Pauwi na ang lahat dahil hapon na samantalang kami ng mga kaibigan ko ay narito pa rin sa rooftop, nagpupulong. Kanina lang saktong paglabas namin sa room ay nakatanggap ako ng order mula kay lolo na may gusto siyang ipapatay na naman. And he wants it to finish quickly.
"Our new target. Hasani Kabalyero of Kabalyero Incorporated Company." Hayag ni Wren saka ihinarap sa amin ang hawak na tablet kung saan naroon ang litrato ng isang lalaking nasa mid 30 ang edad.
Hinablot ni Wyatt ang tablet saka pinagmasdan ang litrato ng lalaking nasa screen ng tablet.
Hinablot din iyon pabalik ni Wren. "'Wag mong mahablot hablot ang tablet ko." Inis nitong sabi sa kakambal na wala pakialam sa lukot niyang mukha.
"Madali lang naman ang trabaho kaya hindi na kailangan na tayong lahat ang gumawa." Wika ni Gianna.
"Yeah, kaya ako na ang gagawa." Prisinta ni Wyatt.
"Sigurado ka? His house is well secured." Wabi ko sa kaniya.
"I don't care. Basta ako na ang gagawa. Tutal wala naman akong gagawin mamayang gabi." Kalmado niyang sabi.
"'Wag ka ngang ganiyan Wyatt, sasama na lang ako. Hindi mo kakayaning mag-isa 'yan. Paano kung mapahamak ka ha?" Nag-aalalang sabi ni Wren sa kakambal na ngumisi lang ng nakakaloko.
"Wala ka bang tiwala sa akin?" Puno ng kompyansang sabi ni Wyatt.
"Hindi naman sa gano'n pero natatakot lang akong baka mapahamak ka ro'n."
Tinawanan lang ni Wyatt ang kakambal. "Alam kong nag-aalala ka small sister pero kaya ko ang sarili ko."
Binatukan siya ni Wren. "'Wag ka ngang masyadong magyabang, hindi ako nagbibiro."
"Hindi rin ako nagbibiro." Bigla ay seryosong sabi ni Wyatt.
Hindi na nakipag-argumento pa si Wren. Alam niyang kapag nagdesisyon na ang kaniyang kakambal ay hindi na niya ito mapipigilan pa.
"Fine, I will let you do it alone. Just make sure to be safe." Pagtatapos ko sa usapan.
"Let's go home then. Kailangan ko pang samahan si mommy sa pupuntahan niya." Ani Gianna.
Lahat ay tumayo para makauwi na. Habang si Ryder, kung hindi pa sinipa ni Gianna ang paa niya ay hindi pa magigising. Tsk. Minsan napapaisip ako kung paano siya nakakatulog ng ganoon lang kadali kahit saang lugar, anuman ang puwesto at gaano man kaingay ang paligid.
"Wren, can we talk?" Seryosong tanong ko kay Wren.
Nilingon niya ako saka sumabay sa paglalakad ko. "About what Sav?"
"Do you have some ways to know who's Logan Griffin?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit?"
"My grandfather wants me to kill Logan. He said Logan is a dangerous man but is that enough reason to kill him?"
Ilang segundo niya akong tinitigan na parang pinag-aaralan ang bawat emosyon sa mukha ko. "You know your grandfather Sav, hindi siya nag-uutos na pumatay kung walang malalim na dahilan. At kapag sinabi niya ay wala iyong halong kasinungalingan." Seryoso niyang sabi.
"But as I observed, Logan is just a loser. A weak and umm... stupid. Maaaring mali lang si lolo."
Huminto siya kaya huminto rin ako. "Kailan pa ba nagkamali ang lolo mo?" Seryosong tanong niya na ikinatigil ko. "What if he's right? What if Logan is a dangerous man? And you really believe that he is just a loser?"
"No that's not what I mean."
"And why you can't kill him?" She asked curiously.
"Kailangan ko lang makasigurado kung anong klase siyang tao at gagawin ko ang inuutos ni lolo nang walang pag-aalinlangan."
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
General FictionEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
