Gaya ng sinabi ni Logan ay ihinatid nga niya ako pero hanggang parking lot lang ng condominium. Ihahatid pa nga niya ako sa unit ko ngunit umayaw na ako dahil lubos na akong nahihiya sa dami ng kahihiyang nagawa ko sa harap niya.
Pabagsak kong ihiniga ang katawan ko sa couch. Iniisip kung paanong napunta kay Logan ang cellphone at ang susi ng condo ko gayong iniwan ko 'yon sa mesa ng VIP room kung saan kami nag-inuman kagabi.
Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa couch nang may magdoorbell. Agad akong tumayo saka naglakad patungo sa pinto bago iyon binuksan. Nang makitang si Johnny ang nag-doorbell ay niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya.
"Good morning my Queen." Magalang nitong bati tapos ay bumaba ang kaniyang tingin sa suot ko. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pasimple niyang pagkagat sa kaniyang pagng-ibabang labi. Sinusupil ang tawang gustong kumawala roon.
Nagbuntong hininga ako at tinalikuran siya. Isinara niya ang pinto bago siya sumunod sa akin. Naupo ako sa pang isahang sofa siya nama'y naupo sa mahabang sofa saka humarap sa akin. Muli niyang kinagat ang labi at tumukhim nang dumako na naman ang tingin niya sa suot ko.
"Naparito ka?" Basag ko sa katahimikan.
He cleared his throat once again. "My investigation about Logan Griffin was failed." Balita niya. Hindi na ako nagtaka.
"Bakit?"
Sumeryoso ang kaniyang mukha at sinalubong ang aking tingin. "Maliban ho kase sa palipat lipat ito ng trabaho at sa adress ng kaniyang bahay ay wala na kaming iba pang nakalap na impormasyon tungkol sa kaniyang katauhan. Nag-hire na rin ako ng pinakamagaling na detective para paimbestigahan siya pero wala rin itong nakuha ni isang information tungkol kay Mr.Griffin. " Paliwanag niya.
Tumingala ako sa kisame saka ginawang unan ang mga braso ko. "Hindi na ako nagtaka sa naibalita mo." Nagbaba ako ng tingin kay Johnny saka siya nginitian. "Salamat Johnny. You always do your best for me." Tipid siyang ngumiti. "Maaari ka ng makaalis." Dagdag ko. Tumango siya saka tahimik na naglakad palabas.
Muli kong ibinalik ang tingin sa kisame nang sumara ang pinto. Nagbuntong hininga ako saka ihinilamos ang mga palad sa mukha ko.
"Sino ka bang talaga Logan?" Tanong ko sa hangin.
Nasa ganoon akong senaryo nang biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilisan kong inilabas iyon mula sa bulsa ko't mabilisan ding sinagot ang tawag nang makitang si lolo pala ang tumatawag.
"Lo." Bungad ko nang masagot ang tawag.
"Sa wakas ay sinagot mo na rin ang aking tawag." Aniya. Ang boses niya ay mababakasan ng inis. "Nabalitaan ko ang nangyari kahapon at hindi ko 'yon nagustuhan. Nagreklamo rin ang mga shares holders ng paaralan dahil daw sa hindi magandang behaviors ng mga mag-aaral ng Hernandez University!" Pagalit niyang sigaw. "Fix this mess Savannah." Mariing dagdag niya.
"Got it lo."
"How's your wound by the way?" Pag-iiba niya sa usapan.
"Okay naman lo. Kumikirot nga lang minsan ."
"I'm sorry if I shouted you."
Ihinilig ko ang ulo sa sandalan ng sofa. "It's okay lo, I understand." Malumanay kong sabi.
"Okay okay. Just take good care of youself next time."
Hindi ko maiwasang mapangiti. Maaaring istriktong lolo ang lolo ko pero mararamdaman mo talaga ang kaniyang pagpapahalaga at pagmamahal sa mga taong malalapit sa kaniya.
"Okay lo. Anyway, I need to hung up." Sabi ko at pinatay na ang tawag pagkatapos ay dinial naman ang number ni Wren. Nakailang ring pa bago niyang sinagot ang tawag.

BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...