Lumipas ang halos isang buwan at balik na uli sa normal ang lahat. Maayos na rin ang lagay ko kaya nakakagalaw galaw na ako nang walang nagagalit na Logan at nakauwi na rin ako sa wakas sa condo ko.
Gayun pa man, hindi ko pa rin maiwasang magtaka kung bakit wala nang nagtatangka sa buhay ko. Sa halos isang buwan na lumipas ay naging tahimik ang pamumuhay ko pero kahit na gano'n ay hindi pa rin ako magiging kampante na wala na talagang gugulo sa buhay ko. Sa rami ba naman ng gustong pumatay sa akin ay alam ko na sa sarili kong habang buhay nang hindi magiging tahimik ang buhay na mayroon ako.
Humigop ako ng kape sa tasa saka kumagat ng kaunting slice bread. Muli pa akong humigop ng kape bago iyon ilapag sa round table na salamin.
Nagbuntong hininga ako at tinanaw ang maaliwalas na kalangitan. Summer vacation ngayon at isang linggong paniguradong boring na araw ang kahaharapin ko.
Saan kaya pumunta ang mga kaibigan ko't dalawang araw nang hindi nagpapakita? Usually kasi kapag ganitong araw ay rito silang lahat tumatambay. O mas dapat kong sabibin na halos dito na sila tumitira. Tsk. Akala mo namang walang mga bahay. Kahit saan talaga ako tumira ay naroon sila. Isa rin sa dahilan kung bakit ako umalis sa mansyon at bumukod ay kapag nasa masyon sila ay sobrang iingay nila at naiistorbo ang mga maid naming tulog na kapag malalim na ang gabi.
Muli akong nagbuntong hininga saka tumayo at tinungo ang railings ng balkonahe. Hindi talaga ako madala dala. Maraming beses na muntik na akong mamatay sa mismong balkonahe na ito tapos heto't nagagawa ko pang tumambay uli rito.
Naupo ako sa mismong railings saka tumingala sa langit. Hindi ko maiwasang mapangiti. Napakaaliwalas niyon at nakakagaan sa pakiramdam.
Naputol ang payapa kong mundo nang may marinig akong boses na nagmumula sa ibaba.
"SAVANNAH! ALAM NAMING MARAMING GUMUGULO SA ISIP MO PERO 'WAG NAMAN GANITO! MAHAL KA NAMIN KAYA 'WAG KANG MAG-SUICIDE!"
Bumaba ang tingin ko at tinignan ang may-ari ng boses na 'yon. Napapoker face ako nang mapagtanto kung kaninong boses iyon. Kahit kailan talaga ay napaka walang kuwenta niya mag-isip.
Nakita ko ang paglabas ni Wyatt mula sa ground floor. Nilapitan ang kakambal at malakas itong binatukan. Mukhang may sinabi itong hindi maganda dahil bigla na lang nagsalubong ang kilay ni Wren.
Iiwas ko na sana ang tingin nang mapansin ang maraming tao sa baba. Bakas sa mga mukha nito ang pag-aalala na ikinawala ng emosyon sa mukha ko.
Napairap na lang ako sa kawalan at akmang aalis na sana sa kinapupuwestuhan nang may biglang yumakap sa akin na muntik ko nang ikahulog. Pati puso ko ay muntik na ring mahulog dahil sa sobrang gulat.
"My very beautiful sonnenchein." Bulong ng nasa likuran ko saka ako mabilis na hinalikan sa pisngi at bahagyang itinulak na halos ikaluwa ng mga mata ko.
Naiinis na malakas kong kinurot ang mga braso ni Logan na ikinaluwag ng pagkakayakap niya sa akin. Kinuha ko naman iyong pagkakataon at buong puwersang pabaliktad na tumalon. Nang harapin ko siya ay lukot na ang mukha ko. Mababakas doon ang pagka-inis at pagkapikon. .
"Gusto mo ba akong patayin?" Inis na tanong ko ngunit tinawanan lang niya ako.
"Oo. Papatayin kita sa sobrang pagmamahal." Aniya sabay kindat.
Walang gana ko siyang tinignan. Ang corny niya. Magsasalita pa lang sana ako nang bigla na lang niya akong hinapit at mabilis na hinalikan sa labi saka ako niyakap nang mahigpit.
"Mahal na mahal kita." Aniya.
Nagbuntong hininga ako' siya niyakap pabalik. "Mahal na mahal din kita." Tugon ko't lumayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/200171053-288-k262082.jpg)
BINABASA MO ANG
The Emotionless Cold Nerd (Completed)
Narrativa generaleEveryone admire, respect, and fear Savannah Hernandez. She's not the type of person to be humble when she's hurt. She also never let anyone to dictate her because she has her own decisions in everything she does.But, when it comes to Logan Griffin...