Chapter 1

6.9K 167 3
                                    

I dedicate this chapter to arpieou
A very good friend of mine. Salamat sa tiwala. 😊😊😊

___________________________

Savannah Hernandez POV

First day of school at lahat ay abala maliban sa aming magkakaibigan na nakatambay lamang sa cafeteria dahil tapos na namin ang mga requirements namin .

"Sav, I'll fetch you before 7:30 PM." Ryder Becker said. A man with serious and silent personality. The only thing he love the most, is sleeping.

"Anong meron?" Wren Bonaventure asked. Tsismosa at madaldal. And she believes that being a gossipmonger is not a habit. For her, it is a talent.

"Wala." Sagot ko sa tanong niya.

"Tsk. Com'on Sav, what's with the fetch huh? Are you two dating?"

Walang gana ko siyang tinapunan ng tingin.

"Manahimik ka na nga lang at kumain Wren, inaatake ka na naman ng sakit mong gossipmonger disorder." Saway sa kaniya ng kakambal niyang si Wyatt. Playboy at ang mortal na kaaway ni Wren.

"Don't talk like that to your big sister, Wyatt! That's rude!" Galit na agad nitong sabi sa kakambal.

"So what? I don't care if I'm being rude or not." Walang ganang sabi ni Wyatt saka tinignan ang kapatid mula ulo hanggang paa. "Big sister daw eh bakit hanggang balikat lang kita?"

"At anong gusto mong palabasin ha? Na hindi ako ang mas nakakatanda sa ating dalawa?" Napipikong tanong ni Wren habang nakapamaywang ang kaliwang kamay at nakaduro naman ang kanang hintuturo kay Wyatt.

"For your information small sister, you're just minutes older than me but our age are still the same." Kalmado ngunit iritado nang sabi ni Wyatt.

Napabuntong hininga na lang ako. Kailan pa ba nagkasundo ang dalawang 'to?

"Wala ka talagang galang!" Mahinang sigaw ni Wren sa kakambal.

"Dahil hindi ka naman talaga kagalang galang!" Mahinang sigaw rin ni Wyatt saka mapang-asar na humalakhak.

"Tama na nga 'yan. Mag-aaway na naman kayo sa napaka walang kuwentang dahilan." Seryosong saway ng referee nilang si Gianna Montessori. Mabait pero nakakatakot kung magalit.

Hindi naka imik ang dalawa ngunit parehong nagtatagis ang mga bagang habang masama ang tingin sa isa't isa. Bumuntong hininga ulit ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

Lahat kami ay pare parehong third year college student sa kursong Business Ad na ang mismong mga magulang namin ang pumili, gusto man namin o hindi.

We are called as a group of ruthless assassins. But only few people knew about that. Because in this University, we are known as a group of gangsters. 

Patapos na kaming kumain nang makarinig kami ng malakas na kalabog sa pangatlong lamesa mula sa puwesto namin. Lahat ay nabaling doon ang tingin at ang iba ay agad na nagkumpulan kung saan nagmula ang malakas na kalabog na iyon. Samantalang kami naman ay nanatiling tahimik na kumakain habang pinapakiramdaman ang paligid.

"Ano! Lumaban ka! Kanina pa ako napipikon sa 'yo! Bakit ayaw mong magsalita ha? Pipi ka ba?" Sigaw ng isang lalaki. Base sa boses nito ay mukhang galit na galit.

Muli kaming nakarinig ng malakas na kalabog, pagkabasag ng pinggan at ilang sigawan ng mga babaeng maaarte. Tsk alam na ngang gulo bakit lalapitan pa? Tanga lang?

Nang hindi nakatiis ang pinakatsismosa sa amin ay tumayo ito saka nagtungo sa kumpulan ng mga estudyante para makipagsiksikan at makiusisa.

Muli pa kaming nakarinig ng kalabog at sigaw ng lalaking galit na galit pa rin. Dahil nako-curious na ako kung ano ang nangyayari ay tumayo ako at nagtungo kung saan nagaganap ang kaguluhan. Sinenyasan ko ang mga estudyanteng umalis sa harap ko dahil nakaharang sila sa dinaraanan ko. Agad naman silang nahawi.

Seryoso akong naglakad patungo sa nag-aaway. Pinagkrus ko ang mga braso sa harap ng aking dibdib at tinignan ang lalaking magulo ang buhok, magulo ang suot nitong malaking t-shirt, nakatabingi ang suot nitong salamin at lahat na yata sa suot niya ay magulo. Madungis din siya dahil sa sauce ng spaghetti na nasa buhok at suot niyang damit. May pasa pa siya sa sulok ng kaniyang mga labi at sa kaliwang kilay ngunit kahit na ganoon na ang lagay niya ay hindi man lang mababakasan ng kahit anong emosyon ang kaniyang mukha. Samantalang galit na galit naman ang lalaking nakahawak sa magkabilang collar ng damit niya.

Sinapak siya nang malakas ng lalaking nakahawak sa kuwelyo niya dahilan para mapabaling ang mukha niya sa akin. Nagtama ang mga mata namin at gusto kong kilabutan dahil sa lamig ng kaniyang tingin.

"Hindi mo ba sila pipigilan? We know you can stop them." Wika ni Gianna na nasa likuran ko na pala.

I just shrugged. "Hindi. I want to see what he'll do next." Gusto kong makita kung ano ang susunod niyang gagawin dahil naiintriga ako sa kakaibang expression ng kaniyang mukha. Hirap na nga't lahat; kalmado pa rin siya.

'Hmm... He's really interesting.'

Sinuntok siya ng lalaki nang magkakasunod at hanggang sa mapahiga siya sa sahig ay patuloy pa rin sa pagbugbog ang lalaki sa kaniya ngunit wala ka man lang makikitang kahit anong reaksyon sa mukha niya. He's still emotionless. Nakakapagtataka. Ang sakit ng ginagawang pambubugbog sa kaniya ngunit nananatili siyang walang ginagawa at hinahayaan lang ang bumubugbog sa kaniya.

Lumapit ang ilang staff ng cafeteria at ilang estudyante para awatin sana ang lalaking walang habas na pinagsusuntok ang walang emosyong lalaking ito ngunit sinenyasan ko silang huwag makialam. Agad naman silang tumalima. I'm still observing this nerd man. I'm still hoping that he will fight back. Or he'll do something to impress me.

Ngunit unti-unti, nakakaramdam ako ng pagkainis. Bakit? Bakit hinahayaan niya lang ang lalaki na bugbugin siya? Kahit wala kang maririnig o makikita sa kaniyang tanda ng paghihirap ay alam kong nasasaktan siya. What the hell is wrong with this nerd man?

"Let's go. This is just a waste of time." Walang emosyon kong anyaya sa mga kasamahan ko. Hindi ko alam kung bakit napipikon akong panoorin siyang ginaganiyan ngunit wala man lang balak na lumaban.

"Wait, hahayaan mo lang ba talaga siyang ginaganiyan? Na binubugbog? You're the owner of this University and it's not a good idea if your grandfather find out about this." Nagtatakang sabi sa akin ni Gianna.

"Then let my grand father learn about what happened. Who cares? And why would I help that nerd? Look at him, he's just letting that man punching him. That means, he's enjoying every punches he receive." Sarkastikong sabi ko at nauna nang maglakad paalis.

That guy is a shit.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon