay nagsipag-uwian na. Pati ang mga kaibigan ko ay umuwi na rin.
Umupo si Lolo sa katabi kong upuan na malapit lang sa pool saka siya tumingala sa kalangitan na puno ng napakaraming bituin.
"Gaano mo siya kakilala hija?" Tanong ni lolo saka ako binalingan ng tingin.
"Siguro ay mga one fourth lang. Kaunti pa lang kasi ang mga bagay na alam ko tungkol sa kaniya. Ayoko rin kasing manghimasok sa personal niyang buhay." Tugon ko at ngumiti kay lolo.
He stared at me for a couple of seconds before he let out a deep breath. Kalmado ang mukhang ibinalik niya ang tingin sa kalangitan. "Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa 'yo." Sabi nito sa kalmadong boses pero ang mukha niya ay mababakasan ng kalungkutan.
"Why are you apologizing lo?"
Ngumiti siya. "Forget it. Siya nga pala, hindi pa ba kayo uuwi? Malalim na ang gabi." Pag-iiba niya ng usapan.
"Bakit? Pinapaalis niyo na ho ba ako?" Nagdadramang tanong ko.
Bahagya siyang natawa saka nailing bago ako lingunin. "Ikaw talagang bata ka. Hindi naman sa gano'n, ang tinutukoy ko ay malalim na ang gabi't may pasok pa kayo bukas." Nakangiting sabi niya saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. "And you looked gorgeous with your long dress."
Napatsk na lang ako nang sabihin niya iyon. Nawala na nga sa isip ko ay pinaalala niya pa. "I may looked gorgeous but I'm not comfortable. Naiirita na nga ako eh."
"Bakit ka naman kasi nagsuot ng ganiyan kung alam mo namang hindi ka komportable?"
"Ito ang gusto niya eh."
"Mahal mo talaga siya ano?" Natatawang tanong niya.
Ngumiti ako't kinindatan siya saka kinawayan si Logan nang lingunin kami. Kumaway siya pabalik at nagflying kiss na ikinaikot ng mata ko. Pero ang mga labi ko ay may malapad na ngiti.
"Sobra lo." Nakangiting sagot ko sa tanong ni lolo.
"Kung gano'n bigyan mo na ako ng apo sa tuhod."
Walang gana ko siyang tinignan. Kita ko rin sa sulok ng mata ko ang pagtayo ni Logan at paglalakad nito palapit sa amin.
"Lolo naman. Ang bata ko pa ho."
Mahinang natawa si lolo saka bumaling ito ng tingin kay Logan. "Logan, bigyan niyo na kaya ako ng apo sa tuhod?" Inosenteng request ni lolo pero halatang halata naman na nagpipigil ito ng tawa.
Napairap na lang ako nang makita ang nakakalokong ngisi ni Logan nang balingan ko ito ng tingin."Kung papayag ay bakit hindi?"
Naiinis na tumayo ako na ikinatawa nina lolo at Logan. Alam talaga nilang napakapikunin kong tao."Halika na nga't ng makauwi na tayo." Naiinis kong anyaya sa kaniya.
Mas lalong umangat ang sulok ng mga labi niya na ikinangiwi ko. "Paano ho ba 'yan lolo, nang-aaya na si Savannah oh."
Naiinis na inirapan ko siya saka walang paalam na iniwan sila sa tabi ng pool na malakas nilang ikinatawa. Mukhang isang pagkakamali ang ipakilala sa kanila si Logan dahil mula kanina ay palagi na ako ng mga itong inaasar at pinakikisamahan naman sila ng gago!
"Pikon ka talaga kahit kailan." Ani daddy na nakasalubong ko. Mukhang sa tabi rin ng pool ang punta nito. Inirapan ko siya na mahina niyang ikinatawa niya. "Logan, 'yong misis mo naglilihi na!" Sigaw ni daddy.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...