Chapter 42

2.2K 63 4
                                    


SAVANNAH's POV

Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ang diwa ko sa rami ng katanungan sa isipan ko.

"Bakit ganoon na lang siya kabilis gayong halos ibuhos ko na lahat ng makakaya ko matalo lang siya?"

Habang tumatagal na nakakasama ko si Logan ay mas lalo ko lang napapatunayan na tama nga ang sinabi ni lolo sa akin noon. Na mapanganib nga siyang tao.

Gayun pa man, wala pa rin akong balak na sundin ang utos ni lolo. Hindi ko yata kayang gawin ang hiling niya dahil kapag ginawa ko 'yon, para ko na ring pinatay ang isa pang parte ng katauhan ko.

Maingat akong suminghap ng hangin saka dahan dahan iyong ibinuga. "At paano kaya nakapasok ang isang outsider sa loob ng Hernandez University?"

Nalaman ko kanina na napatay ang isa sa mga tauhan kong nagbabantay sa labas ng gate ng paaralan. Sa tingin ko ay hindi basta basta lamang na tao ang lalaking iyon para magawa niyang pasukin ang University. Kung saan man siya galing, paniguradong hindi rin basta basta ang mga tao sa pinanggalingan niya.

Marahas kong ginulo ang buhok ko at bumangon mula sa kinahihigahan ko. Lumabas akong kuwarto at nagtungong kusina para kumuha ng wine sa ref. Pagkakuha ko ng wine ay kumuha na rin ako ng wine glass saka bumalik sa kuwarto ko at dumeretso sa balkonahe.

Inilapag ko ang wine at wine glass sa pabilog na lamesa saka naupo at binuksan ang wine. Nagsalin ako ng kaunting alak sa wine galas saka muling inilapag ang bote at inayos ang pakakasandal ng likod ko sa sandalan ng upuan.

Inisahang lagok ko ang laman ng wine glass at muling nagsalin ng alak roon. Ito ang unang pagkakataon na may nakapasok na outsider sa unibersidad at hindi ako mapakali sa isiping maaaring hindi lang basta basta ang taong nag-utos sa lalaking iyon. Sabi ni Logan ay ako ang target ng lalaki.

Nagbuntong hininga ako. Marahil ay isa lamang ang boss ng lalaking iyon sa mga kalaban ng pamilya ko.

Nang maburyo ako kakaupo ay naisipan kong tumayo at lumapit sa railings ng balkonahe. Tumingala ako sa langit gaya ng palagi kong ginagawa sa tuwing tatambay ako rito.

Maaliwalas ang langit ngayon at napakaraming bituin ang naroon. Makinang at nakakagaan sa pakiramdam ang bawat kislap ng mga ito. Pakiramdam ko, nawala lahat ng bumabagabag sa isipan ko't tanging ang magandang kislap na lamang ng bituin ang laman niyon.

Ngunit habang tumatagal na pinapanood ko ang mga bituin ay ang nakangiti na mukha na ni Logan ang nakikita ko sa kalangitan. Muntikan ko pang maibuga ang alak na nasa bibig ko.

I shook my head. Nababaliw na yata ako. Inisahang lagok ko ang laman ng wine glass saka umalis sa balkonahe dala ang alak at wine glass.

Pagpasok ko sa loob ay agad ko ring isinara ang pinto ng balkonahe at ni-lock iyon saka lumabas ng kuwarto para dalhin sa kusina ang bote ng alak at ng wine glass.

Habang bumababa ako ng hagdanan ay puro na lang si Logan ang laman ng isip ko. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko siyang makita ngayon. Hayst. Baliw ka na nga Savannah.

Inis na binilisan ko pagbaba ng hagdanan saka pabagsak na binuksan ang pinto ng kusina. Ibinalik ko ang alak sa ref at hinugasan ko ang wine glass saka iyon pinatuyo pagkatapos ay agad din lumabas at nagdiretsong salas para manood ng TV kung ano man ang palabas ngayon.

Ngunit habang tumatagal na nanonood ako ng TV ay hindi ko maiwasang maburyo nang puro mga walang kuwentang palabas lang ang lumalabas sa TV. Nang hindi matiis ang pagkaburyo ay pinatay ko na lang ang TV.

Mas mabuti pang matulog na lang ako. Baka sakaling antukin pa ako kapag nahiga na ako sa kama.







"BAKIT mukhang hindi ka natulog sa kapal ng eyebags mo?" Tanong ni Wren habang nag-aagahan kami ng kambal niya sa cafeteria. Wala pa rito sina Gianna at Ryder dahil maaga pa naman.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon