LOGAN's POV
"The trash is here again."
"Paano kaya siya nakapasok dito eh mukha namang hindi siya nababagay sa paaralan natin?"
"Hindi ko alam kung bakit hinahayaan lang siyang mag-aral dito ni Miss Hernandez gayong sinisira lang niya ang imahe ng paaralan."
"Eww... nakakadiri siya. Naliligo rin kaya siya?"
"Ewan. Baka hindi."
Ilan sa mga bulungan ng bawat mga estudyanteng madadaanan ko habang tinatahak ang daan patungong locker area.
Tumigil na ang pambu-bully sa akin ng mga estudyante simula nang ipahayag ni Savannah ang mapanindak na mga bantang iyon sa lahat ngunit hindi nga lang nawala ang pangit na bulungan sa paligid na hindi naman nakakaapekto sa akin.
Hindi ko pa rin maiwasang humanga kay Savannah. Kahit kasi sa murang edad niya, ang galing niyang magpatakbo ng paaralan. Isang salita lang niya, sinusunod na siya kaagad ng mga mag-aaral dito. Kung may sumusuway man, nagagawan pa rin niya ng paraan para ito ay mapatino.
Nang marating ko ang locker ko ay agad ko rin iyong binuksan. Nakakapanibagong malinis na ang mga gamit ko. Wala ng mga palaka, putik, ipis, mga papel at kung anu-ano pang maruming bagay ang makikita roon. Hindi na rin nababawasan ang mga gamit ko. Kahit ang libro kong bagong bili ay wala na ring punit punit.
Kinuha ko ang makapal kong libro para sa pangalawang klase ko ngayong umaga saka ko isinara ang pinto ng locker ko.
Pagharap ko sa kaliwa ay saktong bumungad sa akin ang lalaking palaging bumubugbog sa akin na ngayon lang nagpakita simula kahapon. Kapareho rin siya ng course nila Savannah. Fourth year nga lang ito. Ito rin ang dahilan kung bakit madalas akong nasa department nila Savannah dahil palagi itong may iniuutos sa akin.
'Ano na naman kaya ang kailangan nito?'
"Nasaan ang wallet mo. Ibigay mo sa akin." Sabi niya. Pinapatunog ang mga daliri bilang pananakot na ni katiting ay hindi ko maramdaman. Hindi ako kumibo. Nanatiling walang emosyon ang aking mukha. "Ba't ganiyan ka makatingin ha?" Maangas niyang tanong ngunit ganoon pa rin ang reaksiyon ng mukha ko. Walang emosyon at malamig kung tumingin.
"Mark, itigil mo na nga 'yan. Malalagot tayo kay Miss Hernandez kapag nakarating sa kaniya 'to. Ayoko ring makaharap si Miss Rita." Pigil sa kaniya ng isa sa mga kasamahan niyang nasa likuran niya.
Nagbuntong hininga ang lalaki. "Pasalamat ka at iginagalang namin si Miss Hernandez. kung hindi, patay ka ngayon sa aking pangit ka." Maangas niyang sabi saka binangga ang kaliwang balikat ko at maangas na naglakad palayo. Ako nama'y nagsimula nang maglakad palabas ng locker area at tinungo ang department namin na parang walang nangyari.
Malayo pa lang ako ay natanaw ko ang paglabas ni Savannah mula sa entrance ng principal's office na katabi lang ng department namin. Kalmado ang mukha nito at maaliwalas. Palagi naman.
Maraming bumabati sa kaniya ngunit ni isa ay wala siyang nilingon o pinansin. Iba talaga ang ugali niya. Mukha siyang inosente kung titignan pero 'yon pala ay kaya niyang pumatay ng dalawampung katao sa loob lang ng isang minuto gamit lang ang isang kutsilyo. That's how scary she is.
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Ficción GeneralEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
