Chapter 71

1.4K 52 2
                                    


"Anong ganap kanina?" Tanong ni Wren na nakaupo sa tabi ni Gianna.

"Bakit Ganoon na lang ang pagkapikon ni Dalton kanina?" Tanong ni Katherine na nakaupo malapit sa akin.

"Anong ginawa ni Logan at mukhang badtrip na badtrip si Dalton?" Tanong ni Gianna.

"Anong ipinunta ni Dalton dito? At sa pagkakatanda ko ay mahaba ang pasensya n'on. Bakit ganoon na lang ang pagsasalubong ng kilay niya?" Tanong naman ni Wyatt.

Narito kaming lahat sa salas samantalang sa Logan naman ay kinuha lang saglit sa baba ang teddy bear ko sa dahil nakalimutan niya iyong dalhin kanina.

Binalingan ko si Ryder na busy sa kakapindot ng cellphone. Ano kaya ang meron sa cellphone na 'yan at palagi na lang 'yan ang pinagkakaabalhan niya? Dahil sa curiosity at malapit lang din ako sa single sofa kung saan siya nakaupo ay sinipa ko pataas ang cellphone niya at sasaluhin na sana nang maunahan niya ako't muli siyang bumalik sa pagpipindot ng cellphone na parang walang nangyari. Iba rin.

"Ikaw? Hindi ka magtatanong?" Tanong ko kay Ryder.

Nag-angat siya ng tingin at inosente niya akong tinignan. "Huh?"

Inirapan ko siya at binalingan ng tingin ang mga kaibigan kong kanina pa nagtatanong. Mabilisan kong inipatong ang kanang paa ko sa kanang bahagi ng sofa nang mapansing akmang uupo roon si Wren para lang kumalap ng tsismis. Tsk. Nalukot ang mukha niya pero hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin

"Bakit narito kayo? 'Di ba dapat nasa University kayo ngayon dahil may klase pa kayo?" Tanong ko imbis na sagutin ang tanong nila.

"Sabi kasi ni Jett, may nangyari raw sa ground floor ng condominium at ikaw ang puntirya kaya binisita ka namin para alamin kung buhay ka pa." Walang ganang tugon ni Katherine sa tanong ko.

Huh? Paano nalaman ni Jett ang tungkol doon eh wala naman akong sinabi? Baka nakatanggap ng report si Rita mula sa mga empleyado niya tapos sinabi kay Jett?

"Pero curious nga. Mukhang galit na galit si Dalton kanina. Ano ba ang nangyari?" Tanong na naman ni Wren. Tsk. Hindi talaga titigil ang isang 'to hangga't hindi nalalaman ang totoo. Buwiset. Ang hirap talaga magkaroon ng tsismosang kaibigan.

Nagbuntong hininga ako. "Alam niyo naman si Dalton. Ang hilig bumanat at narinig yata ni Logan ang mga banat niya tapos--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang magsalita si Wyatt.

"Bakit may kutsilyo rito?" Tanong ni Wyatt na napansin yata ang nakatarak pa ring kustilyo sa gilid ng TV.

"'Yan ang dahilan kung bakit galit na galit si Dalton kanina." Sagot ko sa tanong nilang lahat ngunit dahil tsismosa na talaga si Wren ay hindi pa rin ito nakuntento at muli na naman siyang nagtanong.

"Binato ba ni Logan si Dalton ng kutsilyo?"

I was about to answear her question when the door opened and Logan entered. Buhat buhat nito ang teddy bear ko. Walang emosyon ang mukha niya't malamig kung tumingin ngunit agad din iyon naglaho nang matanaw ako't nakangiti siyang lumapit sa amin.

Iniabot niya sa akin ang teddy bear at humalik pa muna sa mga labi ko bago umayos ng tayo.

Nagkani kaniyang tsk naman ang mga magagaling kong kaibigan nang muli siyang yumuko at muli akong hinalikan sa mga labi.

"Ihahanda ko lang ang hapunan para sa ating lahat." Bulong niya. Ngiti lang ang itinugon ko.

Ginulo niya ang buhok ko bago umayos ng tayo at sinenyasan ang lahat na maiiwan muna kami. Nagkani kaniyang tango at sang-ayon ang mga ito samantalang si Ryder ay walang pakialam at abala na sa panonood ng Movie na isinalang ni Wyatt. Kahit kailan talaga. Kung kumilos siya ay para bang siya lang ang tao at wala siyang kasama. Kung hindi ko lang siguro siya kaibigan ay baka inisip ko na may diperensya siya sa pag-iisp.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon