Chapter 95

1.7K 50 1
                                    

Matapos mag-agahan ay gaya ng sabi niya ay magje-jetski kami. Sinusubukan kong tumulong para mailabas ang jetski sa bodega ngunit ayaw niya magpatulong kaya hinayaan ko na lang siya at ang ginawa ko ay sa tabing dagat na lang ako tumambay para hinintayin siya.

Ilang minuto ang lumipas at may naririnig akong parang hinihila sa likuran ko. Nang lingunin ko iyon ay si Logan lang pala na may hila-hilang jetski. Puno ng pawis ang walang saplot niyang katawan at parang pagod na pagod na naupo ito sa buhangin.

"Bakit ba naman kasi hinila ang dalawang jetski eh puwede namang isa isa lang." Walang ganang sabi ko sa kaniya.

"Gusto ko kasi ng isang hatak lang ayoko ng pabalik balik." Uupo pa lang sana ako sa isang jetski ngunit mabilis siyang nag-react at pinalayo ako. "May mga alikabok pa 'yan!"

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. "Kung maka-react ka naman diyan akala mo namang mamatay ako ng mga alikabok na 'yan."

He glared at me na agad na ikinatikom ng bibig ko. "That dusts are dirty and have germs." Hinila ang mga Jetski sa dagat saka hinugasan. Ang oa niya. Kaunti lang naman ang alikabok niyon ganoon na siya makapag-react. "Ayan. Okay na. Puwede mo nang gamitin."

Napangiti ako. Akmang huhubarin ko na sana ang suot ko nang mabilis na naman siyang mag-react na ikinakunot ng noo ko.

"Kung binabalak mong mag-jetski nang nakabikini lang ay 'wag mo nang ituloy. Baka may makakita sa 'yo." Istriktong sabi niya.

"Hoy lalaki, sino namang makakakita sa akin dito kung hindi ikaw lang? Maliban na lang kung may mga mata 'yang mga puno." Napatsk na lang ako nang taliman niya ako ng tingin. Inirapan ko siya. Huhubarin ko na sana ulit ang damit ko nang malamig pa sa yelo siyang nagsalita.

"Don't try me Savannah."

Nagbuntong hininga ako. "Ang OA mo." Walang ganang sabi ko at mabilis na hinubad ang damit ko't agad na lumusong sa tubig. Walang pakialam sa galit niyang boses. Nakakapeste siya.

Saktong pag-ahon ko mula sa tubig ay isang malakas na batok ang natanggap ko. Naiinis na tinignan ko ang may kagagawan niyon ng masama ngunit naitikom ko ang bibig nang mapansing mas masama pa ang tinging ipinupukol niya sa akin.

"Paano kung may pumunta rito tapos maabutan ka nilang nakaganiyan?" Inis niyang tanong at isinuot sa akin ang damit na kanina'y hinubad ko.

"Paano kung wala?" Pakikipag-argumento ko. "Tsaka ayaw mo no'n? You could be proud because you have a hot and sexy wife."

"Anong nakaka-proud do'n? Na lantaran kong ipakita sa kanila ang katawan mo? Hell no! Ako lang ang puwedeng makakita niyan!" Inis niyang sabi at tinalikuran ako.

Badtrip na sumunod ako. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako maliligo sa dagat nang naka-dress. Tang*na! "Hoy Mr.Griffin, galit ka ba?"

Hindi niya ako nilingon kaya naman sinundot ko ang tagiliran niya ngunit wala itong naging reaksiyon kaya muli kong sinundot ang tagiliran niya ngunit napaigtad lang ito at wala pa ring paglingon mula sa kaniya.

Sa pangatlong pagkakataong pagsundot ko sa tagiliran niya ay bigla na lang siyang lumingon at nahigit ko ang hininga nang bigla na lang niya akong halikan nang mariin at hindi pa bibitawan ang mga labi ko kung hindi ko pa siya itinulak dahil nauubusan ako ng hangin.

"Kagabi ka pa ganiyan ah. Gusto mo ba akong patayin?" Masama ang tinging tanong ko.

Ngumisi siya. "Parusa 'yan dahil hindi ka nakikinig tsaka, natutuwa akong hinahalikan ka nang gano'n." 

Iminuwestra niya ang isang jetski kaya nabaling ang tingin ko roon. "You can now ride on it."

Agad na naglaho ang inis na nararamdaman ko at napalitan iyon ng tuwa. May ngiti sa mga labing nilapitan ko ang Jetski at sumakay roon. Magsasalita pa lang sana siya nang mabilis na paandarin ko ang jetski at nag-drive palayo sa kaniya.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon