Chapter 11

2.7K 73 1
                                        



Sinasabayan ko ang kanta habang nagmamaneho patungong bar kung saan nag-aya ang magkambal. Dahil wala naman akong ginagawa ay pumayag na lang ako. Nakakaburyo rin naman kasing mag-isa.

Ipinarke ko ang sasakyan sa parking lot ng bar at agad ding lumabas. Ni-lock ang kotse saka tahimik na naglakad patungong entrance ng bar.

Sumalubong sa akin ang nakakahilong lights at maingay na paligid nang tuluyan akong makapasok. Ipinalibot ko ang tingin sa buong lugar at namataan ko si Wyatt na nakikipag-make-out malapit sa bar counter.

Ayoko man siyang lapitan ay wala akong choice. Tanging siya lang kasi ang nakikita kong narito. Wala namang sinabi ang dalawa na kukuha sila ng VIP at kasalanan ko dahil hindi ako nagtanong.

Napipilitang naglakad ako palapit ka kanila kahit ang awkward ng gagawin ko.

Tumikhim ako nang isang metro na lang ang layo ko sa kanila ngunit imbis na tumigil ay walang pakialam lang sila sa paligid habang walang patid ang mapusok nilang paghahalikan.

Mas lalo akong nakaramdam ng awkward nang lumingon ang mga taong malapit sa amin. Huminga ako ng malalim saka muling kinuha ang pansin ng dalawa.

Nang wala pa ring nangyari ay hinila ko na ang babae palayo kay Wyatt na hindi maipinta ang mukha nito dahil sa ginawa ko. Agad na nagpumiglas ang babae kaya binitawan ko ito. Muntik pa itong matapilok pero hindi ko pinagkaabalahang lingunin o pansinin.

"What the hell is your f*king problem?" Naiirita nitong tanong sa akin.

Hindi ko pinansin ang kaniyang inis. "I just want to ask where's the others?" Malumanay kong tanong.

"Bakit ako ang tinatanong mo?"

Tinaasan ko siya ng ng kilay. "At bakit hindi?"

Bumuntong hininga siya. "Fine, nasa VIP sila. Room 156." Tumango ako at tatalikuran na sana siya nang biglang hilahin ng babae ang buhok ko para pigilan ako. Napabuntong hininga na lang ako.

"Who are you to do that to us?" Mataray nitong tanong.

"A friend." Sagot ko. Pilit na pinapakalma ang sarili dahil alam kong isa lamang siyang ordinaryong tao na kapag hindi ako nakapagtimpi ay malulumpo ko ng wala sa oras.

"Roxane, stop it." Pigil sa kaniya ni Wyatt sa iritadong boses ngunit hindi nakinig ang babae.

"Kaibigan lang pala pero ang lakas ng loob mong istorbohin kami at hilahin ako palayo mula sa boyfriend ko? Who do you think you are?" Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok ko.

Akmang lalapit si Wyatt para pigilan si Roxanne ngunit itinaas ko ang kamay para senyasang hayaan na lang kami. 'I can handle this.' I mouthed.

"A woman who'll end your life if you won't let go of my hair." Sabi ko sa kalmadong boses.

Mapang-insulto itong humalakhak. "Are you kidding me? Do you know I can buy your life? I have a lot of money. How much is your prize?"

Ano ba ang gustong palabasin ng isang 'to?

"Let go of my hair." Malamig kong sabi. Lahat ng emosyon sa mukha ko ay unti-unting naglalaho habang ang pasensya ko ay unti-unti ring nauubos dahil nangangalay na ang batok ko.

"What if I say no?"

"Then you leave me no choice." Mabilis akong umikot at ngayon ay sakal sakal na siya. May sumubok na pigilan ako pero agad ko itong sinipa palayo sa amin. "You don't know who's your messing up with lady. I shall kill you now but your life is so useless to finish." Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakasakal sa kaniya at nang mamutla na ang mukha niya ay binitawan ko na rin siya. Sunod sunod itong napaubo habang hawak hawak ang leeg. "I'm sorry sa pang-iistorbo ko sa inyo pero wala ka pa ring karapatang ganunin ako. You can buy my life? How much? And I triple it into your life." Masama ang mukha nitong nag-angat sa akin ng tingin ngunit agad ding naglaho nang makita ang nanlilisik kong mga mata. "Sa susunod, mamili ka ng taong kakalabanin mo." Malamig kong sabi. Ibinaling ko kay Wyatt ang tingin. Humihingi ng pasensya sa nagawa ko nginitian lang niya ako at tumango bago lumapit kay Roxanne na itinulak lang siya palayo at kung anu-anong masasakit at nakakainsultong salita ang sinabi sa kaniya. As if namang may pakialam si Wyatt sa pag-iinarte niya.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon