Chapter 17

2.1K 62 2
                                    

"Class dismiss." Hayag ng huling guro namin sa pang-umagang klase.

"Mauna na kayong mag lunch. Sa library lang ako. Tatapusin ko lang ang presentation ko sa Economics." Sabi ko kay Gianna habang inaayos ang laman ng folder kung nasaan ang presentation ko na hindi ko pa natatapos.

"Hindi ka kakain muna? Marami pa naman tayong oras bago ang klase natin sa hapon."

Umiling ako. "Kakain na lang ako kapag natapos ko na 'to." Sabi ko sabay pakita ng folder na hawak ko.

"Sige mauuna na kami sa 'yo." Pagkasabi no'n ay nauna na siyang lumabas kasama sina Ryder at ang kambal na nag-aagawan ng lollipop.

Nang makalabas ay sa library agad ang diretso ko. Malalaki ang hakbang at nagmamadali. Malapit na ako sa library nang matanaw ko si Miss Imperial saka ko naman naalala ang sinabi ni lolo. Sasalubungin ko na sana siya nang mag-iba ito ng direksiyon.

"Imperial sandali!" Tawag ko sa kaniya.

Bigla itong timigil na para bang napako sa kinatatayuan. Binilisan ko ang paglalakad at nang hawakan ko siya sa balikat ay para itong minulto. Tumili ng matinis at takot na takot habang humihingi ng tulong.

"Tulong! Tulungan niyo ako! Papatayin niya ako!" Takot na takot nitong sigaw habang malalaki ang matang nakatingin sa akin ngunit walang nag-abalang lumapit. Lahat ay tinitignan lang siya na para bang nawiwirduhan ang mga ito sa ikinikilos niya.

Humakbang ako ng isang beses palapit sa kaniya ngunit mabilis siyang lumayo. Naroon pa rin ang takot at kaba sa kaniyang mukha.

"Look Imperial, stop being OA. I just want to say sorry for what I've done." Kalmado kong sabi.

"No. You will kill me." Takot na takot niyang sabi. "Don't draw near to me!" Pigil niya sa akin nang akmang lalapit ako sa kaniya. Patuloy siya sa pag-atras hanggang sa hindi niya namalayang nahulog na pala siya sa fountain.

Nababagot ko siyang nilapitan at iniabot ko ang kamay sa kaniya. Nag-igting ang panga ko nang titigan lang niya ang kamay ko. Dahil sa inis ay hinablot ko ang kamay niya saka marahas siyang hinila patayo.

"Ang OA mo. 'Wag kang mag-alala, pinipili ko lang ang taong pinapatay ko." Nagbuntong hininga ako. "Again, I'm sorry for what I've done." Naiinis na tinalikuran siya't muling tinahak ang daan patungong library.

Nang makapasok sa library ay agad kong sinimulan ang presentation ko sa Economics. Tutok na tutok at sinasummarize ang ilang mga importanteng ditalye na nababasa ko sa hawak kong makapal na libro.

Nasa ganoon akong senaryo nang may maupo sa kaharap kong upuan kung saan napapagitnaan kami ng mahabang lamesa.

"Hi Savannah." Bati ni Finn ngunit nanatili ang pansin ko sa ginagawa. Kahit ang tapunan siya ng tingin ay hindi ko ginawa. "Pwedeng makiupo?" Tanong niya.

Bored ko siyang tinignan. "Naupo ka na 'di ba? Bakit nagtatanong ka pa?" Walang ganang sabi ko at muling itinutok ang atensyon sa ginnagawa.

"Ang sungit mo talaga. May iuutos ka ba ngayon boss?"

Napipikong nag-angat akong muli ng tingin sa kaniya. "Meron." Sagot ko. Nagliwanag ang kaniyang mukha na para bang nasisiyahan sa narinig.

"Ano 'yon boss? Iutos mo lang ang kahit na ano sa guwapo mong slave." Mahangin nitong sabi.

"Lumayas ka sa harap ko. Iyon ang utos ko."

Naglaho ang magandang ngiti sa mga labi niya. He frowned. "Boss naman..."

Inilabas ko ang kutsilyo ko at itinarak iyon malapit sa kamay niyang nakapatong sa lamesa. "Lumayas ka sa harap ko." Nagtitimpi kong sabi.

Namumutlang tumayo siya habang nakataas ang dalawang kamay tapos ay nagmamadaling naglakad palabas ng library. Tsk.

Muli kong ipinagpatuloy ang ginagawa hanggang sa matapos ako. Nangingiting pinagmasdan ko ang presentation ko. Ni-review iyon saka malapad ang ngiting lumabas ako ng libray.

Habang naglalakad ay natanaw ko 'di kalayuan ang isang lalaking binubugbog. Nagtaka ako kaya nilapitan ko at hindi na ako nagulat nang makitang si Logan iyon. Ngunit imbis na tulungan ay hinayaan ko lang ang tatlong mga lalaking bugbugin siya. Pinanood ko lang kung paano nila siya paulit-ulit na suntukin sa mukha, pagsisipain sa tagiliran, at sikmuraan ng paulit-ulit ngunit ang mukha niya ay hindi man lang mababakasan ng paghihirap. Nanatili lang 'yong walang emosyon.

Habang tumatagal ang panonood ko sa kanila ay unti-unti akong nakakaramdam ng inis. Hindi dahil sa mga bumubugbog sa kaniya kung hindi dahil sa kaniya na wala man lang ginagawa para pigilan ang mga kalalakihang saktan siya.

Humakbang ang paa ko para lapitan sila ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay nabaling sa akin ang tingin niya. Nakakakilabot ang malamig niyang titig na dinadagdagan ng walang emosyon niyang mukha.

Nakakuyom ang mga kamaong tumalikod ako mula sa kanila saka tinahak ang daan patungong cafeteria.

Marahas kong sinipa ang batong nakita ko dahil sa labis na pagkainis. Naiinis ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay nakakramdam pa rin ako ng awa para sa kaniya sa kabila ng inis na nararamdaman ko. Bullshit! Hindi ko pwedeng maramdaman 'to. Bakit parang nakakaramdam ako ng matinding pag-aalala para sa kaniya?

"Tang*na naman oh." Badtrip na wika ko saka nagmamadaling pumasok sa cafeteria.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon