Eight months later...
LOGAN's POV
"Konting tiis pa. Malapit na tayo sa hospital." Sabi ko kay Savannah habang mabilis na nagmamaneho. Halos hindi ko na makita ang paligid dahil nagiging blured na 'yon sa bilis ng pagmamaneho ko.
Mas lalo akong nilukob ng matinding kaba nang makitang pumutok na ang panubigan niya. Rinig na rinig ko na rin ang paghahabol niya ng hininga. F*ck! Faster you dumbuss car!
Halos limang minuto rin ang lumipas at sa wakas ay narating na rin namin ang hospital. Mabilis akong bumaba saka siya binuhat. Napangiwi pa ako nang maramdamang ang bigat niya. Sa tingin ko ay mas lalo pa siyang bumigat sa paglipas ng mga buwan.
Marahan ko siyang inilabas sa sasakyan bago siya marahan ding ihiniga sa stretcher na sumalubong sa amin.
"Dala mo ba ang mga gamit ng anak mo?" Tanong ni Katherine na siyang nautusan kong i-ready ang lahat.
"Oo nasa sasakyan."
"Kunin mo na muna. Sumunod ka na lang." Sabi niya at mabilis na sumunod sa mga nurse. Mabuti na lang at malapit lang siya sa hospital kaya madaling naihanda ang lahat.
Mabilis na tinungo ko ang backseat ng sasakyan at agad na binuksan pinto saka kinuha ang box kung nasaan lahat ng mga gamit ng anak namin. Mabilis na isinara ko ang pinto ng sasakyan saka patakbong pumasok loob ng hospital.
Nang matanaw ko si Kath ay agad ko siyang nilapitan. "Where is my wife?"
"Nasa dilivery room na." Tugon niya at inginuso ang kuwartong kaharap ko.
Kinakabahang naupo ako sa isa sa mga bench. Ang kamay ko ay nanginginig sa sobrang kaba. Kinakabahan sa magiging lagay niya. Kita ko sa sulok ng mga mata ko ang paglapit ni Kath. Naupo siya sa tabi ko at tinapik ang balikat ko.
"Relax. She'll be fine." Mahinahon na sabi niya.
"How could I relax if I know to myself she's in that room?" Hindi mapakaling tanong ko. Nanginginig at nanlalamig din ang kamay ko dahil sa matinding kaba at pag-aalala.
"Trust her, she's a strong woman." Aniya. "Ano pala ang gender ng anak niyo?"
"I don't know. Hindi naman namin siya pina-ultrasound. Gusto kasi naming saka na lang malaman kapag ipinanganak na siya."
Hindi na siya nagsalita pa. Ilang minuto ang lumipas ay nakarinig ako ng mga yabag ng mga paang papalapit sa amin. Nang tignan ko 'yon ay ang mga kaibigan iyon ni Savannah na wala man lang makitaan ng kahit anong emosyon sa mukha maliban sa pagiging seryoso.
"Nasaan na siya?" Tanong Wyatt nang makalapit.
"Nasa delivery room." Tugon ni Kath nang mapansing wala akong balak na sumagot.
Hindi na nagsalita pa ang mga dumating at ilang minuto pa ang lumipas sa wakas ay bumukas na rin ang pinto. Agad akong tumayo at humarap sa doctor na maaliwalas ang mukha.
"Kamag-anak ng pasyente?" Tanong ng doctora.
"Ako po. Asawa niya." Sagot ko.
Matamis na ngumiti ang babaeng doctor. "Congratulation Mister, it's a healthy baby boy. Anyway, where's their things?" Tanong niya kaya agad na kinuha ko ang box at inabot iyon sa kaniya.
"How's my wife?" Maaliwalas na ang mukhang tanong ko.
"She's fine. Nagpapahinga lang siya. Maiwan ko na muna kayo." Paalam nito at muling isinara ang pinto.

BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficción GeneralEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...