Pagparke ko ng sasakyan ay agad akong lumabas. Ganoon din naman ang ginawa ni Kath. Ngumiti ito nang magtama ang mga mata namin pero imbis na pansinin ay iniiwas ko ang tingin sa kaniya. Damn heart, relax.
Walang imik na tinungo ko sa ang entrance ng hospital. Pagpasok namin ay agad kaming dumiretso sa operating room dahil naroon na raw si Savannah. And her family are so there.
"Bilisan mo ngang maglakad. Para kang pagong." Inis na sabi ko kay Katherine.
"Ang lalaki na nga ng hakbang ko hindi ka pa makuntento." Nakasimangot niyang reklamo.
Hindi ko alam kung bakit naging kakaiba ang tibok ng puso ko dahil sa cute na reaction ng kaniyang mukha. Mabilis kong iniiwas ang tingin sa kaniya't naunang maglakad at iniwanan na lang siya. She is not good to me and here's something about her that can caught my attention and I don't like it.
Nang marating ang elevator ng hospital ay agad din akong pumasok at magsasara pa lang sana ang elevator nang may kamay na humarang do'n. Kamay ni Katherine. Lihim kong ikinuyom ang kamao ko. Maaaring kalmado ang panlabas kong anyo ngunit ang puso ko ay nagwawala sa mga sandaling ito dahil ang lapit niya't amoy na amoy ko pa ang pabango niya.
"Ang sama mo." Nakasimangot niyang sabi. Hindi ko siya pinansin. Pinindot ko ang 2nd floor at umayos ng tayo. "Bakit sa 2nd floor? Akala ko ba 3rd floor 'yon?" Tanong niya. Ngunit imbis na sagutin ay nanatili akong walang imik habang paulit-ulit na sinasaway ang puso ko. Shit! This is really not good. "Bakit ba para kang hangin kausap?" Tanong na naman niya. "Tsk. Napaka isnabero mo talaga." Dagdag pa niya.
Sinamaan ko siya ng tingin."Can you just shut up and close your mouth?" Naiinis kong sabi sa kaniya pero imbis na mainis din ay bahagya siyang tumawa tapos ay inakbayan ako na halos ikahulog ng puso.
"Marunong ka naman palang magsalita. Bakit kaya hindi ka na lang ganiyan palagi?"
Iniiwas ko sa kaniya ang tingin. Mas lalo kasing lumalakas ang pagtibok ng puso ko at para na akong kinakapos ng hininga.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga para pakalmahin ang sarili. Hindi talaga maganda ito. Inalis ko ang mga braso niya sa balikat ko't naunang lumabas ng elevator nang magbukas 'yon. Narinig ko naman siyang malakas na tumawa na ikinapagtaka ko. Minsan ay katulad din talaga siya ni Wren: Wirdo at maingay.
Nilakihan ko ang bawat hakbang ko nang matanaw ang mga magulang ni Savannah na nasa labas ng operating room. Mababakasan ng kaba ang kanilang mga mukha. Ganoon din sina Rita, Jett, Gianna at magkambal na hindi mapakali.
Nagtaka ako nang dumako ang tingin ko kay Logan na mababakasan ng takot ang mukha habang nakatingala sa kisame ng hospital at nakasandal ang likod sa pader. Halatang halata ang panginginig ng magkasalikop niyang kamay.
"Nasaan na si Savannah?" Tanong ko. Nakahinga nang maluwag nang mapansing kay Gianna tumabi si Katherine.
"Nasa loob pa rin." Si Wren ang sumagot sabay nguso ng operating room na nasa harap.
Bumaling ako kay Logan na namumutla. Kinukulit siya ng mga nurse pero pinagtutulakan lang niya ang mga ito palayo.Lumapit ako sa kaniya at sinenyasan ang mga nurse na lumayo muna. Agad naman ang mga itong tumalima.
"Bakit narito ka pa?" Tanong ko. "Kailangan mo nang maoperahan."
Nilingon niya ako. Halu-halo ang emosyong mababasa sa kaniyang buong mukha. "Kapag ligtas na siya, saka lang ako magpapagamot--F*ck..."
"Pero makakasama 'yan sa 'yo. Ang dami nang nawalang dugo sa 'yo."
"Just to see her safe and I'll let them operate me."
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Fiksi UmumEveryone admires, respects, and fears Savannah Hernandez. In the eyes of other people, she's a beautiful heiress from a well known family. But in the eyes of her friends, she's a cold hearted assassin who'll kill without a second thought. She's not...
