Natapos ang pang-umagang klase ng matiwasay pero ang buhay ng magkambal, hindi na yata kailan man magiging matiwasay. Gaya na lang ngayon.
"Bakit mo binigay kay Brandon 'yong diary ko!" Galit na galit na sigaw ni Wren sa kakambal na salubong ang mga kilay.
Mabuti na lamang at nasa rooftop kami kaya walang ibang makakarinig kung hindi kami lang maliban na lamang kung may tao sa pinakahuling floor.
"Eh hindi mo nga inihaw yung ibon ko pero ibinenta mo naman!"
"Ikaw ang nag-umpisa nito kaya 'wag kang magreklamo! Kung hindi mo prinito si JenJen, hindi ko ibibenta ang ibon mo!" Nanggagalaiting sigaw ni Wren.
Tsk. Noong isang araw pa 'tong pagtatalo nila ah. May part 2 pa pala?
"Hindi ko naman kasi kasalanang ang taba taba nung tilapyang alaga mo."
"Ikaw lalaki ka! Wala ka talagang galang!"
Nang marinig ang nakakasawa nang linyang 'yon ni Wren ay nagsuot na ako ng earphones at nakinig na lang ng kanta. Paniguradong ang edad na naman nila ang pagtatalunan nilang dalawa.
"Baby I'm falling head over heels
Looking for ways to let you know just how I feel
I wish I was holding you by my side
I wouldn't change a thing 'cause finally it's realI'm tryna hold back, you oughta know that
You're the one that's on my mind
Falling too fast, deeply in love
Finding the magic in the colors of you"Pagsabay ko sa kantang pinapakinggan ko habang nakatingala sa kalingitang napaka aliwalas na nagpapagaan sa aking pakiramdam.
"You're the right time at the right moment
You're the sunlight, keeps my heart going, woah
Know when I'm with you can't keep myself from falling
Right time at the right moment
It's you
You, it's you
You, it's you"Habang sinasabayan ko ang kanta ay biglang pumasok sa isipan ko si Logan. He seems like a right guy that came into my life at the right moment.
Pasimple kong sinapo ang dibdib ko. Napakabilis ng pagtibok ng puso ko at alam ko sa sarili kong siya ang dahilan nito.
"Baby I'm falling deeper in love
Everything that you are is all I'm dreaming of
And if I can break enough to show you that I need us
I'd give up everything I have, boy just for you"Nakaramdam ako ng takot nang maalala ko ang nangyari sa akin noon sa unang taong minahal ko ngunit iniwan na lang ako basta basta ng walang paalam at puno ng katanungan.
Paano kung mangyari ulit ang nangyari sa akin noon? Hindi ko na yata kayang maulit iyon sa pagkakataong ito. Baka mabaliw na talaga ako.
"I'm tryna hold back, you oughta know that
You're the one that's on my mind
Falling too fast deeply in love
Boy, all I need to breathe is you."Nasa chorus na ako nang mahinang sipain ako ni Ryder sa paa. Nilingon ko siya't inalis ang isang earphone sa tainga ko. Himala't hindi siya tulog ngayon.
"Bakit?" Tanong ko.
"It's I'd give up everything I have, girl just for you. Not I'd give up everything I have, boy just for you. And it's also girl, all I need to breathe is you. Not Boy, all I need to breathe is you." Pagtatama niya tapos ay bigla na lang siyang ngumisi. "Maliban na lamang kung kinakanta mo 'yan para sa taong nasa isipan mo ngayon." Sisipain ko na sana siya nang may inguso siya.
"Anong nginunguso nguso mo riyan?"
"Your man is here." Nakangising hayag niya.
Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya. My heart skips a beat when I see Logan. he's holding a bouquet of red roses.
"Sa tingin ko, ang bulaklak na iyan ay para sa 'yo." Bulong ni Gianna saka tumayo at nilapitan ang magkambal na nagababangayan pa rin at kaunti na lang ay magkakasakitan na.
Hinawakan niya ang mga ito sa buhok at hinila palayo sa amin. Nagrereklamo ang mga ito pero hindi sila pinakinggan ni Gianna. Basta na lang itong nagtuloy tuloy ng lakad.
"I have to go." Ani Ryder. Tumayo ito at iniwan ako. Tinapik pa niya sa balikat si Logan nang mapadaan dito saka bumulong at tuluyan nang umalis ng rooftop.
At ngayon, kami na lang ni Logan ang naiwan sa rooftop. Pareho kaming nakatingin sa mata ng isa't isa. Blangko ang kaniyang mga mata at walang emosyon ang kaniyang mukha habang naglalakad siya palapit sa akin.
Kinawayan ko siya't nginitian. Ngumiti rin siya sa akin pabalik. Ngiti ng isang taong masaya.
"Für mein Sonnenschein." Nakangiting sabi niya nang nasa tapat na niya ako sabay abot ng isang bouquet ng pulang rosas.
"Ano?" Tanong ko.
"I forgot you can't speak German." Sabi niya. "I mean, for my sunshine." Nakangiting dagdag niya. Namamanghang napatitig ako sa magandang ngiti niya at sa pagsingkit ng kaniyang mga mata. "My sonnenschein, balak mo bang titigan lang ako buong maghapon?" Natatawang tanong niya.
Nahihiyang tinanggap ko ang bulaklak kahit hindi naman talaga ako mahilig sa mga bulaklak. Katangahan mo rin talaga Savannah.
"Bakit ka nga pala narito?"
Pumwesto siya sa railings ng rooftop at isinandal ang likuran doon saka tumingala sa kalangitan. "Gusto lamang kitang makita. Namiss kasi kita agad." Sagot niya't nagbaba ng tingin sa akin saka ako kinindatan.
Inirapan ko siya na ikinatawa niya. Napaka showy niya. Sa palagay ko ay bawat nararamdaman niya ay hindi niya itinatago. Sinasabi talaga niya ang mga iyon ng diretso.
"Tsk. Whatever." Walang ganang sabi ko. Pero sa loob loob ko ay natutuwa ako. Na kinikilig? Nah... hindi ako marunong makaramdam nun. Labis na tuwa lang 'tong nararamdaman ko.
'Aminin mo na lang kasi na kinikilig ka.' Sabi ng nasa kabilang parte ng utak ko. Lihim kong sinaway ang sarili. Hindi ako kinikilig ano. Natutuwa lang ako.
"Puwedeng magtanong?" Tanong niya makalipas ang ilang sandaling katahimikan.
"Nagtatanong ka na nga." Pamimilosopo ko na tinawanan lamang niya.
"I mean, can I court you?" Bahagya akong nagulat dahil sa tanong niya pero hindi ko na 'yon ipinahalata. "Mein sonnenschein?" Kuha niya sa pansin ko nang mapansing hindi ako umiimik at nanatili lang na tahimik.
Panandalian akong tumitig sa mala adonis niyang mukha. Inaalam kung nagsasabi ba siya ng totoo.
"Hindi ka nagbibiro lang?"
"Hindi ko ugaling magbiro sa ganitong mga usapin Miss Hernandez." seryoso niyang sabi.
"Paano kung pinaglalaruan mo lang pala ako?" Paninigurado ko.
"Then I will let you kill me." Walang pag-aalinlangan niyang sagot. He's really serious.
Nagbuntong hininga ako. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko. At kahit hindi ko pa siya ganoon kakilala ay kabilang na siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.
"Okay, I will let you court me then."
![](https://img.wattpad.com/cover/200171053-288-k262082.jpg)
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...