Chapter 58

1.7K 53 3
                                    

Nang mapansing tahimik na sa loob ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka sumilip sa loob. Bumalik na ulit sila sa panonood ng TV. Nagbuntong hininga ako't muling pumasok. Kung gaya lang siguro ako ng ibang normal na tao ay kanina pa ako patay.

Hinihingal na naglakad ako patungong salas saka pabagsak na naupo sa pang-isahang sofa. Pagod na ipinikit ko ang mga mata at ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin sa mga sandaling iyon.

Nang medyo nakapagpahinga na ako ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata't tumitig sa kisame.

"Bakit ganiyan ka na manamit?" Tanong iyon ni Wyatt.

"To forget Logan." Parang wala lang na sagot ko. .

Narinig ko ang pagtsk ni Wyatt. "Forget daw."

"Nakalimutan mo naman?" Tanong iyon ni Wren.

"Hindi."

Nagtsk ito at kita ko sa sulok ng mga mata ko ang pag-iling-iling niya dahil magkatabi lang kami ng upuan.

"Eh 'yong pagtrabaho mo sa lahat ng trabaho ng mga tauhan ng lolo mo?" Tanong iyon ni Gianna.

Nilingon ko siya. Titig na titig ito sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko. "Alam niyo?"

Inirapan niya ako. "Malamang. Sinabi sa amin ni Gavin." Walang ganang sabi niya. Tsk. "Bakit mo nga tinrabaho lahat?"

"To forget him tempory."

"Nagawa mo naman?" Tanong niya.

"Hindi."

"Ibang level na ng pag-ibig 'yan Savannah." Naiiling niyang sabi.

"Ibang level na nga. Nakakabaliw na eh." Nangingiting sabi  ko.

Sabay sabay nila akong nginiwian.

"Kaya ayaw kong magmahal eh. Nakakabaliw." Sabi ni Wren.

Mabilis na kumontra si Wyatt. "Don't worry small sister, wala namang lalaking magbabalak na mahalin ka."

Nagsalubong ang mga kilay ni Wren. "At paano ka nakakasigurado?"

"Kasi sa edad mong 'yan maliban sa mga kaibigan mo, ni isang lalaki ay wala pang nagbalak na lumapit sa 'yo para ligawan ka." Malakas na tumawa si Wyatt nang tumalim ang tingin ni Wren sa kaniya.

"Eh kung isampal ko kaya sa 'yo ang listahan ng mga manliligaw ko?" Naiinis na ani Wren.

"Mga manliligaw mo sa facebook, Instagram at Twitter? Paano ang listahan mo sa personal? Meron ba?" Nanghahamong tanong ni Wyatt habang nakangisi sa kakambal na mukhang napipilan. "Oh bakit hindi ka makapagsalita?"

"Ah basta manliligaw pa rin 'yon." Sagot ni Wren na ikinahalagapak ng tawa ng kakambal.

"'Yan ang patunay na pangit ka kaya walang magkakagusto sa 'yo. Minsan talaga naiisip ko, madalas, mas lamang ang bunso kaysa sa nakakatandang kapatid."

Sa asar ni Wren ay binato niya si Wyatt ng remote na mabilis lang naman nitong nasalo at kinindatan pa ang kakambal. Naiiling na iniiwas ko sa kanila ang tingin. Wala nang araw na hindi nagbangayan 'tong dalawang 'to.

"Bakit mo pala ginawa 'yon kay Logan kung ganiyan naman ang nararamdaman mo para sa kaniya?" Mayamaya ay tanong ni Gianna.

"For his safety." Sagot ko.

Walang dahilan para magsinungaling sa kanila dahil alam ko namang hindi nila ako tatantanan hangga't hindi nila nalalaman ang 'totoo.

"What about his safety?" Tanong uli ni Gianna.

The Emotionless Cold Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon